AROUND 4 in the afternoon ay nagmamadaling pumasok si Zev sa loob ng bahay, maghahanda na sana siya ng dinner nila nang lumapit ito sa kaniya. Galing ito sa ospital, hindi na siya pinapapasok nito roon bilang medical secretary nito mula nang matapos ang competition. Gusto raw nito na makapagpahinga siya dahil alam din daw nito na marami ng offer ang darating sa kaniya kaya nagsasanay na ito na wala ulit na secretary. “Xena, magbihis ka may pupuntahan tayo,” seryoso at nagmamadaling utos naman sa kaniya ni Zev kaya hindi niya maiwasan ang kabahan. “Bakit? May nangyari ba?” Bilang part na ng buhay nito ang emergency at sa ilang buwan na rin silang magkasama ay parang hindi pa rin siya nasasanay sa ganoong routine ng buhay nito. “Basta,” tugon lang nito pagtapos ay ipinagtulakan na siya pa

