Chapter 5 Life Between Death

2584 Words
25 years later: Typhoon: NAGLALAKAD AKO SA kalagitnaan ng puting disyertong tila walang katapusan. Para lang akong pabalik-balik at 'di mahanap ang tamang daang tatahakin para makalabas sa disyertong ito. Nakakapagtaka lang na 'di ako nakakaramdam ng pagod, uhaw at antok habang patuloy lang sa paglalakad. "Nasaan na ba ako? Paano ako makababalik sa pinanggalingan ko." Napatakip ako sa aking mga mata sa biglaang paglakas ng hangin kasabay ang paglitaw ng isang babaeng kay tagal ko nang hindi nasisilayan. Nagsi-alpasan ang mga luha ko at pilit inihakbang palapit sa kanya ang mga tuhod kong naninigas! Nakangiti itong naglahad ng kamay na kaagad kong tinanggap at niyakap ng mahigpit! "Nanay!! Mis na mis ko na po kayo!" Humahagulhol kong saad habang yakap ito ng mahigpit. Nakangiti naman itong pinahid ang mga luha ko. Napatitig naman ako sa napakaamo niyang magandang mukha. Mas bumata at gumanda pa ito lalo! Mariin akong napapikit nang haplusin nito ang pisngi ko. "Tara na anak?" Tanong nito na ikinatango ko. Magkahawak-kamay kaming naglakad sa kalagitnaan ng disyertong kinaroroonan namin. Napakasaya kong makasamang muli ang aming Ina ng bigla akong matigilan kaya napahinto rin itong napatitig sa akin. Nanginig ang kalamnan kong napatitig sa aming mga kamay na magkahawak. "May problema ba anak?" napailing-iling ako at muling napabitaw dito. "Nanay.....p-patay na rin ba a-ako?" Ngumiti itong nagpahina ng mga tuhod ko. Ginagap naman nito ang mga kamay ko at inakay ako patayo. "Paano ang mga kapatid ko, Nanay?" "Maraming salamat sa pagtupad mo sa pangako mo kay Nanay, Anak. Pinalaki mo ng maayos ang mga kapatid na ngayo'y maayos na ang pamumuhay." Muli kaming naglakad ni Nanay ng may tinig akong naririnig sa 'di ko matumbok na direks'yon. Paikot-ikot ako habang hinahanap kung saan at sino ang tumatawag sa akin. "Hindi! Hindi! H'wag mo akong iwan! H'wag sa ganitong paraan!" Paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang pagwawawala na tinig ng isang babaeng tila kumukurot sa puso ko. Muki kaming nagpatuloy ni Nanay sa paglalakad ng muli kong marinig ang boses nito sa kawalan na muling nagpatigil sa akin at gumising sa kagustuhan kong bumalik! "Anak, damhin mo ang init ng palad ng Daddy mo. Dahil ito na ang una at huling beses mong mararamdaman ito." Umiiyak nitong pagkausap na nagpagising sa akin at napabitaw kay Nanay. "Nanay...babalik ako, hindi ko siya kayang iwan." Matamis naman itong ngumiti at hinaplos ako sa pisngi bago mariing humalik sa noo ko. "Go ahead, anak. Kailangan ka ng babaeng minamahal mo. Maayos at masaya na ako dito." Kasabay ng pamamaalam nito ang muling paglakas ng hanging tila ipo-ipo na hinigop si Nanay papasok doon. Napalunok ako ng biglang bumuka ang kinaroroonan ko na siyang kinahulugan ko sa tila walanghanggang bangin! ****** "Typhoon please....wake-up, don't leave us this way. Not this way, I'm begging you." Boses ng isang babaeng umiiyak habang yakap ako. Nangangalay ang buong katawan ko at nakakaramdam na rin ako ng kirot particular sa ulo ko. Pilit kong iginalaw ang kamay pero tanging daliri ko lang ang naigalaw ko kasabay sa