Special Chapter 2 "Postpartum…sorry ang arte ko," nasambit ni Nadielyn nang makauwi sila ng asawang si Danilo matapos nilang manggaling sa isang doctor. Kinumpirma nga nito na kaya siya nagkakaganoon ay dahil sa tinatawag na postpartum depression na tumutukoy sa mga nararamdaman niya. Kapag pala nagsisilang ng isang sanggol ang babae nagkakaroon ng hormonal imbalance kaya nagiging pabago-bago ang mood. At iyon na nga ang nangyayari sa kanya. Ayaw pa nga niya nang una magpacheck up pero nakumbinsi din siya ng asawa. "Hindi kaartehan ‘yan. Alam ko namang hindi ka talaga ganyan. Saka natural lang na pinagdadaanan ng ilang babaeng nagsilang ang ganyan. Isipin mo, halos lahat ng nutrisyon mo sa katawan napunta kay Lia habang ipinagbubuntis mo siya. Kaya hindi na kataka-taka na dumadaan ka sa

