"Danilo!" Tiningnan siya nito nang may pagtataka. "Aling Nida bakit ba nag-i-eskandalo kayo dito? Sasaktan niyo pa si Nadielyn?" madilim ang mukhang tanong ng binata at padabog na binitiwan ang kamay nito. "Itanong mo diyan sa magaling na babaeng ‘yan. Inaway niya itong anak ko." "Totoo ba ‘yon?" baling ni Danilo sa kanya. "No. Pinagsabihan ko lang. Inaaway niya kasi si Bebang." "Kung merong may dapat magdisiplina sa kanya ako ‘yon! Ako ang nanay. Ako lang ang may karapatang magturo sa kanya. Wala kang karapatan!" giit ni Aling Nida. "I know, buti nga ikaw ang nanay. Dahil kung ako ang magkaanak ng ganyan baka sakalin ko. At ano ring karapatan mong ituro sa kanya ang mali? Ah dahil nanay

