Prologue
Prologue
I look again in the mirror to check my final outfit for this day. Marami akong nailabas na damit mula sa mga closets ko para lang makapili. I ended up wearing a white sleeveless inside my sky blue long line cardigan and slocks. Mas lalo akong nagmukhang matangkad matapos suotin ang puting sandals ko.
All looks better now.
I casually smile making my reflection nice and presentable. I need to have my most genuine smile today for my presentation. Kinakabahan man pero kailangan kong magmukhang handa at natural sa mga katrabaho ko mamaya.
Ayokong mareject.
Saglit ko pang tinitigan ang sarili ko sa harap ng salamin bago naisipang umalis. I looked for my keys inside my bag before I left my door. Makakalimutin pa naman ako kaya gusto ko ready ako palagi.
"Hi, Ma'am Jasha!" nakangiting bungad sa akin ni manong. I immediately response waving my hands at him. "Good Morning po, kuya." I replied.
Every morning he used to roam around the parking lot and we often see each other that's why. Pang gabi kasi ang duty niya sa pagkakaalam ko kaya mga 7am nandito pa siya at sakto namang oras ng pasok ko. Siya lang ang matinong guard dito sa building namin. Kadalasan kasi panay mga seryoso at pormal ang iba.
Napatingin ako sa rear view mirror para icheck muli ang ayos ko.
While driving, I can't help to think what will happen later. Paano kapag hindi nila nagustuhan 'yong design ko? What if hindi ko masagot ang mga tanong nila?
I'm sure there's a big possibility na mamental block pa ako mamaya but I should not think about it. Let's be positive, Jasha!
Sana naman wala doon 'yong pinaguusapan nilang masungit na engineer daw. I heard he rejected many presenters sa board and I don't want to experience that for the first time. Mula kagabi pa pinagdarasal ko na hindi siya dumating sa company namin dahil sa mga kwento ng team ko, mukhang hindi siya maganda kabonding.
Saktong pagtigil ko sa traffic light ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.
Si Charlyn.
"Morningg Lyn!" I greeted.
"Sissss!!! You need to hurry!" natatarantang pagsagot niya sa akin. I suddenly raise my brows up for that motion.
"Why in such a hurry? 7:25 palang-"
"Nandito si sir! Kasama siya sa meeting mamaya kaya for sure aattend siya sa presentation mo!" sabi niya. Hindi ko maipaliwanag kung kinakabahan ba siya o naeexcite dahil sa tono ng boses niya. Ang alam ko lang bigla akong nanlamig sa kinauupuan ko at ang kabang kinalimutan ko kanina ay bigla akong dinalaw.
"Bakit siya aattend? Hindi naman siya kasama sa construction na gagawin, ah." I pointed out. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Muli kong pinaandar ang minamanehong sasakyan sa mas mabilis na paraan. I don't know if it's because my nervousness or panic.
"Ms. Jasha, siya daw 'yong susunod na CEO sa LYC. Malamang aattend 'yon." natatawang paliwanag niya. I suddenly feel my brows raising again after I heard that.
"E, bakit kay Ms. Ocampo hindi siya umattend nung nagpresent siya?" pagtataka ko.
"We're not sure. Malay mo may ginagawa siya that time... or busy?"
"At sa akin pa tinaon na pupunta siya?" hindi makapaniwalang singhal ko. Napakamot nalang ako sa sintido ko nang wala sa oras.
"Don't tell me ba-back out ka-"
"No way!" I immediately replied.
"First big project ko 'to kung sakali. Nothing can stop me." taas noo kong dagdag pero sa loob loob ko ginagapangan na ako ng kaba.
"That's the spirit, girl! Go! go!" she laughed. "Nag-hahanda na sila sa loob. Baka later on magsidatingan na ang iba."
"How about Ms. Ingalla?" I asked. Sana maging siya wala pa rin doon.
"On her way na raw. Some of your team are here na kaya bilisan mo."
"Okayy I'll hang up. Be there hmm...10 minutes." I said before we ended our conversation.
Paulit ulit akong huminga ng malalim just to relax myself. First time kong makikita 'yong pinagkwekwentuhan nila palaging engineer. Wait, bakit naman ang aga niyang nasa office? 9am ang presentation and it's just 7:27 in the morning. Hindi pa naman ako late nun 'di ba?
