GINA'S P.O.V Magkakalahating oras na at hindi pa bumalik si Zoey. Ano kaya nangyari sa kanya? Ang pagpapaalam niya ay pupunta lamang ng toilet. Kinabahan naman ako lalo at wala din ang babaeng pinakilala niya kanina. Naisip kong sundan siya sa toilet at impossible naman gano’n katagal magbanyo ito. Dahan-dahan akong pumapagilid na naglalakad patungong banyo. Nakakasagabal din kasi itong suot ko dahil mahaba ang gown. Hindi ako basta-basta nakakagalaw ng maayos. Nahihiya pa akong dumadaan sa mga lalaking nakatingin sa akin. Marahil ay nagtataka sila dahil hindi naman ako related sa business at ito ang unang pagkakataon kong makapunta ng ganitong party. Some guys stares and smiled at me. I smiled them back as a respect. Ang daming mga gwapong fafa dito. Tuloy naalala ko si Dyesebel sa

