GINA'S P.O.V Araw ng ball party na aming dadaluhan ay sinundo ako ni Zoey at dinala sa isang salon para ayusan. Isang malaking pagdiriwang ang gaganapin kung kaya’t kailangan kong maging maganda na maihahanay sa mga katulad niyang nakakaangat sa buhay. Nasa harap ako ng salamin at tinititigan ang sarili habang inaayos ng isang bakla ang aking buhok. Bakit kaya sa dinami-dami ng pwede niyang yayain ay ako pa ang napili?” Inabot ng tatlong oras mahigit ang pag-aayos sa akin. Ayaw ni Zoey na simple lang ang kalalabasan ng magiging looks ko. Makalipas ang tatlong oras ay ipinasuot na sa akin ang damit na binili nito kahapon para sa akin. Ngunit laking gulat ko nang makita ang gown. Wala akong nabanggit kahapon na gusto ko ito.How did he found out that this colour of gown I like?” “Ma’am,

