GINA'S P.O.V Sa kanilang pagmamadali ay hindi nila napansin na naiwan pala ang kaibigang si Dyesebel. Nasa hulihan kasi ito kaya hindi nila namamalayan. "Hoy, huwag niyo akong iwanan!" sigaw nito. Nang lingunin ng tatlo ay nagulat sila nang makita ang bakla. Nakalambitin na ito sa isang maliit na sanga. Dahil sa kanyang suot na kapa at maskara ay nagmukhang itong paniki. "Huwag kang gumalaw at mababali ang sanga!" sigaw naman ni Cristine. Kahit na binalaan na siya ng kaibigan ay naglilikot pa rin ito. Sa ninanais na makawala sa pagkasabit ng kanyang salawal sa sanga ay napigtas ang suot na short at bumagsak sa lupa. "Ayan kasi sinabihan na kitang huwag gumalaw, hindi ka nakikinig," paninermon ni Cristine. "Aray..." Ang sakit naman ng aking hiyas," anas naman ni Dyesebel. "G*ga,