Kung mainip man siya, kasalanan niya na 'yon. Ang aga aga kasi!
Like what I've said, approximately 10 minutes nasa loob na ako ng LYC. Before I proceed to the conference room kung saan ang meeting, I entered first the powder room.
Syempre kailangan kong maicheck ang itsura ko.
I smile once again facing my reflection. I made myself looks better hundred times than I am earlier. If I'm not mistaken tatlong pinakamahahalagang tao sa company ang makakaharap ko mamaya. Our head, the CEO and the future CEO. Important engineers and some contractors will be there too but I'm sure they will attend just to listen and observe. Goodluck nalang sa akin mamaya.
I put behind my hair, chin up, stand straight and I walk bringing my aura as confident as I can.
Pagkadating ko sa conference room, kumaway agad sa akin ang team ko. dalawa palang sila and they look proud of me kahit hindi pa nagsisimula, one of the reason that's why I like them.
I waved back while walking towards their direction.
"Ang ganda mo, architect!" Jirah said. Nakikita ko na parang kumikislap ang mata niya sa tuwa nang makita ako.
Binalikan ko siya ng ngiti at nagpasalamat. Jirah always wear her thick glasses and very formal outfit. There are times that I advised her to let her figure show and to find alternative casual clothing to wear, but she merely rejected my advice. She isn't the geek and baduy type, although she can be at times.
"Ikaw din. Konting ayos pa mas maggloglow ka." I winked at her trying to inspire her.cTumingin ako kay Vincent na nakangiti sa akin bago mapukol ang atensiyon namin sa nagbukas ng pinto. It's Charlyn. Nasa likod niya si Marjohn na natatawa sa hindi ko malamang dahilan. Kasama rin siya sa team ko.
They ran towards our position and cheered for me. "Buti naman nandito ka na." pinalo ako ni Lyn sa balikat.
"Saan d'yan 'yong engineer na sinasabi niyong nangrereject? Mukha namang mababait ah." bulong ko sa kanila habang nginunguso ang mga lalaking nasa kabilang side ng table. They look good and professionals, mukhang may pinaguusapan sila dahil nagtatawanan.
"Umalis, sis. May pinuntahan daw saglit." sagot niya. Mabilis akong tumingin sa kaniya nang may pagdududa. Niliitan ko ang mata ko at hinintay ang sasabihin niya.
"Oo nga! 'di ba Jirah? Nagpaalam pa nga dito kanina, e." bumaling pa siya kay Jirah na agad na tumango.
"E, bat ganyan boses mo ang taas? Kinikilig ka?" pagtataka ko.
"Gwapo, te." bulong niya sa akin habang pinipigilan ang paghagikgik niya. Nairapan ko tuloy siya nang wala sa oras. Kaya naman pala. Kung totong gwapo siya, h'wag niya akong ireject sa proposal ko mamaya!
Sisilipin ko sana ang ginagawa ni Vincent para sa presentation ko para mamaya nang bumalik ako kay Charlyn.
"Anong oras daw pala babalik? or babalik pa ba? Sana h'wag na." sunod sunod kong sabi. Umaasa akong maitatawid ko ang presentation ng walang kaba sa puso.
"Ewan, pero sana bumalik para makita mo siya-"
"Sana hindi." agad kong kontra habang kinukunutan siya ng noo.
"Sabi ko nga sana hindi." pagkikibit balikat niya.
Minutes had passed when each one of the members arrived. They greeted me goodluck for my presentation as I immediately prepared for my agendas. Mabilis lumipas ang oras at saktong 8:30 nang matapos ang preperasyon sa lahat lahat.
Now, All of them are facing me waiting for my words.
I roam my gaze to all of them. The two doors are close and everything inside are obviously for private purposes.
May bakanteng upuan sa tabi ni Mr. Salcedo. I don't know who owns it but I think it's for Mr. engineer na umalis daw saglit. Malaki ang ngiti ko ngayon dahil malamang sa malamang hindi na aabot 'yon sa presentation ko kaya wala nang hinihintay pa nagsimula na akong magsalita. Hindi naman sa nagmamadali pero pakiramdam ko nagrereport lang ako ngayon sa mga kaklase ko habang wala pa yung prof namin.
