Chapter 6 Tyrone/Typhus The Twins

2011 Words
5years later: Catrione: "Mommy! I want hot choco!" "Mommy! I want milk!" "I was the first one! Tyrone!" "I'm older than you! Typhus!" "Mommy!" "Mommy!" NAPATAKIP NA LANG ako ng tainga sa bangayan na naman ng kambal ko! Gan'to na ang normal morning naming mag-iina dito sa penthouse ko sa Chatou France. Dito ako tumuloy matapos ang mapait na karanasan ko sa buhay may-asawa sa Pilipinas. Simula noong umalis ako ng bansa, limang taon na ang nakakalipas ay hindi na ako muling bumalik doon at ang pamilya ko na lang ang dumadalaw sa aming mag-iina dito sa penthouse. Naka-full-time hands-on Mom ako sa kambal kong bukod tanging nagpapaalala sa akin sa yumao kong asawa. Kahit mahirap ay pinilit kong magpakatatag at magpatuloy sa buhay para sa mga anak namin. Pero habang lumalaki naman ang mga ito ay pahirap nang pahirap silang alagaan lalo na at lagi silang magkaiba ng gusto mapa-toys, damit at pagkain ay hindi magkasundo ang mga ito kaya araw-araw, oras-oras at minu-minuto ay ang matitinis nilang boses ang naghahari dito sa buong penthouse sa walang-sawa nilang pagbabangayan! Para nilang binabarina ang mga brain cells ko sa pagtatalo na lang nila lagi! Ngayon ko mas hinangaan sina Mommy at Daddy na napalaki nila kami ng maayos gayo'ng quadruplets kami! Kung ako nga na twins lang sina Typhus at Tyrone ay para na akong matatakasan nang pasensiya sa kanila, paano pa kaya kami noon na apat kaming inaalagaan nila Mommy? Napapailing na lang ako at nagsimula ng ipagtimpla ang dalawang prinsipe ng buhay at puso ko para matigil na ang pagbabangayan na naman nilang kay aga-aga. "Mommy, can u make some pancakes for me? Please...." Paglalambing ng bunso kong si Typhus habang nakayakap na ito sa hita ko at nagkakadahaba na naman ang nguso para lang pagbigyan ko. Napangiti na akong binuhat ito at pinaupo sa dining table namin. Iniabot ko dito ang maligamgam nitong hot choco na request na kaagad naman niyang tinanggap at hinihipan-hipan muna bago iniinom. Nangingiti ko na lang itong pinagmamasdan dahil kuhang-kuha nila ang bawat anggulo ng mukha ni Typhoon. Walang dudang dugong Del Mundo ang nananalaytay sa kanilang ugat na siyang lalong nagpapaalala sa akin sa kanilang Ama. Maging ang magkabilaang malalalim na dimples ng Ama nila ay kuhang-kuha nilang magkapatid. "Kiss me first, if you want Mommy's pancakes sweetie." Aniko at pinatulis ang nguso dito. Humaplos naman sa magkabilaang pisngi ko ang maliliit pa nitong mga palad at makailang beses nag-smack kiss sa mga labi kong lalo kong ikinangiti. "Mommy I want cupcakes, can we baked?" Lambing naman ng panganay kong si Tyrone at yumakap na rin sa hita ko habang niyuyugyog ako para maagaw niya ang attention ko. Gan'to sila lagi sa akin, hindi nagpapatalo o nagpapalamang ni isa sa kanila. Kaya nga halos paliligo na lang ang oras ko sa sarili dahil nakatuon sa kanilang dalawa ang attention ko. Sulit naman silang pagsilbihan at alagaan dahil malambing sila pagdating sa akin at nakikinig rin lalo na kung nagagalit na ako sa toda max nilang kakulitan at bangayan! Binuhat ko na ito bago pa magtampo at ipinaupo rin dito sa dining table katabi ang kakambal na prente ng iniinom ang hot choco na ni-request. Nagkairapan pa ang mga ito bago inabot ni Tyrone ang tinimpla kong gatas nito. Napapailing na lang ako sa irapan mode na naman nila dahil sa nag-uunahan na naman ng mga ipapagawa sa akin. "Stop it boys, Hindi gagawin ni Mommy ang request niyo kung ganyan na namang nagpapasaringan kayo." Kunwari'y pananakot ko na ikinanguso nila pareho habang kumikibot-kibot ang mga maninipis at namumulang mga labi! Mabuti na lang nakuha nila ang kulay ng mga mata ko para naman kahit paano'y may nakuha sila sa akin. "Oh, fine." Paismid ni Typhus sa Kuya niya na inismidan rin ng kapatid at sabay pang nagpaikot ng mga mata! Gosh! Saan ba nila minana ang pagiging maldito nila? Mabait naman kami ni Typhoon ah! Haist! "Tss." Napataas ang kilay ko sa pag tsk naman ni Tyrone na animo'y matured na. Mas pabebe kasi