Kakasara lang ni Nadielyn ng tindahan. Inaantok na ipinadlock niya ang pintuan nang may tumakip sa mga mata niya kaya nagitla siya. "Angelo?" panghuhula niya at hinawakan ang mga kamay na nakatakip sa mga mata niya para tanggalin iyon. "Angelo ka diyan? Halos gabi-gabi kitang dinadaanan pag nagsasara ka tapos, Angelo?" nakasimangot na sabi ni Danilo nang mapaharap siya dito... "Eh, akala ko siya, eh." "Tingin mo pupuntahan ka pa niya kahit alas diyes na ng gabi?" maasim pa rin ang mukhang sagot nito. "Oo nga, ‘no? Hahaha." "Puro ka kasi Angelo," naiiling na sabi nito at tinalikuran na siya. Napakamot siya ng ulo at dali-daling napasunod sa bugnuting binata. "Hoy! Hintay naman! Galit ka b

