Chapter 4

3724 Words
Catfight Niligawan niya noon si Hera pero basted siya. Ang dahilan nito ay focus siya sa study. Dahil galing sa pamilya na hindi naman namin kapantay, she's studying hard. Para kasi sa mga less privileged, pag-aaral ang mag-aangat sa kanila sa buhay nila. Hindi naman mahirap si Hera pero hindi rin mayaman. She's in a middle class family. Base iyan sa research ni Nathalie. Doon kasi siya magaling eh. Tapos ngayon, para silang magbestfriend pero kita naman na may feelings si Hera sa kaniya. So that is the reason. Ngayon ay malabong wala na siyang gusto rito. Baka ang dahilan kung bakit hindi pa sila ay dahil nirerespeto niya ang dahilan ni Hera. Kung pilit naman niyang sinasabi na bestfriend lang sila, malamang, it is his wounded ego talking. Kasi nga nabasted siya, eh. "Grabe, I can't believe it talaga. Super yaman mo. Kami, may-ari lang ng tatlong malaki na grocery stores, sunod na ang luho namin. Feeling ko mayaman talaga kami kasi never kami nakaranas ng hirap. Pero ikaw, high-end hotels!?" hindi pa rin siya makapaniwala. "Huwag ka na maingay, Nathalie. Bawal pa na may ibang makaalam," saad ko. Ngiti-ngiti niya akong binangga. She is smiling widely. "Grabe, ang swerte ko kasi friend talaga tingin mo sa akin. Sinabi mo ang sekretong 'yan!" I just smiled at her. Humagikhik siya at nagpatuloy pa sa pagbabasa ng articles tungkol sa pamilya ko pati na rin kina Zeus. Ilang linggo na ang lumipas simula nang malaman ko na pinagkasundo kami. Hindi naman kami nag-uusap dalawa. Umiiwas ako bago pa kami magsalubong kasi kumukulo talaga ang dugo ko. Siya naman ay lagi lang nakahanda ang ngisi na nakakainis para sa akin. Napaangat ako ng tingin nang makita si Hades na naglalakad. Tahimik lang 'to at walang barkada na kasama. Base sa sinabi ni Nathalie, achiever din ito. Tapos president pa ng senior high department. He looks mysterious, cold and dangerous. Gano'n ang gustong-gusto ko. Nakaawang ang labi ko habang pinagmamasdan siya na naglalakad palayo. He is tall and has a nice body. But I am so attracted to his pair of mysterious dark eyes. Napangiti ako at bumuntong-hininga. Ngunit napawi iyon nang matanaw ko si Zeus sa malayo at kunot ang noo na nakatitig sa akin. I rolled my eyes and focused on Nathalie. "Ano ba ang buhay ni Hades?" tanong ko sa kaniya. Natigil siya sandali. Humampas ang preskong hangin. Nasa may tila parke na part kasi kami ng campus. Tanaw mula rito ang court pati ang daan patungo sa canteen. May mga upuan na pwedeng tambayan ng mga estudyante at maraming puno. What I love so much about here are the flowers. Iba-iba iyon at makulay kaya nagsilbing attraction sa mga narito. Iba pa ito sa garden ng school. "Hades Cassandro Fortunatus is a very private man. Pero nakita ko sa research ko no'ng nakaraan na may ari sila ng mga lupain din sa iba't-ibang parte ng Pilipinas. Siguro ay may mga tanim sila roon tapos iyon ang pinagmumulan ng pera ng pamilya nila. Ang alam ko lang ay mayaman talaga sila tapos misteryoso," aniya. Napangiti ako at tumango. Bumibisita ang pamilya ni Zeus sa amin pero madalas ay wala siya dahil abala raw ito sa mga research na requirement lalo na at graduating na ng senior high school. Pabor naman iyon sa akin para hindi mairita pero I am bothered kasi. Kahit malayo pa at ilang linggo pa lang ang lumilipas mula ng malaman ang kasunduan, kabado na ako saka hindi mapalagay. I