Introduction
Introduction
"Sino na naman 'yang kachat mo, sis?" tanong sa akin ni Charlyn. She's holding a piece of pizza and juice while walking towards me.
"Simsimi?" panghuhula niya. Umupo siya sa tabi ko at sinubukan pang silipin ang ginagawa ko sa cellphone ko.
Lately tuwing recess time, I grab the chance to talk with my online friend, si Erick.
"Ay, si Erickson?" natatawa niyang tanong nang tuluyan niyang makita. I nodded and immediately hide my smile while typing.
Jasha:
"Recess namin, kayo? nasaan ka?"
"Maraming tao sa baba?" I asked her referring to our school canteen. Busy siya sa pag-inom ng juice niya na parang bata.
She nodded. "As always. Try mo kaya."
Agad akong umiling. "Hindi na. Mas gusto ko pang magstay dito kaysa makipagsiksikan sa canteen." paliwanag ko.
Ang totoo, bukod sa mahihirapan lang naman ako pumili kung anong kakainin ko, nagtitipid din ako. Sayang 'yong baon.
Mabilis akong tumingin sa cellphone ko nang magvibrate ito.
Erick:
"Wala kaming teacher. Ano gawa mo? Kumain ka ha?"
Nahuli akong nakangiti ni Charlyn kaya naman todo ang pagsilip niya sa cellphone ko. Kahit kailan talaga chismosa 'to.
"Ano ba 'yan? Kayo na no?" pang-iintriga niya.
"Hindi ah!" I denied but the smile in my face becomes wider revealing my own secret.
Pinanliitan niya ako ng mata dahil sa pagdududa. She even raised her eyebrows repeatedly like investigating my reaction.
"Uulitin ko, Ja..." nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. "Kayo na ba?" she asked for the second time.
Tumawa ako dahil sa ginagawa niya. She's my best friend anyway.
"M.U hehe." bulong ko bago muling tinignan ang usapan namin ni Erickson.
I saw her eyes widened and hold my wrist. Hinila hila niya pa ako dahil sa reaksyon niya. Hindi ko malaman kung natutuwa siya o nagbabanta.
"Weh? Seryoso nga? bwiset ka! Online landian lang 'yan hindi kayo magtatagal-"
"Shhh h'wag mo naman ipagsigawan!" I cut her. Patayo na kasi siya sa pwesto niya sa sobrang OA.
"Ok, ok." she calm herself and went back to her seat.
"Hindi ko naman seseryosohin 'to. Wala pa kaming 2 months na nagchachat, e. Tsaka sabi ko kung seryoso talaga siya puntahan niya ako at manligaw siya." paliwanag ko. Nakita ko naman na mukhang naniwala siya sa sinabi ko.
"Sis, paalala ko lang ha. 14 palang tayo! Hindi porket lagi kang with honors pwede na. Yari ka sa mga ate mo, balakajan." inirapan niya ako.
Hindi ko maiwasang mapangiti. She's always protective at me since we met. Ganon din naman ako sa kaniya pero nakakatuwa lang na may taong nandyan sa tabi ko para magpaalala.
Sumunod na minuto ay ang pagdating ng teacher namin. It was our science time when I almost fell asleep. Tinawag ako sa recitation nang lutang but at least I answered it correctly.
The day went smooth. Nakakaantok pero sanayan lang 'yan. As usual, sabay kami ni Charlyn uuwi. Madadaanan kasi ng overpass ang bahay namin kung saan siya sumasakay.
I waited her for a minute dahil kasama siya sa cleaners for today. Nakita ko ang ginawa niya, pretending to sweep the floor and move the chairs kahit wala naman siyang nakukuhang dumi.
"Bilis maglinis, ah." puna ko.
"Wala namang kalat kase! Echos echos lang." she laughed.
Sumang-ayon nalang ako dahil kahit ako ganon din ang gawain. Siya pa mismo ang nagturo sa akin.
"So anong assignment ngayon?" pag-iiba niya sa usapan habang pareho kaming naglalakad sa hallway.
"Math... tapos sa Arts ipapasa na bukas." paalala ko.
"Math pa pala! 5 items 'yon puro problem solving!" sabi niya. "Pakopya."
I chuckled after she said that. She knows that I am not going to give her my answers but rather I will have my time to teach her.
"Damot." agad niyang bawi.
"I'll send you the formulas nalang and ask me kung may hindi ka maintindihan." sagot ko. Ngumiti naman siya at sumang-ayon.
"Tapos mo na Arts mo?" she asked. Pinauna ko siyang lumabas sa gate ng gate nang marating namin ito. Dahil medyo maraming dumadaan na estudyante, medyo siksikan na ang exit. We walk again together after we passed by all those students.