si Typhus na bunso habang may pagka-seryoso si Tyrone na panganay. Napapailing na lang akong sinimulan ng gawin ang mga request nila at tinutulungan naman nila ako na may kahalong asaran at kulitan. "Ash! Look what you've done?!" Matinis na bulyaw ni Tyrone sa kapatid dahil nasagi nito ang ginagawa ng Kuya na pagde-decorate niya ng icing sa ibabaw ng cupcakes nito. Ngumisi naman ang kapatid at muling sinagi ang kamay nito kaya muling sumobra ang icing na nailagay ni Tyrone kaya napabungisngis na ito at kaagad sumuksok sa tabi ko dahil masama na ang timpla ng mukha ng Kuya niya. "Ooppsss sorry." Pang-aasar pa nito at binelatan ang kapatid na namumula na sa pagkaka-badtrip. "I really hate you!" Bulyaw naman ni Tyrone dito habang matiim na tinititigan ang nakababatang kapatid na nag-eenjoy mang-asar. "I hate you too! I only love Mommy!" Palabang bulyaw din nito. Napahinga na lang ako ng malalim at pinitik ang mga ito sa noo. "Aw! Mommy!" "Aw! Mom!" Panabay pa nilang reklamo na ikinatawa ko. "Stop arguing if you don't want me to get mad." Pagbabanta ko na ikinatahimik at nguso ng mga ito. "Understood?" "Yes Mom." "Yes Mom." Panabay pa nilang sagot sa matamlay na tono. Naiiling na lang akong ipinagpatuloy ang paglalagay ng icing sa cupcakes ni Tyrone habang prente ng nginangatngat ni Typhus ang pancake nito na sinasawsaw sa choco syrup kaya nagkalat na ang chocolate sa kanyang baba at pisngi! Tila nandidiri naman ang Kuya Tyrone nito habang nagkakasiringan na naman sila at tinutulungan naman ako nito sa paglagay ng icing sa kanyang cupcakes. May katulong naman ako dito pero sa kabilang penthouse sila tumutuloy, nagpupunta lang sila dito sa tuwing tatawagan ko sila kapag magpapalinis, luto o laba ako dahil tanging sa kambal lang ako nakatuon ng attention. Napakalikot kasi ng mga ito at natatakot akong maaksidente o kahit nga magalusan sila. Kaya nauubos talaga nila ang lakas at energy ko sa buong araw na nire-recharge naman nila sa gabi habang pinapagitnaan nila ako at pinaghahalikan sa buong mukha. Nagi-story telling din kami pero tungkol lang sa kanilang Ama. Gabi-gabi rin naming pinapanood lahat ng pictures at videos namin ni Typhoon sa laptop na naka-save sa cellphone at camera ko. Kahit paulit-ulit at halos kabisado na nila ang mga pictures at video ng Ama ay hindi ko sila makitaan ng kasawaan. Matamang pa rin nilang pinakatitigan ang mukha ng Ama maging ang boses nito'y kinakabisa nila. Madalas din nilang sinasabi sa akin na sana, sana nandito ang Daddy Typhoon nila.....kasama namin. Hindi ko pa rin mapigilang maiyak gabi-gabi habang pinagmamasdan ang mga larawan namin ng asawa ko. Napakasakit pa ring tanggaping wala na ito. Hanggang ngayo'y naka-stock pa rin ako sa kalungkutan, pagsisisi, at pagdadalamhati sa pagkawala niya kahit limang taon na ang nakakalipas. Ang sakit-sakit pa rin na parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko siya mapakawalan sa isip at puso ko dahil kahit napaka-imposible ay umaasa pa rin ako....Umaasang buhay ito at nasa malayo lang naka-destino, na isang araw ay uuwian kaming mag-iina niya. Kung hindi lang dahil sa mga anak ko'y tuluyan na akong nawala sa katinuan sa pagkawala nito. ***** "Your crying again Mommy." Napapahid ako ng mga mata at napasinghot nang marinig ang malungkot na boses ng panganay kong si Tyrone. Pilit itong ngumiti at kinuha na sa akin ang picture frame namin ni Typhoon na maingat itinabi sa bedside table namin. Pinahid nito ang mga luha ko sa pisngi at pinaghahalikan ako sa buong mukha maging sa mga labi ko para patahanin ako pero lalo lang akong naiyak. Mahigpit ko itong niyakap at 'di na napigilang mapahagulhol sa balikat nito. "Typhoon......" Humagulhol kong pagtawag sa pangalan ng asawa ko habang iniisip na siya ang kayakap ko. Lalong nadurog ang puso ko ng nagising na rin si Typhus sa tabi namin at humagulhol silang niyakap ako ng napakahigpit. "Mommy.....stop crying now... we're here to protect you untill you grow old. We won't leave you, Mommy." Pag-aalo pa ng Tyrone ko na