pagkatigil nito at pagkalas sa akin. Narinig ko rin ang paghiyaw ng mga ito ng may tumunog na nagbi-beep-beep sa tabi ko na ikinahagulhol ng mga ito. "Rain bilis tawagin mo sila Doc! Buhay pa si Kuya!" Natatarantang bulalas ng nakababata kong kapatid na si Cloudy. "Kuya! Kuya naririnig mo ba ako?!" Anito at nakakita ako ng liwanag na galing sa maliit na flashlight na siyang sumilaw sa paningin ko kaya napakurap ako na ikinatuwa nito at mahigpit akong niyakap! Maya pa'y nagkagulo na sa paligid ko sa sunod-sunod nilang pangsusuri sa akin. "This is a miracle! Nag-flat-line na siya at ilang minuto na ang nakalipas pero....bumalik ang pagtibok ng puso niya!" 'Di makapaniwalang bulalas ng isang baritonong boses na mababakasan ng tuwa! "Thanks God! You came back, Typhoon..." Umiiyak na saad ng isang malambing na boses ng babae kasabay ng paggagap nito sa kamay ko. Napangiti ako sa isip-isip kong nandito ang babaeng tumatawag sa akin habang nasa kalagitnaan ako ng kawalan. Salamat din, hindi mo ako sinukuan. Piping usal ko kasabay ng pagpatangay ko sa matinding pagod at antok. *****6monthslater****** NAGISING ANG DIWA ko sa babaeng umiiyak habang nakayakap sa nangangalay kong katawan. Unti-unti kong Iniangat ang kamay ko at kahit nanghihina ay matagumpay kong nahawakan ito na ikinatigil nito. Sumisinghot-singhot pa ito at kaagad tinapik-tapik sa pisngi ko nang marahan. "Typhoon....?" Pilit kong idinilat ang mga mata kong tila kay bigat ng mga talukap. Unang umaninag sa paningin ko ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Nagpakurap-kurap ako at dumungaw ang pigura ng isang babaeng napakalabo sa aking paningin. "Finally! Thanks God! You finally awake!" Masayang bulalas nito at may pinindot na kung ano sa ulunan ko bago muling bumaling sa akin. Muli itong yumakap nang napakahigpit at napahagulhol sa leeg ko. Pilit akong ngumiti at kahit nahihirapan ay iniangat ko ang kamay ko para haplusin ito sa ulo. Maya pa'y nagsidatingan ang mga naka-puting babae at lalake na muling sumuri sa akin. Muli akong pumikit at pinakiramdaman ang paligid. Napangiwi pa ako ng may hinugot silang kung ano mula sa butas ng ilong kong tila nakakasuksok doon hanggang lalamunan ko. "How is he, Doc? Gising na ba ang Kuya namin?" Nag-aalalang tanong ni Cloudy na ikinangiti ko. Napakamaalalahanin talaga ng isang 'to. "Ligtas na ba ang Kuya namin, Doc?" Sunod na tanong ng bunso naming si Rainy. "He's stable now, pero nanghihina pa ang katawan dala ng pagkaka-coma ng pasyente." Ani ng isa pang baritonong boses. Maya pa'y nagpaalaman na ang mga ito. "Tawagan ko lang si Tatay, para bumalik dito. Ikaw na munang bahala kay Kuya." Pagpapaalam pa ni Cloudy na ikinakunot ng noo ko. Tatay? Buhay pa si Tatay? Paano nila nahanap? Sunod-sunod na tanong ng isip ko sa narinig. Naramdaman ko naman ang paghawak ng kung sino sa kamay ko na kalauna'y yumakap sa akin at humagulhol din sa leeg ko. "Kuya....Salamat lumaban ka....salamat 'di mo kami iniwan." Humihikbing saad nito. "Uhmmm..." Tanging sagot ko na ikinatunghay nito at pinaghahalikan pa ako sa mukha. Unti-unti akong nagmulat at bumungad sa paningin ko ang malabong pigura ng naka-all white na