"Tatapusin palang." I answered her question.
"Weh? Duda? Tapos pagkauwi natin tapos na niya 'yan." paghihinala niya. "Ikaw pa ba! Bida bida ka sa arts, e." pang-aasar niya sa'kin.
"Baliw!" I laughed. Paano ba naman kasi, madalas akong puriin ni sir na teacher namin sa Mapeh. Medyo magaganda daw kasi ang gawa ko kaya natutuwa siya.
I just want to be humble about it. Para sa'kin pare-pareho lang naman ang gawa namin at ayoko silang angatan.
Nakauwi ako sa bahay nang mapansing wala pa si Geyzil. Apat kaming magkakapatid puro babae at si ate Jedy ang pinakamatanda sa amin. She just finished her college degree last year that's why she's a fresh worker for us. Second among us is my ate Geridine but we usually call her ate Dine. Gra-graduate na rin siya this school year kaya mukhang hindi na kami mahihirapan dahil may tutulong na sa pagkita ng pera. Ako ang pangatlo sa amin at bunso si Geyzil, dalawang taon ang pagitan namin.
If you are wondering where my parents are, they are now in heaven. At first, sobrang hirap tanggapin dahil hindi namin inakalang maaga silang mawawala. May sariling contraction firm si papa noon. We're not that popular and well known compare sa ibang company but it can provide our daily living before. There are times na wala nang nangongontrata at nagtitiwala pero dumating naman ang araw na hinihintay nila. May malaking project na nagoffer sa kanila that's why kumita sila doon ng sobra sobra. Nagsunod sunod ang mga projects and mga share holders kaya pinatigil na rin ni papa si mama sa pagtratrabaho.
All he always wanted are the best for us. Palagi niyang sinasabi na kami ang mga prinsesa niya and all her princesses should be treated as it is including his queen, si mama.
But life is not a book that will easily end with a happy ending.
Summer 2016 when my parents booked for a vacation sa Palawan. We wanted to go with them that time but they insisted to travel alone. It was their marriage anniversary anyway that's why we decided to let them go.
1 day without update from them was unusual. Inisip namin na baka they off their phones para walang umistorbo sa kanila from work or even from us. We started to get worried when they spent 3 days without us and without updates. No hi or hello from them kaya medyo may kaba na.
Sa isip isip ko baka may masamang nangyari. That time, I secretly called mama or papa hoping that they answered their phones. I cried with myself dahil noong gabing iyon nilamon ako ng takot. I wanted to tell everyone but I didn't want to share my negativity.
All I hold back then to bring back my senses are my prayers. Baka nagkakamali lang ako, I always whispered.
I acted like everything was normal. I'm with my sisters at home just by ourselves. Hindi ko alam kung para sa kanila normal din ba 'yon.
1 week had passed and everything became unexpected. I woke up with the sound of cars and cries. Pakiramdam ko lutang ako noong gabing iyon dahil kahit may pakiramdam na ako sa nangyayari, ang dami ko pa ring tanong.
"Natagpuan sila sa daan sa loob ng sinasakyan nilang kotse. Dead on arrival ma'am base sa report sa amin."
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Years had passed but everything is still there. Pain is still in me at pakiramdam ko hindi na ito mawawala pa tuwing maaalala ko ang lahat.
Nakalimutan ko bigla ang iniisip ko nang makita ko ang cellphone ko na umiilaw. I almost ran to get it until I saw that Erickson is calling me.
Omyghad! He is calling me!!
What will I do??
Sasagutin ko ba? Ngayon niya pa talaga naisipan tumawag kung kailan nagdradrama ako.
Shet! Ayoko haggard ako ngayon!
Dahan dahan kong pinindot ang red button habang sinusubukang ayusin ang itsura ko. Kung maririnig ko ang boses niya, ngayon palang ang unang pagkakataon na iyon. Hindi pa ako ready!
Erick:
Nakauwi ka na? Bat di mo sinagot?
Hindi ko alam kung kinakabahan ako o ewan pero ayokong malapit sa kaniya ng ganon ganon lang. We don't know each other yet that much. Nakilala ko lang naman siya sa group chat ng book clubs ko. Nagtanong lang ako kung taga saan sila and I found out na siya ang pinakamalapit sa location ko kaya naging close kami. We live in the same city but different barangay.
Jasha:
Oo. Wag ka na tumawag, nandito mga ate ko bawal pa ako magbf diba sabi ko M.U lang tayo.
I replied.
I almost forgot to change my clothes. Dali dali akong nagpalit ng pang bahay na damit at kumain ng lunch ko. I need to go to school every morning base sa schedule ko while ang dalawa naman every afternoon. Kaya madalas ako lang magisa kapag may araw pa dahil hapon na rin umuuwi si ate Jedy mula sa trabaho.
