GINA'S P.O.V Naramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo at hinila ko ang kumot dahil ako'y nilalamig. Kahit nakapikit ang mga mata ay gising ang diwa ko. Nilalamig ako ngunit sa bandang harapan lang. Ang likurang bahagi ng katawan ko ay may mainit na nakadikit sa akin. May tila mabigat na bagay ang nakadantay sa aking tiyan. Marahan akong gumalaw ngunit naramdaman ko ang kaunting kirot sa bandang ibaba. Ano itong masakit? Masakit na nga ang ulo ko may masakit din sa ibabang bahagi!" Gumalaw akong muli para kumpirmahin kung saang banda ang masakit. Napadilat akong bigla nang maramdaman na masakit ang aking hiyas. Medyo madilim at hindi gaanong maliwanag ang paligid. Pinikit kong muli ang aking mga mata para maabsorb ng aking mata ang dilim ng paligid. Muli akong dumilat at hindi gumalaw