realized that I need to talk to him. Maaga ang break namin at mag-isa lang ako dahil absent si Nathalie. Naglakad-lakad ako at hinahanap siya. Sigurado ako na pakalat-kalat iyon dahil narinig ko na sabi ni Tita Soledad ay nagsusurvey ito para sa requirement. Pero tumaas ang kilay ko nang makita na imbes nagsusurvey para sa research ay may dalawang babae sa harap niya at halatang naglalandian sila. He is smirking while biting his lips. Ang mga babae naman ay parang mga kiti-kiti, kilig na kilig. He's wearing a simple black v-neck shirt, jeans, and a manly boots. May pahaplos-haplos pa ang mga babae sa bicep niya. Napairap ako at taas-noo na naglakad palapit sa kanila. I realized that the two girls are college. Naligaw yata rito kasi medyo malayo ang building nila rito. "Hi, pwede ba umalis kayo? Mag-uusap kami," magalang kong sabi at tumayo sa pagitan nila, sa harap ni Zeus. Hindi ko sila tinignan pero sa ingay ng reaksyon nila ay tila na-offend sila. Zeus stared at me with his famous smirk and amused eyes. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "What did you say?" I heard one of the two girls asked. Hindi makapaniwala ang boses. I dramatically sighed and slowly tilted my head to see the owner of that voice. Ngayon ay magkatabi na sila. Mas matangkad sila sa akin pero hindi naman ako kinakabahan. Kahit pa iyong mukha nila ay inis na inis. "Sabi ko, pwede ba umalis kayo? Mag-uusap kami," kalmado kong saad. The girl hissed. Natawa naman ang isa pero sarkastiko. "Inulit mo pa talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Mali ba ako ng pagkakarinig? 'Di ba tinanong mo kung ano ang sinabi ko?" saad ko at bahagyang ngumisi. "You kid—" "Zeus, paalisin mo sila. Kakausapin kita," saad ko at tumitig na sa lalake. "Sino ba 'yan, Zeus? She looks like a spoiled brat. The heck! Bossing around like—" "Zeus," tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang braso. He looks so amused. He chuckled a bit and glanced at the girls. "You can leave now," saad niya. "What?" marahas na tanong ng isa. "Susunod ka sa utos ng bata—" "Pakibilisan ang pag-alis. Zeus, paalisin mo na sila," utos ko at sinulyapan ang bagong linis kong kuko. Hindi ako naglalagay ng kulay kasi bawal pa sa grade level namin and I don't like it, too. "Girls, please leave." Mahina pa silang nagprotesta ngunit walang nagawa. Nagkibit ako ng balikat at lumapit sa puno saka sumandal sa katawan noon. I crossed my arms and watched him followed me. He smirked and shook his head. "So now, you're bossing me around?" natatawa niyang tanong. "Depende pa rin naman sayo kung susunod ka. And you did," I boredly said. Tumayo siya sa harap ko at itinago ang mga kamay sa loob ng kaniyang bulsa. He's staring at me amusedly. "Your father told me that you are his que—" "Isa ka na rin ba sa tagasunod ko, kung gano'n?" tanong ko. Natawa siya at napatingala. I had a better access to see his prominent jaw. Nang tumitig siya muli sa akin ay tila kumikislap pa ang mga mata niya sa sobrang tuwa ng mga 'yon. "You think everyone is your follower?" I shrugged. "Nope. Iyong mga gusto lang at isa ka yata sa kanila." He smirked and licked his lips again. "You're crazy." Tumuwid ako ng tayo at tinitigan siya. "Anyway, I am here to tell you something," saad ko. Seryoso siyang tumitig sa akin pero napaismid ako nang makita na may multo ng ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ako. "Stop