Kinabukasan maaga akong nagising. Around 4 am when I started to do my morning routine. I also have time to cooked breakfast for my sisters para mamaya kakain nalang sila.
After I had finished all my chores, nakita kong medyo maaga pa kaya may pagkakataon ako para ichat si Erick bago pumasok.
Jasha:
Goodmorning!! I'm about to go po. Nakakain na ako ng breakfast.
Hindi ko alam kung saan hahantong 'tong ginagawa namin. I like him but I don't want yet a boyfriend. Siguro naghahanap lang ako ng lalaki sa buhay dahil simula noon si papa lang ang nagiisang lalaki sa buhay namin.
Erick:
Kagigising ko lang. Ang aga mo naman pumasok, usap muna tayo.
Napangiti ako sa reply niya. Simula sa una sinabi ko na sa kaniya na gusto kong magkakuya. Ayaw naman niya dahil may gusto na daw siya sa akin kaya hangga't maaga pa sinabihan ko siya na hindi lahat ng post ko sa stories at f*******: ko totoo. Hindi ako maganda sa personal para aware siya.
Erick:
Sunduin kita sa school mo mamaya?Kita tayo?
Muli na naman akong nangamba sa reply niya. Nagisip ako ng ilang minuto bago makapagisip ng isasagot.
Jasha:
Pwede naman basta kasama ko si Charlyn.
Erick:
Huwag mo na isama. Gusto ko tayo lang.
Jasha:
Ayoko, kailangan kasama si Lyn.
Erick:
Sige wag nalang. Ingat nalang.
Hindi na ako nagreply pagkatapos noon. Lagi naman siyang ganyan. Gusto niya daw ako puntahan pero hindi ako pumapayag ng walang kasama. Hindi ko pa siya kilala sa personal, e.
"Huy! anong oras na nakatulala ka pa rin."
Nagitla ako sa biglang pagsulpot ni ate Jedy. She probably just woke up from bed, obviously. Magulo ang buhok niya, e.
"Papasok na ako, ate! Iniisip ko lang baka may makalimutan pa ako." pagpapalusot ko.
"Taray nagluto siya hmm, salamat!" natutuwang sabi niya. "May pangbaon ka pa ba?"
Agad ko siyang nilingon at tumango. "Oo, ate. Kasya pa 'to." sagot ko. "Mauna na ako, ingat nalang sa work!" pagpapaalam ko.
Pagdating sa school ay agad kong hinanap si Charlyn para ikwento ang usapan namin ni Erick. Siya lang naman ang nakakausap ko madalas ngayon dahil si Milee isang linggong aabsent.
"Duh! H'wag ka talaga makipagkita kung ayaw niya akong kasama. Nastalk natin siya noong nakaraan 'di ba?" tumaas na naman ang boses niya. Katatapos lang ng isang subject namin nang magkaroon ako ng pagkakataong makipagdaldalan sa kaniya.
"Oo nga. Paulit ulit mo nga sinabing hindi gwapo, e." ngumuso ako.
"Inadd nga ako nun pati si Milee." she said. I quickly wrinkled my forehead with that.
"Bakit kaya?" I wonder. "I remember sabi niya dati he wanted to have girl friends." pagkwekwento ko.
Sinimangutan niya naman ako. "Alam mo minsan hindi ko feel 'yang kachat mo, ah. Duh! Kulang ba siya sa attention?"
Agad ko naman siyang hinampas dahil sa sinabi niya. "Grabe ka naman. We don't know! Malay mo he just being friendly 'di ba?"
Sininghalan niya ako. "Ikaw bahala, Ja."
Lumipas ang mga araw na paulit ulit ang naging ganap ng buhay ko. I will wake up, go to school, hang out with Charlyn, study, do house chores, sleep and repeat.
May isang araw pa na medyo nagiba ang tingin ko kay Erick. I am not comfortable that he is chatting my friends asking where I am when I'm offline. Feeling ko naghahanap lang talaga siya ng makakachat at ayokong may naiistorbo siyang iba dahil sa akin. Hindi ko nagugustuhan ang pagiging feeling close niya sa mga friends ko.
I'm not aware na halos lahat ng friends kong babae ay mutual friends niya na din. Mabuti nalang Charlyn is always there para icheck ang profile ng lalaking 'yon.
Hindi naman ako nasasaktan. I feel neutral about him and no hard feelings. Nagkamali nga siguro ako ng label saming dalawa because I don't think we have mutual feelings. I want a guy friend who can be my brother at the same time and he wants a girlfriend.
