GINA'S P.O.V Nag-uungot ako sa higaan. Hindi ako makagalaw, at bigla akong napadilat. Isang madilim na silid. Palinga-linga ako sa paligid at wala akong makitang tao. Nasaan ba ako? Nakagapos ang aking mga paa. "Zoey! Zoey! Boss huwag ka magbiro ng ganito!" natatakot kong sigaw. Ngunit walang sumagot sa akin. Kinapa ko ang kama. Alam kong magkayakap kaming natulog ngunit nasaan siya?" "Hoy! Huwag kayo magbiro sa akin ng ganito, sasamain talaga kayo sa akin!" pagbabanta kong sigaw. Biglang bumukas ang ilaw. Nagulat ako sa paligid. Isang lumang silid at dugyot na paligid. Nakaupo ako sa naninilaw na puting kama. "Zoey! Nasaan ka? Bakit ako nandito?" Nagpupumiglas ako at kinakalas ang pisi na nakatali sa aking paa. Nagtagumpay naman akong tanggalin ito. Ngunit biglang lumitaw ang isan

