Special Chapter 5 "Ayokong pumasooookkkk!" dinig yata sa ilang bahayang nakapaligid ang sigaw na iyon ni Lia. Nueve anyos na ito. Araw-araw na lang sa tuwing gigisingin ito para pumasok sa eskwela ay ganoon nang ganoon ang eksena. Napatakip na lang sa tainga ang pobreng kasambahay ng mga Imperial na gumising dito. Dito na papasok si Nadielyn para hilahin sa mga paa ang anak pababa sa kama. "Lia! Bumangon ka diyan! Ano ba? Tanghali na!" talak naman niya sa anak. Simula noong isilang niya ang nag-iisang anak, noon lang din niya nalaman na capable pala siyang maging bungangangera. Jusko po. "Inaantok pa ko..." maktol ni Lia at kumapit pa sa headboard para hindi mahatak ng Mama nito pababa. "Oh, ano? Dito ka lang sa b

