PINAGPAHINGA na muna ni Xena ang mga magulang at siya na muna ang nagbantay sa kapatid. Although, hindi pa siya pumapasok sa loob ng room nito. Hindi rin naman siya iniiwan ni Zev. Nakaupo sila sa bench sa labas ng kuwarto ni Maliyah, nasa loob naman si Axel kasama ng kapatid niya. “Sige na, Zev, magpahinga ka na muna.” Pagpapaalis niya sa binata. “Baka nakakalimutan mo na kailangan mo ring magpahinga,” wika naman nito sa kaniya. “Okay lang ako, Zev, isa pa gusto ko rin kasi talaga sanang makausap si Maliyah,” sabi naman niya habang nakasandal ang ulo niya sa pader na nasa likuran. “Aayusin mo na ba ang lahat sa pagitan ninyo?” “Kanina ko pa ‘yan pinag-iisipan, Zev, pero hindi porke’t gusto ko ay maaayos na ang lahat sa pagitan namin. May malaking lamat sa pagitan naming dalawa ni Mal

