Puting kisame ang nabungaran ni Nadielyn. Kahit mahilo-hilo at nananakit ang kalamnan ay nagpilit siyang bumangon "Nadielyn, ‘wag ka munang bumangon," pigil ng isang kamay sa kanya. "A-Angelo?" "Kamusta na ang pakiramdam mo?" bakas ang pag-aalala na tanong nito at inalalayan siyang mahiga ulit. "Ano bang nangyari? Si Bebang?" Umilap ang mga mata nito na parang ayaw pang magsalita. "Kasama ni Danilo. Hindi pa rin malinaw pero may nagtatangka ng masama sa inyo. As soon as I heard the news tumakbo kaagad ako dito sa ospital." "N-Natatandaan ko na. May gustong sumagasa sa’min. Patawid kami ng kalsada nang bigla na lang may sumulpot na itim na kotse. Mabilis ang patakbo. Parang walang preno. Hinabol kami hanggang sa itinulak kami ni Yaya…ang Yaya nasa’n?" nag-aalalang tanong niya. Napay