babae. Napakurap-kurap ako at unti-unting luminaw ang pigura nitong nakilala ko kaagad. ...ang bunso naming nurse na si Ulan. Umiiyak itong matiim na nakatitig sa akin kaya bahagya akong ngumiti dito. Napalingon ako katabi nitong napakagandang babae na nakauniporme ng pang-police, lumuluha din ito pero bakas sa kanyang mga mata ang tuwa habang nakatitig sa akin. Siya ba 'yon? Ang babaeng umiiyak habang nagmamakaawang h'wag kong iwan? Piping usal ko. Napatingin ako sa surename nitong nakalakip sa kanyang dibdib at nabasa doon ang LT. Montereal. Ngumiti ako dito nang ginagap nito ang kamay ko at humaplos sa mukha ko. Lumabas naman muna si Rainy para bigyan kami ng privacy. Pilit kong inaalala kung sino ito at kung ito ba ang girlfriend ko pero, hindi ko talaga matandaan. " How you feel, Ty? Makakapag-salita ka ba?" Malambing tanong nito. Sinubukan kong ibinuka ang bibig ko kahit sobrang tuyong-tuyo ng lalamunan ko at maging laway ko ay wala akong malunok. "It's okay, h'wag mong pilitin." Anito dahil parang naninigas pa ang dila ko sa pagkakatengga nito. Inabot naman nito ang bottled water na tinitignan ko at naglagay ito sa takip no'n bago iniumang sa mga labi ko. "Dahan-dahan muna." Anito sa pagkakat*nga ko. Ibinuka ko ang mga labi ko at nakaramdam ng ginhawa sa pagkakabasa ng lalamunan kong tuyong-tuyo na. Tatlong beses lang ako nitong pina-inom kahit uhaw na uhaw pa ako ay wala akong nagawa. Iginalaw-galaw ko naman ang dila ko at muling sinubukang magsalita dahil bahagya na itong lumambot sa pagkakabasa. "May gusto kang sabihin?" Malambing tanong nito at mas inilapit ang mukha sa mukha ko. Ngayon ko lang mas natitigan ito at napakaganda pala niya. Maamo ang mga mata nito na bumagay sa hugis ng kanyang mukha. "I-Ikaw...S-Sino k-ka?" Mahinang tanong ko na ikinatigil at putla nito. "H-Hindi mo ako....natatandaan?" May halong kirot sa tono nito at muling nanubig ang mga matang namumugto pa. Umiling ako at marahang pinisil ang kamay nitong nakahawak sa kamay ko. "N-Nasa puso...k-kita." Saad ko na ikinaluha nito at yumakap sa akin. Kahit nanghihina pa ang mga kamay ko'y pinilit kong ginantihan ang yakap nito habang humahagulhol sa balikat ko. Maya pa'y umayos ito ng upo sa tabi ko at pinakatitigan ako. Inabot ko naman ang luhaang pisngi nito at pinahid iyon na ikinangiti nito. "Kung gano'n, magsimula tayong muli. I'm Althea Arrabelle Montereal, your beautiful Lieutenant. My handsome Captain Del Mundo." Masiglang saad nito at kinamayan pa ako na ikinangiti ko. "S-Salamat 'di mo a-ako sinukuan." Umiling naman ito bago humalik sa noo ko. Ngumuso ako na ikinatawa nito bago madiing humalik sa mga labi kong ikinangiti ko lalo. "Salamat din 'di ka bumitaw." Madamdaming saad nito habang hinahaplos ako sa pisngi. Kita ko sa mga mata nito kung gaano ito kasaya maging ang kakaibang pagkislap ng mga 'yon habang matiim akong tinititigan. Pinakatitigan ko rin ito at muling bumalik sa ala-ala ko ang pangyayari sa nakaraan kung saan masaya kaming nagtatawan at habulan sa isang burol ng babaeng malabo ang mukha sa ala-ala ko pero malinaw kong naririnig ang paghalakhak namin habang sumasayaw sa kalakasan ng ulan. Maging kung