"Sabi ko bagay nga sa’kin," sabi nito at umupo nasa tabi niya. Pinagsaluhan nila ang mga binili. "Astang bata ka rin, eh," natatawang puna niya kay Danilo nang mapuna ang ketchup na nasa gilid ng bibig nito na galing sa hotdog sandwich. "Saan?" "Ito, oh," turo niya sa gilid ng labi nito at pinunasan na iyon gamit ang panyo niya. Bahagya pa siyang napapatingin dito. Nakita niyang tila namula ang magkabilang tenga nito. Nang tumitig ito sa kanya ay napatigil siya sa ginagawa at napaiwas ng tingin dito. Para siyang napaso sa titig nito. Napatingala sila sa langit pareho na parang nahiya. "Dan! Ferris wheel," turo niya sa ferris wheel na umaandar. "O ngayon?" "Sakay tayo!" "Aba! Mag-i

