"O bakit umiiyak ka?" alalang tanong niya at umupo sa tabi nito. "Eh, kasi sila, eh!" "Sino’ng sila?" "Iyong mga kalaro ko. Ayaw akong isali sa chinese garter. Ang baba ko raw tumalon kasi mabigat ang katawan ko. Matatalo lang daw sila. Pero kanina okay lang kasi may dala akong chocolate. Pero noong maubos ayaw na nila ayaw na akong pasalihin. Ang dudupang! Tinawag pa kong baboy d**o!" umiiyak na sumbong nito kaya napatiim bagang siya. "Palagi ba nilang ginagawa ‘yan sa’yo?" "Madalas. Parang mabait lang sila sa’kin kapag may dala akong pagkain." "Asan sila?" "B-Bakit ate?" "Pupuntahan ko! Hindi tama ‘yang ginagawa nila sa’yo." "H-Huwag na baka lalo lang akong hin

