GINA'S P.O.V Dumating ang araw na kailangan na naming bumalik sa realidad ng aming buhay. Tapos na ang masayang pagsasama namin sa mansion. Isang linggong pag-ibig kung ituring. But this is one of my best and happy moment in my life. Pansamantala ring babalik sina Mommy at Daddy sa Amerika at aasikasuhin ang kanilang naiwang mahalagang bagay. Ngunit nangako silang babalik ng bansa para planuhin ang magiging buhay namin ni Zoey. Ang sarap sana sa taenga ang kanilang pangarap para sa aming dalawa. Ngunit kahit ako hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng aming relasyon. Parang f*******: lang, it's complicated!" Bago kami umuwi ni Zoey sa kanya-kanya naming buhay ay hinatid muna namin sina Mommy at Daddy sa Airport. Yakap at halik ang iniwan sa akin ni Mommy. She really like me. Kahi

