"Open ako sa LDR, Nadielyn. Loyal ako," ani Angelo "Confident na confident kang sasagutin kita diyan, ah?" "Bakit hindi ba?" nakakaloko ang ngiting sabi nito at inilapit pa ang mukha sa kanya. "Angas mo!" tulak niya ulit sa mukha nito at saka napailing. "Di nga. Seryoso. Manliligaw ako." "Bahala ka na nga diyan," irap niya at napainom sa s**o’t-gulaman niya. "O ayan. Pumayag ka na. Wala ng bawian, ah?" "Whatever!" Pagbalik niya sa tindahan ay inihatid pa siya ni Angelo saka ito umalis. "Bebang, gaano na ba kahaba ang hair ko?" usisa niya sa bata na nanginginain pa ng sweetcorn na tsitsirya. Kaya gustong-gusto nito na tumatao sa tindahan, eh. Lahat ng paninda niya