Kaya may linggong naging cold ako sa chat. I knew I'm wrong at that part na bigla bigla nalang magiging cold without telling him why.
Periodical exam when my classmate, Ghibert ask for a piece of paper. Galing pa talaga siya sa likod at pumunta sa akin para manghingi.
"Mabait ka, e. Alam kong mamimigay ka." tumawa siya.
"Ay sa susunod hindi na." pagbibiro ko.
"Nga pala, magkakilala kayo ni Erickson?" tanong niya. Agad akong natigil sa pagpilas ng papel at gulat siyang tinignan.
"Kilala mo? Bakit?" dali dali kong tinanong.
"Wala naman. Kilala ka niya, e. Nakakasama ko kasi siya sa computer shop."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Wehhh? Anong sabi??" lumapit ako sa kaniya para hinaan ang boses ko. Kumakabog ang puso ko at hindi ko malaman kung bakit ganon.
"Wala kilala ka daw niya tapos tinatanong niya saan ka daw nakatira ganon." he casually said.
"Don't tell me sinabi mo?" natatarantang tanong ko kaya naman natawa siya sa reaksyon ko.
"Oo-"
"Bakettttt! Dapat hindi mo sinabiii!" I cover my lips to control my reaction. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ng wala sa oras.
"Tinanong niya, e. Pati school mo at section." nakita ko naman na nabahala siya sa naging tingin ko sa kaniya.
"Next time h'wag kang magsasabi ng info doon! Promise me kundi nakooo!" I beg him. Agad naman siyang sumang-ayon kaya mabilis kong binigay sa kaniya ang papel na hinihingi niya.
I can't tell how many minutes I am staring blankly in the air thinking what my classmate said. Paano kung bigla siyang mapadpad sa barangay namin lalo na ngayon na alam niya kung saan ako nakatira? I don't want to see him!!
Nang makauwi ako sa bahay ay ginawa ko na agad ang mga dapat gawin. I immediately washed the dished, I reviewed again for another exam and I already finished my projects.
"Ja."
Inangat ko ang tingin ko kay ate Geri na pumasok sa kwarto ko. Kasalukuyan akong nagaayos ng kama ko nang dumating siya.
"Oh, bakit ate?" tanong ko.
"Uuwi ka naman agad dito bukas 'di ba?" tumayo siya sa tapat ko.
"Hmm... oo after exam mga 12:30 pa." I answered.
"Mag-iwan ako sa'yo ng pera, baka kasi dumating iyong inorder kong libro sa online bukas ng tanghali, e." bilin niya. I only nodded as my response before she handed me her money. Nasanay na ako sa kanila kapag may darating na deliver dahil ako ang naiiwan sa bahay ng ganong oras.
"Thank you, chat mo ko kapag dumating na." habol niya pa.
"Okii, sis." sagot ko naman habang pinagpapatuloy ang pag-aayos ng kama.
Narinig ko na sinara na niya ang pinto ng kwarto ko pero agad niya ulit itong binuksan.
"Nga pala." mas mahina ang boses niya ngayon.
"uhmm?" tugon ko habang hindi nakatingin sa kaniya.
"May boyfriend ka na no!?"
I automatically look at her. Naitigil ko ang ginagawa at nakakunot noong tinignan siya.
"O manliligaw?" pagpapatuloy niya pa. Nalukot naman bigla ang mukha ko.
"W-Wala ah!" I denied. "Paano mo naman nasabi?"
She is glaring at me like something is suspicious. Tinaas ko naman ang dalawang kilay ko dahil wala akong ideya sa sinasabi niya.
"May lalaki kanina dyan sa labas, sis! Naghahanap sa'yo. Sige nga! Ipaliwanag mo kung sino."
"Sino naman-" naihinto ko ang sasabihin ko nang bigla kong maalala ang sinabi ni Ghilbert sa'kin.
"owshet" bulong ko habang sapo sapo ang noo.
"Oh ano?" pagsusungit ni ate. "Naku! May mga kasunduan tayo na bawal pang magboyfriend 'di ba? Yari ka kay ate." pagtutukoy niya kay ate Jedy.
I immediately shrugged my shoulder. "Hindi naman kami non!" I admit.
"Sows!" iiling iling siyang lumabas sa kwarto ko.
The next day was normal. I went for school for another exam and thank God I had finished it without difficulties.
It was Saturday when I am about to go to Charlyn's house. Nakajumper ako with white shirt inside at tanging white rubber shoes lang ang suot.
"Jasha!"
Napaatras ako sa nakita. I am not aware that he will going to see me today. Pakiramdam ko napako ang paa ko sa kinatatayuan habang tinitignan siya.
"Surprise?" he laughed walking towards me.
"A-anong ginagawa mo?"