GINA'S P.O.V Kinagabihan tahimik na nanonood ng TV si Gina. Pilit niyang kinalimutan ang nangyari sa kanya. Kahit ang trabaho nito ay hindi na rin inisip. Wala pa siyang balak na pumasok at napagpasyahan nitong lumiban sa trabaho ng isang linggo. Alas onse na ng gabi at wala pa siyang balak matulog. Pakiramdam niya ay lutang siya at hindi nauunawan ang TV na nasa harapan. "Hoy! Hindi ka pa ba matutulog? Kanina ka pang tulala diyan!" untag sa akin ni Ate Grace. "Mamaya maya na Ate, hindi pa kasi ako inaantok," tugon ko naman. "O'siya mauna na ako sayo ikaw na bahala diyan," aniya. Akma siyang tatalikod nang may kumatok sa aming pintuan. Tiningnan niya ako nang may pagtataka. "May bisita ka bang hinihintay?" "Wala naman Ate! Sino kaya iyan?" "Ako na ang magbubukas," aniya s

