Two months later… "Nagmumukmok ka na naman diyan, Nadielyn?" puna ng Mama niya habang nakatanaw siya sa bintana sa kwarto niya. Nakabalik na siya sa kanila. So far kasundo naman niya ang step father niya. Mabait naman pala ito at kung minsan napapayuhan pa siya nito sa mga ilang bagay. "Miss ko na siya, Ma," napapabuntong hiningang sabi niya. "Si Danilo?" "Yes...sabi niya pupuntahan niya ko dito pagkatapos niyang asikasuhin ang mga dapat asikasuhin sa Batangas, pero hanggang ngayon di pa niya ako dinadalaw," sumbong niya. "Hayaan mo na. Malay mo naman naghahanda na iyon papunta dito." "Sana nga." "Ang mabuti pa sumama ka na lang sa amin ng Tito mo, manonood kami ng sine." "Huwag na Ma. M

