Dos: NAPAANGAT AKO NG mukha nang mag-vibrate ang cellphone kong nakapatong sa lamesa ko. Tinatapos ko lang ang office hour ko para makauwi pero natigilan ako pagkabasa sa mensaheng galing sa unknown number. "8:pm San Diego ville. Come and witness how dirty your government you've been protecting is, Captain Typhoon Del Mundo JR" Kinabahan ako at kaagad ni-dial ang numero pero out of coverage na ito! Marahas akong napatayo at lumabas na ng headquarters. Baka nag-i-scam lang ang unknown sender na 'yon! Hindi ko na dapat pagtuonan ng pansin ang pinadala nito. Hindi ko alam pero parang may humuhila na sa aking umuwi. Pagdating ko ng mansion saktong nakahanda na ang hapunan kaya nagpaakyat na ako ng hapunan namin ni mommy sa silid nito. Taranta akong pumasok ng silid nito ng marinig ang mga

