Bagyo JR: MASAYA KAMING BUMALIK ng nayon ni Tight. Ang kababata at parang kapatid ko na rin. Gusto pa sana naming mag-stay muna sa syudad dahil sa bagong kakilala naming kamukha at kapangalan ko pero hindi kami p'wedeng magtagal doon. Hindi ko maintindihan pero...parang may koneksyon kaming dalawa ni Dos sa isa't-isa. Mag-isa akong anak ni nanay at tatay. Hindi rin buo ang pamilyang kinagisnan ko dahil hindi naman nagsasama si nanay at tatay sa iisang bubong. At naiintindihan ko naman iyon dahil bata pa lang ako ay ipinaintindi na sa akin ni tatay ang sitwasyon nila ni nanay. "Bay, anong tingin mo kay Dos? Mapagkakatiwalaan ba natin siya sa sikreto ng samahan natin sa nayon?" wala sa sariling tanong ko kay Tight habang pumapapak ito ng chicharon at sinusubuan lang akong nagmamaneho ng p

