NANG makalabas na sila Xena ng ospital ay nagpunta na rin agad sila ni Zev sa General Malvar. Magkahawak-kamay lang sila habang nasa biyahe. “Zev, dala mo phone mo?” tanong niya sa binata. “Oo, bakit?” “Tatawagan ko kasi sila Mama para alam ko kung saang room sila,” pagkasabi niya noon ay iniabot naman agad nito sa kaniya ang cellphone nito. Nag-dial naman siya agad nang mahawakan niya iyon, nakailang ring bago may sumagot. “Hello?” bungad ng Mama niya mula sa kabilang linya. “Hello, Ma, papunta na po kami riyan ni Zev.” “Oh, bakit?” Gulat namang tanong nito. “Okay na ba ang pakiramdam mo? Okay naman daw ba ang baby?” magkakasunod pang tanong nito. “Yes, Ma, okay na ‘ko at yes, okay lang ang baby kaya wala na rin naman kayong dapat na alalahanin.” “Hay, mabuti naman kung gano’n.” P

