GINA'S P.O.V Gabi na nang makauwi kami galing sa Mall. Pang isang buwan na yata ang binili ni Zoey para sa akin. Gumastos pa ito ng malaking halaga para lang pagbigyan ang ina na umaasa sa kanya na magkaroon ng pamilya. Kahit naman sinong magulang ay hihiling ng apo sa nag-iisang anak. Ano pa ba ang ayaw niya? Kung pera ang pag-uusapan eh' kayang-kaya niyang buhayin ang magiging pamilya. Hindi na rin siya bumabata kaya naman sa kanya umaasa ang kanyang mga magulang na mabigyan ng apo ang mga ito. Napagod ako sa aming pamamasyal at pamimili sa labas. Pakiramdam ko tuloy para akong naubusan ng baterya sa katawan. "Oh, bakit matamlay ka?" nag-alala niyang tanong. "Napagod lang ako sa maghapon nating lakad." "Wait huwag ka muna bumaba!" sabi nito sabay nagmamadaling lumabas ng kotse.