playing around and focus on Hera." Tumaas ang kilay niya at ipinagkrus na rin ang braso. "What?" "Sabi ko, magfocus ka na lang kay Hera. I know she's your type. Pareho natin ayaw ang engagement kaya ipaglaban mo siya. Kapag nakikita ng parents mo na wala kang sineseryoso, lalo ka nilang itutulak sa akin. But if you focus on her, and let them see that you're serious about her, hahayaan ka nila kumalas sa kasunduan na 'yon. I believe that Tita Soledad's priority is your genuine happiness," saad ko. "Really? Bakit si Hera?" taas pa rin ang kilay niya. I pursed my lips and stared at him. "Because on greek mythology, Zeus and Hera—" Bigla ay malakas siyang humalakhak. Natigilan ako at nainsulto nang makita na tawang-tawa talaga siya dahil sa sinabi ko. Na parang kabobohan iyon. "Stop laughing!" I hissed. He bit his lip and tried to stop. "You are so immature. Bata ka pa nga," aniya at tumawa muli. Sa inis ko ay hinampas ko siya sa kaniyang braso. Natigilan siya at napahawak sa parte na hinampas ko. "Titigil ka na?" inis kong saad. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Yeah," he whispered while staring at me intently. "Hindi lang 'yon. She is pretty, inaalagaan ka niya at may class pa." "Bakit hindi na lang iba?" tanong niya habang may mapaglarong ngiti. Hawak pa rin niya ang parte na hinampas ko. Naisip ko tuloy kung masakit ba 'yon kasi kanina niya pa hawak. Pero hindi naman malakas ang hampas ko sa kaniya. "Kasi gusto ko si Hera! Siya lang, huwag ang ibang babae. You are better with her," mariin kong saad. "Uh-huh... Ano pa?" he asked. Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo siya 'di ba?" tanong ko. His lips twtiched. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig lang sa akin. Matapang ko siyang tinitigan pabalik at pinagkrus muli ang mga braso. "Basta, siya lang ang gusto ko sayo. Siya lang ang may class and among your girls, siya ang bukod-tangi." "Girls, huh?" nakaloloko niyang saad. I noticed his hand remained on that part that I hit. Isinawalang bahala ko iyon at nagkibit-balikat. "Siyempre, totoo naman. Babaero ka nga, eh," saad ko. He chuckled and didn't defend himself. Kasi nga totoo nga at nakikita ko 'yon sa mga linggo na lumipas. Simula nang magkrus ang landas namin ay lagi ko na siyang nakikita. At napapansin ko ang mga babae lagi na umaaligid sa kaniya. Gusto niya naman din. "I am done. Iyong sinabi ko, ha? Sundin mo!" paalala ko at dire-diretso ng umalis. Iyon talaga ang naiisip kong paraan. Siya kasi ang mas matanda sa aming dalawa tapos siya ang lalake at babaero kaya agrabyado siya rito. Kailangan niyang ipakita sa parents niya na ayaw niya makulong sa pragmatic marriage dahil may gusto siyang babae. Malakas lang si Tito Adolfo sa kasunduan na 'yon dahil wala pang gusto talaga si Zeus pero once na makita niya na may gusto ito at ipaglaban talaga, he will let his son go. After all, silang dalawa ni Tita Soledad ay uri ng mga magulang na supportive sa anak. Kapag gano'n, wala ng magagawa si Dad. Then done! Wala ng engagement para sa amin. Sasabihin ko rin kay Dad sa time na 'yon na ayaw ko talaga. Wala akong pwedeng rason kasi naiisip ko na by that time, wala pa rin akong gusto na lalake. Sadyang ayaw ko lang si Zeus. Si Hades naman kasi crush lang, as in hinahangaan ko lang siya pero hindi umaabot sa punto na gagawin ko siyang rason. Time passed and I