"A pleasant morning to all of you. As I formally start my discussion, I'd want to thank all of you for bringing yourselves this early to listen." I started. Huminga ako ng malalim bago magpatuloy. "And for a better flow of this meeting l request all questions, clarifications and ideas will be entertained after the presentation. Just sit and relax everyone." I paused.
May the Lord guide me and help me to speak up all my ideas. Sumenyas ako kay Vincent na i-next ang slide sa power point presentation ko. Agad naman niya iyong nakuha at tumango.
"Before we get into the topic, let me give you a background-"
"Sorry late."
Lahat kami napatingin sa lalaking nagbukas ng pinto. Tuloy tuloy ang pagpasok niya hanggang sa lumakad siya patungo sa bakanteng upuan na katabi ni Mr. Salcedo. Sabi na nga ba! Nagsitayuan ang iba samantalang nagdadalawang isip ang team ko kung tatayo rin ba. Narinig ko pa ang pabulong bulong ni Charlyn kay Jirah.
I gulped.
Sinundan ko siya ng tingin at talagang tinapatan niya pa talaga ang pwesto ko. Nakayuko siyang umupo kaya naman nagsiupuan na rin ang lahat maliban sa akin na nasa harapan. Malamang ako ang magsasalita, e. The room filled with silence.
Pakiramdam ko nanigas ako sa kinatatayuan ko nang unti unti niyang itinaas ang tingin niya at nagtama ang paningin namin.
Muntik ko nang mabitawan ang papers na hawak ko. Diretso ang tingin niya na animo'y hindi man lang nabahala sa presensya ko dito sa harapan.
What
The?!
Tell me, I'm dreaming!
Omyghad!
"Continue, Ms. Grina. Sorry for the delays." I saw him smirked. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nakatulala lang ako sa kaniya. All looks different this time. He's not anymore the boy that I'm inlove with before, what the hell! He's a man now!
He's damn hot.
Hindi ako sanay na nakikita siyang nakacoat and tie ngayon. His very matured looking now with his broad shoulders and elegant aura. Success from him is shouting at me.
"Napatulala siya ayiee. Akala mo hindi rin mahilig sa gwapo, e." narinig kong bulong ni Lyn kaya agad kong naibaling ang masamang tingin sa kaniya. Napalunok ako ulit bago pasimpleng inayos sa pagkakatayo ang sarili.
Hindi na ako muling nakatingin sa mata niya dahil kahit hindi ko siya tignan alam kong nasa akin ang tingin niya.
So tell me how will I end this fast?
"Uhh...so..." I tightly closed my eyes for a second to bring back my focus. Memories start flashing in my mind and now everything is distracted.
"Uhh like what I have said...let me tell you some background about my concep-"
"Aren't you going to greet first?" malalim ang tono nito. Muli kong naipikit ang mata ko dahil sa boses niya. Huminga ako ng malalim bago nagdesisyong salubungin ang tingin niya.
Ngumiti ako.
"I already did, sir." I make sure I'll bring my lengthy patience next time.
He pointed at himself. Gusto kong matawa dahil siya pa ang may ganang humingi ng pagbati kahit na siya itong late. Pilit kong pinigilan ang sarili na irapan siya.
Ginawa ko ang gusto niyang gawin ko para matapos na.
"K, you may start." he said. I watched him cross his arms and rest his body comfortably in his chair.
Attitude!
"So like I was saying, here are some important details I want to point out about my concept." muli akong ngumiti at hindi na sinubukan pang tumingin sa lalaking nasa tapat ko.
"First thing first, the location is in Makati. There are lots of people who are living in the city, too many cars that can cause delays, traffic and of course..."
I got distracted when the door opened again and another elegant lady came. Diretso ang lakad niya patungo kay Mr. Engineer at bumulong. Pakiramdam ko nagkaroon ako bigla ng altapresyon dahil kahit hindi ako malapit sa kanila, nakita ko din mismo ang lumuluwang dibdib nung babae nang medyo yumuko siya para maabot ang tainga ng bwiset.
Napakahehsuajebd!
