Special Chapter 6 "Maghanap na lang tayo ng ibang security provider. Napakairesponsable naman ng mga gwardiyang ‘yan. Tutulog-tulog, binabayaran naman ng tama. Kadarating lang ng materyales para sa cruise liners tapos nanakaw?" hindi maitago ang pagkairita ni Danilo habang nag-aalmusal sila. Tumawag kasi ang Detachment Commander ng security agency na nagbabantay ng yard nila. Nanakawan ang shipyard dahil nakatulog nga ang security guard na nagbabantay. Iyon ang ipinamanang business ng namayapa niyang Ina. Shipyard inc. "Mabuti pa nga. Buti sana kung first offense lang. Kaso this is the second time na nangyari ‘yan. Magalit na si Ms. Ramirez pero wala na rin akong tiwala sa agency niya," sang-ayon niya sa asawa. Napabaling siya kay Lia na hindi kumikibo at nakatitig lang sa