paano namin yakapin, halikan at angkinin ang isa't-isa! Nag-init ang pisngi ko at napaiwas ng tingin sa girlfriend ko. Kung gano'n, malalim na pala ang pinagsamahan at pagmamahalan namin. Na ngayo'y nabura sa ala-ala ko. Pero naalala ko ang mga kapatid ko? Posible kayang nagka-amnesia ako? "Okay ka lang?" Untag nito na ikinalingon ko. Tumango ako dito at ngumiti. "S-Sorry, pipilitin kong alalahanin ang pagsasama natin. H-Hindi ko pa matandaan sa ngayon pero hindi ibig sabihin no'n hindi na kita mahal." Naluluha naman itong napalabi. "Mahal din kita....mahal na mahal kita. H'wag mo ng piliting alalahanin ang nakaraan, marami kasi tayong pagtatalo dati. Para tayong mga aso't pusa na away bati. Ang mahalaga, magsimula tayong muli na bumuo ng panibago at masasayang ala-alang dadalhin natin hanggang sa ating pagtanda." Ako naman ang naluha sa pagtatapat nito. Tumango-tango ako at inilahad ang mga braso ko at kaagad din naman itong yumakap sa akin. "Thank you, babe." Aniko na ikinatunghay nito. "Babe?" Ulit nito. "Ano ba'ng tawagan natin?" Nangingiti kong tanong na ikinapula ng makinis nitong pisngi. "It's okay with me, babe na lang." Pagsang-ayon nito bago muling yumakap sa akin ng biglang may tumikhim sa may pinto kaya napabitaw kami sa isa't-isa. Nabungaran namin doon si Cloudy at Rainy na napakalapad ng ngiti kasama ang isang may katandaang lalake na nasa 40s ang anyo at.....kamukha ko? Napalunok akong napatitig dito. Ilang taon na nga ako nu'ng huling beses kong nasilayan ang mukha niya? Paslit pa lang kami noon kung saan nangangailangan kami ng kalinga ng isang Ama, pero iniwanan niya kami kahit nanghihina na kami sa labis na kagutuman! Napakuyom ako ng kamao at masama itong tinitigan na ikinatigil nito maging ng mga kapatid ko. "K-Kuya, bakit? Anong problema? Galit ka ba kay Tatay?" Nag-aalalang tanong ni Cloudy na kaagad lumapit sa akin at hinaplos ako sa braso. "Anak...." Anito na ikinatagis ng panga ko. "Ahm, Cloud, Tay, Rain....Hindi ako natatandaan ni Typhoon. Tingin nabura rin sa kanya ang panahong nahanap ka namin sa Tarlac Tay." Paliwanag ni Althea na ikinatigil naming lahat. Napakunotnoo pa ako at napapilig ng ulo. "Ano?!" Gimbal na bulalas ng mga kaharap naming ikinapitlag ko. "Kuya?! Natatandaan mo ba ako?!" Bulalas ni Cloudy na ikinasalubong ng mga kilay ko kaya lalong namutla ito. Mahina akong natawa sa reaks'yon nitong ikinalukot ng gwapong mukha nito. "Biro lang, naaalala ko kayo." Sagot ko na ikinahinga ng mga ito nang maluwag. "Hanggang saan ang naaalala mo, Kuya? 'Yong kasal ni Ate Sam? Tanda mo ba?" Sunod-sunod nitong tanong. Napapilig naman ako ng ulo pero hindi ko maalalang kasal na ang kinakapatid naming si Sam. "T-Talaga? Kailan?" Kunotnoong tanong ko na ikinamilog ng mata ng mga ito at nagkatinginan sa isa't-isa! "Kasal na siya ilang buwan na, Kuya. Ikaw pa nga ang nagdala kay Kieanne sa mga Montereal at-" Naputol ang mabilis na pagdaldal ni Rainy ng marahang siniko ni Cloudy ito. Muli silang nagkatinginang apat na tila may itinatago sa akin. "Ahm, kasal na si Ate Sam at Kuya Khiranz, Kuya. Maayos na silang pamilya. Nakakaalala na nga si Ate Sam, nakakalungkot lang na ikaw naman