Nagbubulungan sila sa harapan ko at ang napansin ko pa, ako lang ang nakatingin sa kanila dahil halos lahat naman ay nakatingin pa rin sa akin. Wala tuloy akong magawa kundi ang ipagpatuloy ang nasimulan kong sasabihin.
What else should I do? We have different lives now. I don't care anymore. As if!
"Yes. So again, Makati is one of the center city that anyone can live with convenient lifestyle." I explained.
"Thus, public market is everywhere. Malls, food stalls, convenient stores and many more. Aside from that..." bago pa ako makairap sa harapan ng mga tao rito ay pinigilan ko na. Even without looking at them, I can still hear their giggles and soft whispers. Nakakairita!
"They said that Makati is one of the rich city in Metro Manila that's why I chose this location. The overall exterior design of the Apartment-Hotel that will going to construct is here..." I nodded at Vincent as a sign to next the slide.
Kagaya ng gusto kong ipakita. Nakita ko sa mga mata nila na humanga sila sa disensyong ginawa ko. May dalawang bwiset na tao lang na hindi nakikinig sa report ko. Anong karapatan nilang gumawa ng sariling meeting sa meeting na 'to?
Hays, anyway...
I went over everything from the individual tiles to the ceiling. I know we will not spend a lot of money on the design, but it appears to be. Naging mukhang mamahalin ang disensyo dahil sa pagkakagawa ko but in fact, it's not cozy at all.
My eyes stop at him. He is seriously watching me while I'm talking.
I smirked.
Looks like Mr. engineer is now interested hmm...
Lalo tuloy akong ginanahan magsalita sa harap. I make sure that every single details I say is clear and precise. I freaking want to impress him this time.
"There are 50 bedrooms each building and all of them have 30 sqm per rooms. Mayroong 50 sqm but it is provided for those who wants to get wider space rent. Aside from that, we also have mini gymnasium, canteen, laundry or wash area, parking lots, lobby, waiting sheds and information desk. I allotted standard lot areas every station so that the partition is well distributed."
Rooms and every areas are smoothly explained and presented. I made sure that I look each of them every moment I speak so that they can see that I'm confident enough with this project. I am proud of what I've come up.
Hindi ko maiwasang tignan ang nagiisang lalaking nakakunot noo habang pinag-aaralan ang slide ko. All of them look impressed and satisfied excluding him. I can't find contentment in his expression mula pa noong nagsimula ako dito.
Subukan mo lang kumontra.
"...I also put the guard house beside the main gate. As you can see my design isn't that expensive but it looks as if it is. Materials I've used is resourceful and cheap but looking at the overall result of the idea made it look elegant and high class."
Hindi ko mabilang kung ilang kunot ng noo ang binigay sa akin ng inhinyerong 'to. Magdadalawang oras nang tuluyan akong matapos kakasalita sa harapan at hindi pa natatapos iyon dito. Sa sobrang pagpapaimpress ko hindi ko namalayang wala na pala sa loob ng kwarto ang babaeng pumasok kanina.
I suddenly feel my throat become dry that's why I immediately look at Jirah to hand me water. Mabuti nalang mabilis niyang nakuha ang gusto kong sabihin kaya agad niyang inabot sa akin ang bottled water mula sa pwesto ko kanina.
Saktong pagkatapos kong uminom ay ang pagtaas ng kamay ni Jovien habang nanatiling nakapatong ang siko niya sa table.
Hindi ko inaasahan na darating ang araw na siya ang mas mataas sa akin. I can't imagine him being successful as he is right now infront of me. Naguumapaw ang estado niya sa buhay ngayon kumpara noon.
Hindi ko maiwasang humanga.
Maganda siguro ang naging resulta noong mga panahong hindi na ako ang nasa tabi niya. And I bet he already met the girl who encourages him to fight together rather than being selfish and abandoning each other.
I heaved a sigh. Ganon siguro naging kaganda ang buhay niya noong wala ako.
"Ms. Grina..."
Sa gwapo niyang 'yan malamang may babae na siya. Baka nga naging babaero na sa sobrang yaman niya.
"Architect!"
Hindi kaya yung babae kaninang pumasok ay isa sa mga babae niya-
"Are you really planning to waste our time, Architect Grina?"
