GINA'S P.O.V Pagkatapos naming mag-almusal ay pupunta kaming Manila Golf Club. Gustong maglaro ni Daddy Ben. Ito kasi ang nakagawian niya at hilig laruin. Lulan kami ng Black Mercedes Benz. Si Zoey ang nagdrive at ako kanyang katabi sa passenger side. Nasa likod naman ang dalawang matanda. Sa tuwing hihinto sa stop light ay kinukuha ni Zoey ang kamay ko. Nilalaro niya ito paminsan-minsan. Naglalambingan din ang dalawang love birds sa aming likuran. May mga edad na ang mga ito ngunit napakalambing nila sa isa't isa. "Mommy, pwede po bang magtanong?" "Yes, sweetie, go ahead!" magiliw naman niyang tugon. "Pwede po bang malaman ang love story ninyo ni Daddy?" Curious ako sa kanilang love story. Sobrang mahal nila ang isa't isa. Medyo serious si Daddy but game na game naman siya sa k

