GINA'S P.O.V Papalapit ang matanda sa amin ngunit ang kanyang tingin ay sa aming kamay ni Zoey. Nakita niya kaming magkahawak ang kamay. Agad ko itong hinila ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Zoey sa akin. Ano ba ang plano ng kumag na ito?" Pakiramdam ko ay nahihiya ako sa sitwasyon naming dalawa. Puno naman ang galak sa mukha ng matanda. Hindi naman gano’n katanda tingnan, mga nasa 50's lang ang edad nito. Nagulat ako na imbes si Zoey ang yayakapin ay sa akin yumakap ang kanyang ina. "ZB, son ito na ba ang hiling ko sayo?" aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Ano daw iyon? Nakita ko ang laki ng ngiti ni Zoey at kibit balikat itong nakatingin sa amin. Natatawa naman ang matandang lalaki na tinapik si Zoey sa balikat. Nang kumalas sa pagkayakap ang kanyang ina sa ak