Bahagya akong napatalon sa kinatatayuan ko kasabay nang pagkabitaw ko sa bottled water na ininuman ko ngayon ngayon lang dahilan para matapon ang tubig sa lamesa. Nanlaki ang mata ko sa nangyari kaya mabilis na tumayo ang ilang nakaupo malapit sa akin. Putangina! Muntik ko na silang mabasa!
All their heads are facing me.
Omy Jasha! Nasa gitna ka ng presentation mo!
"Sorry! Sorry..." nakanganga ako habang paulit ulit sumisenyas sa likod para kumiha ng pamunas.
"Tsk." matunog ang pagsingal ng inhinyero. Wow ah! Ikaw kaya dito.
"Sorry, sorry, sir. Come again?" pagpapasensya ko. I was smiling hoping to forgot my embarrassing moment. Kunot noo akong tinignan ni Mr. Engineer na akala mo anumang oras iikutan niya ako ng mata niya.
Galit yan?
"Me mindful, you are in the middle of your report. You should have known when you're going to daydream or not." he's annoyed.
"S-sorry." bulong ko. Hindi ko na tuloy alam kung paano tatayo dito sa harapan at tignan sila isa isa. Kinabahan ako bigla at nahiya. Mabuti nalang mabilis na bumalik ang kumuha ng pamunas kanina at napunasan agad ang basa sa lamesa.
I saw my team cheering at me this time. Nakatingin rin sa akin ang ibang engineers na nakaupo at halos lahat sila natahimik sa sinabi ng inhinyero.
"uhh..." I was about to say something nang biglang tumawa si Mr. Salcedo.
Nagtaka man ako kung bakit niya ginawa iyon but I thank him for doing that.
"Everyone is so serious." natatawang sabi niya habang tinatapik ang balikat ng katabi niyang lukot na nga mukha. After that he look at me.
"So, architect. Here's my opinion." nakangiting kinuha niya ang atensyon ko. "The design is good, the placement, the materials and the equipment are very resourceful. I am thinking why don't we put CCTV's in every hallways and other areas around? or maybe you have plans already about that?" suhesiyon niya.
Tumango naman ako agad para sagutin siya.
"Tss. For what?" agad na tutol ni Jovien. Sa boses niya palang alam na ng lahat na iritado siya. Anong bago?
"Her design is quite harmful. She should have place around 200 columns per building that I guess around 100 lang ang nailagay niya. Am I right, Ms. Grina? You are an architect you should have known that."
Naitaas ko ang kilay ko dahil sa napansin niya. Totoong 100 plus lang ang nalagay ko and I assumed that they weren't give that any notice.
"Yes, sir. Some areas are column free like the canteen an-"
"Canteen is one of dangerous part. You haven't place any of that thing inside. What if your building shakes and half of your occupants are inside? Regardless of how good your design is, you should have think the safeness of people. Nasa ground floor pa man din nakapwesto 'yang canteen mo." diri-diretso niyang paliwanag.
I fake again my smile to hide my embarrassment. I can do this! Sisiguraduhin kong kapag nakalabas ako rito hindi na ako magpapakita sa kaniya.
"Yes, I placed not enough column inside the canteen sir, but it doesn't mean na mabilis guguho ang building. I replaced double size of columns every corner so that it will not occupied space too mu-"
"Space is important than safety?" he seriously asked me directly.
Napalunok ako nang wala sa oras dahil sa nanghihigop niyang mga mata. So you're trying me, ha? Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay nagsalita na naman siya. Tangna neto! paano ako matatapos kakasingit niya sa sasabihin ko?
"What's new? you always asked for space by the way." mataman niyang usal. Literal na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko iyon naintindihan dahil sa sobrang hina.
Hindi ko alam kung saan pupunta ang usapan naming ito. Sa rejection ba o hanggang sa mapunta kami sa personalan. Jovien Salazar have changed a lot but his short tempered attitude is still there, I can see.
Bakit kung kailan magkikita kami, sa ganitong sitwasyon pa?
Lumunok ako nang binaba niya ang tingin sa suot ko.
"Change your design. I don't like it."
He said it directly at me before he left.