sinang-ayunan ni Typhus ko habang nakayakap pa rin sila sa akin na pinapagitnaan nila ako. "We love you, Mommy..." Panabay pa nilang lambing na ikinangiti ko na. Pinahid ding muli ni Tyrone ang mga luha ko at pinaghahalikan akong muli bago si Typhus na pinunasan muna ng laylayan ng damit nito ang buong mukha ko bago ako pinaghahalikan na ikinatawa ko na. Sinamaan naman ito ni Tyrone ng tingin na ikinangisi lang nu'ng isa. "And Mommy loves you two." Aniko at pinanggigilan na rin silang hinalikan na ikinahagikhik nila. Sabay ko pa silang kinikiliti na panay ang pumiglas at halakhak na siyang nagdudulot ng kakaibang saya sa puso ko. Sila ang nagtatanggal sa matinding kalungkutan at pangungulila ko sa kanilang Ama na gabi-gabi ko na lang nararamdaman. Ako naman ang napahalakhak ng pagtulungan ako ng mga itong kilitiin habang nakaupo si Tyrone sa leeg ko at malaya ng kumikiliti si Typhus sa tagiliran ko. Napupuno ng halakhak namin ang buong silid sa tuwing patulog na kami lalo na kung makakagisnan nila akong umiiyak ay para silang mga anghel na hinahalikan pataboy ang mga poot na nararamdaman ko at pinapalitan nila ng tuwa sa kanilang pagkakasundo para patawanin ako. NANG MAKAIDLIP NA ang mga ito'y pinaghahalikan ko muna sila sa kanilang mukha bago inayos ang comforter namin. Pinapagitnaan kasi nila ako dahil ayaw magpalamang ni isa sa kanila. Dinampot ko naman ang laptop at headset ko bago maingat na muling ni-play ang video namin ni Typhoon na kinuha nito noon isang umaga sa dati naming silid. Nakangiti akong nakatutok ang paningin sa laptop pero siya namang pagtulo ng mga luha ko habang pinapanood itong tila buhay na buhay pa rin hanggang ngayon. "Napakaganda naman talaga ng asawa kong 'yan!." Anito sa video habang nakatapat sa mukha ko ang camera. Maya pa'y ibinaliktad nito ang camera sa kanya. "At syempre napakagwapo rin naman ng asawa niya, at....ako 'yun!" Masiglang saad nito sabay turo sa sarili. Naka-uniporme na siya noon at halatang bagong wax pa ang buhok na siyang lalong nagpatingkad ng kagwapuhan niya idagdag pang bagay na bagay niya ang kanyang uniporme. "I love you, Mommy. Kayo ng anak natin ang kumumpleto sa buhay ko." Madamdaming saad nito habang nakatapat na sa amin ang camera. Mariing humalik pa ito sa noo ko bago sa mga labi kong kaagad kong tinugon. Napahaplos ako sa ibabang labi ko at mariing pumikit habang pinaparaanan ng aking hintuturo iyon at iniisip ang mga labi ng asawa kong masuyong humahalik sa mga labi ko katulad sa nasa video. Mapait akong napangiti at namalayan na lang ang sariling yakap-yakap ang ko habang naka-pause doon ang nakangiting mukha ng asawa ko. Gan'to na lang ako gabi-gabi. Iniiyakan ang nakaraan at sinisisi ang sarili sa lahat. Madalas ko ring ipanalangin na sana magkaroon ng milagro katulad sa nangyari kay Cathleen na kakambal kong inakala naming wala na pero, buhay pa pala at ibinalik sa amin ng kapalaran sa tamang oras. Pero napaka-imposible na mangyari 'yon dahil kitang-kita ko na wala na siyang buhay na iniwan ko sa loob ng OR limang taon na ang nakakalipas. Hindi ko kayang makita siyang nakasilid na sa ataul nito kaya kahit napakabigat at sakit sa loob ko'y nagpatianod ako noon kila Mommy at Daddy na umalis ng bansa kahit hindi pa ito naililibing. Hindi ko rin naman kayang masaksihan 'yon. Iniisip din nila Mommy noon ang kapakanan ng mga anak ko sa sinapupunan ko dahil baka makunan na naman ako sa pangalawang pagkakataon dahil sa halo-halong emosyong magdudulot sa akin ng matinding stressed. Nang mas kumalma na ang loob ko'y muli kong pinaghahalikan ang mukha ng asawa ko sa laptop bago pinatay 'yon at maingat na ibinalik sa bedside table. Muli ko ring pinaghahalikan at hinaplos ang mga anak ko bago nahiga at niyakap ang mga ito. Kahit nakakangalay ay pinapaunan ko sila sa magkabilaan kong dibdib mayakap ko lang sila ng sabay bago ako makaidlip dahil bukas ay ang matitinis na naman nilang boses na nagbabangayan ang siyang gigising sa sarap ng pagkakahimbing ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD