GINA'S P.O.V Pinaghiwalay kaming dalawa ni Zoey. Ipinasok ako ng isang lalaki sa silid na madilim. Narinig ko na lang ang pagsara nito ng pinto. Kaya kong gumalaw dahil kamay lamang ang nakatali sa akin. "Saan kaya nila dinala si Zoey? At sino naman kaya ang nagpadukot sa amin?" mga tanong ko sa sarili. Wala akong ibang maisip na may kagagawan nito kundi si Jayden lang. Ngunit hindi niya kayang gawin ito nang walang kasabwat. Walang pera iyon para magbayad ng taong mauutusan. Ilang oras na ang makalipas at wala pa rin akong alam kung anong nangyari kay Zoey. Kamusta na kaya siya?" Kailangan kong humingi ng tulong kay Cristine. Ngunit paano ko makukuha ang phone na nasa aking harapan. Nakatali naman sa likod itong kamay ko. Nag-iisip ako kung paano ko maibalik sa harap ang mga kamay

