Tulad mo. Tulad mo. Tulad mo. Parang sirang plaka na nagrireplay iyon sa utak ni Nadielyn. Napatitig siya kay Danilo na nasa harapan pa rin niya. Seryosong nakatitig sa kanya ang magandang pares ng mga mata nito. Gusto siya nito? Bumilis bigla ang t***k ng puso niya. Nyemas. Titigan ka ba naman ng gwapo! "You’re joking right? Tapos na ang April pero…tama. Tama. Belated April fools!" pilit ang tawang bulalas niya. Umangat ang sulok ng labi nito at napailing. "Joke? Bakit? Iyong tulad mo ba hindi dapat siniseryoso?" Napaawang na lalo ang mga labi niya. "S-Seryoso ka do’n? Gusto mo ko kahit aso’t-pusa tayo minsan?" halos mapigil ang hiningang tanong niya. "Hi guys!" Napatingin sila pareho sa nagsalita k