ngayon ang nawalan ng ibang ala-ala. Pero mas maigi na rin 'yon para burado na sa ala-ala mo ang pait at hinanakit na naidulot ng pagmamahalan-" "Natin." Putol ni Althea na ikinatigil ni Cloudy. "O-Oo, ninyo ni Ate Althea. Pero ang mahalaga, maayos na kayo ngayon. Hindi naman mahirap kung magsimula kayong muli." Pagsang-ayon nito na ikinatango-tango ko. Napabaling naman ako sa Ama naming matiim na nakatitig sa akin. "Paanong nahanap ka namin?" Pormal kong tanong dito dahil mukha namang nagkaayos-ayos na kami bago ako nawalan ng ala-ala sa previous months ng buhay ko. Ngumiti naman itong lumapit sa tabi ko at hinawakan ako sa palad ko. "Niligtas mo ako, anak. Nagkataong team mo ang pinadala sa sitio namin para i-rescue kaming mga na-trap sa bundok dala ng malakas na bagyo, mahigit anim na buwan na ang nakakalipas." Paliwanag nito na ikinatango-tango ko lang. "Pinatawad na kita?" Paniniguro ko na ikinahalakhak ng mga ito. "H'wag nga kayong tumawa." Pagsusungit ko na ikinatawa nila lalo kaya nahawa na rin ako at mahinang natawa. "Tayo ang naipadala noon sa probinsya ng Tarlac, Kuya. Kaya nga doon tayo nagka-reunion nila Tatay. Kayo ni Ate Althea ang nagligtas sa kanya sa pagkakadagan niya sa sarili niyang bahay noon." Pagpapaliwanag pa ni Cloudy kaya naniwala na ako dahil nakangiti namang tumango si Althea sa akin. LUMIPAS PA ANG MGA araw at unti-unti ng nakaka-recover ang katawan ko. Nasa isang pribadong hospital pala kami at ang mga Lolo at Lola namin ang siyang tumutok ng gastos sa pagpapagamot ko habang naka-coma ako. Pinahanap pala nila kami at ngayo'y nagkakaayos na silang lahat maliban sa akin dahil wala akong malay ng higit anim na buwan. 'Di ko lang lubos akalaing milyonarya pala si Nanay. Kung sana nalaman lang kaagad ng mga magulang nito ang sitwasyon namin noon ay baka kasama pa namin si Nanay hanggang ngayon. Muli ko tuloy naalala ang pagkakakita ko kay Nanay sa panaginip ko. Buhay na buhay siya doon at napakaaliwas na ng maganda niyang mukha. Mabuti na lang napakamaasikaso ng girlfriend ko sa akin kahit nagtatrabaho ito ay 'di napapagod asikasuhin ako kapag wala na itong duty sa headquarters namin. Dito na siya sa hospital room ko tumutuloy para maalagaan niya ako sa gabi na ipinagpapasalamat ko. Ayon sa Doctor na sumuri sa akin ay kusa ko raw nabura sa utak ko ang mga naburang alal-ala ko kaya nakadepende sa akin kung pipilitin kong alalahanin ang mga 'yon. Pero ayon kay Cloudy, mas maigi na raw na kalimutan ko na lang ang mga 'yon total maayos na kami ni Althea ngayon at nagsisimulang muli. Kita ko namang napakamaasikaso at mapagmahal ni Althea kaya hindi ko na rin iniintindi pa ang nakaraan namin. Ang mahalaga nama'y magkasama pa rin kami at 'di ako nito sinukuan kahit pa anim na buwan din akong na-coma ay hindi ito umalis sa tabi ko. Ramdam ko kung gaano niya ako kamahal na siyang nagpapa-inspired sa akin para magpalakas at ng makabalik na rin sa serbisyo. Maging ang mga katrabaho ko'y pinatotohanan din nila ang pasikreto daw naming ligawan ni Althea sa headquarters kaya nakampante na ako kahit pa parang may kung anong puwang pa rin sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD