Nagising si Nadielyn sa bango ng bawang na ginigisa. Mukhang may nagluluto na ng agahan. Nag-inat siya nang makabangon. Saka niya inayos ang pinaghigaan. Binuksan niya ang bintana at napangiti nang pumasok na ang sinag ng araw. Masayang-masaya ang pakiramdam niya. "G-Gusto kita…" "Ihhhhh!" parang tangang kinilig siya nang maalala ang sinabing iyon ni Danilo kaninang pauwi sila habang nakapangko pa siya likuran nito. Hindi siya makapaniwala sa inamin nito! Lalo na nang umamin din siya. Napapadiyak pa siya sa kilig. Ang bilis ah! Pero kasi...totoo naman talaga. Nung una bwisit talaga siya dahil may pagkaantipatiko at suplado ito pero kalaunan nakita niyang mabait naman pala talaga ang loko. Hindi mahirap magustuhan... "Ehem," pasimple siya