saw him going along with Hera. Pero hindi mapigilan na napapalibutan siya ng babae. Kaso hindi naman din sila aggressive. Hindi kami nagpapansinan ni Zeus pero lagi siyang ngumingisi sa akin. Minsan isasabay niya ako sa kotse niya pauwi sa mansion namin dahil sinasabihan siya ni Dad. Pero hindi naman kami halos nag-uusap. Pinapaalalahanan ko lang siya tungkol sa pinag-usapan namin. I was grade eight when I became involved into catfight for the first time. Zeus is already first year college that time. Iisa ang campus namin pero malayo na ang sa kanila. "Magpapatulong ako kay Zeus sa research namin." Natigilan ako sa paglalakad at napalinga. I saw three girls na senior high na nag-uusap. "Buti na lang hindi siya snob 'no?" saad ng isa at humagikhik. Iyon ang problema kasi. Masyado 'yon na friendly kaya lapitin ng babae lalo. Babaero kasi. "Oo. Aayain ko siya sa dorm ko, doon ako magpapaturo. May plano na ako. Sa kaniya ko ibibigay ang first ko," bulong niya. Nanlaki ang mata ko at uminit ang pisngi. Bata pa ako pero alam ko na ang ganiyang usapan dahil sa ibang bansa ako lumaki. Liberated doon. I gritted my teeth and clenched my fist. "Ha!? Grabe! Sure ka!" "Oo! He's willing to help me sa research and I will take that as an opportunity." "For sure matutuwa iyon. Ang ganda mo kaya at virgi—" Hindi ko na kinaya ang naririnig kaya sumugod ako sa kanila. Kumukulo ang dugo ko. "Ganiyan ka kadesperada? Wala ka bang respeto sa sarili mo? Ipamimigay mo lang ang katawan mo!" gigil kong saad. Nanlalaki ang mata nila lalo na ng babae na mayroong plano. Tumayo sila kaya bahagya akong napatingala dahil matangkad sila sa akin. Pero hindi naman ako natatakot. "Nakikinig ka sa usapan ng may usapan!" sigaw niya. "Oo! And I heard how desperate are you! Can't you see, Zeus is for Hera!" sigaw ko. "What? Hindi naman sila at ano bang pakialam mo?" "Huwag mo siyang ahasin dahil meron ng nagmamay-ari sa kaniya. Ang landi mo!" I shouted. Gigil na gigil ako dahil hindi ko mapigilan maisip ang plano niya. "Malandi pala!" sigaw niya at sinugod ako. Agad niya akong sinabunutan. I felt the pain on my scalp. Hindi ako nagpatalo at hinila rin ang buhok niya lalo na sa part na malambot ang anit niya. She cried in pain. Sinipa ko siya at napabitaw siya sa akin. Sinugod na rin ako ng dalawa. Naramdaman ko ang kalmot, sabunot at sampal pero hindi man lang ako naiyak. I gritted my teeth and tried hard to attack them back. Tatlo na silang nananakit sa akin pero hindi ako paawat. Hanggang sa may humila sa akin. Pilit akong kumawala para abutin sila. Poseidon and Evandro stopped the three girls. Ang isa ay nasampal pa ako kaya pilit akong kumawala. Nagawa ko naman dahil kusa akong binitawan ng may hawak sa akin. Sinampal ko nang malakas ang gumawa noon at hindi na siya nakaganti dahil naroon na si Poseidon at Evandro. "b***h!" I hissed. "Bakit niyo pinagtutulungan ang bata?!" sigaw ni Evandro. Uminit ang pisngi ko at hinampas siya. Napawi ang nakasimabgot niyang mukha at natawa nang makita ang masama kong tingin. "Siya ang nauna! Nakikinig siya sa usapan—" "Ang usapan niyo na nakadidiri! You are planning to f**k Zeus!" I shouted. "Juno!" I heard his baritone voice. Hinila niya ako. Siya pala ang may hawak sa akin kanina. Hinila niya ako. "Ano—" "Stop it!" he hissed and pulled me closer to him. "Just hold them," bilin niya sa dalawa. Pilit ako kumawala ngunit kinarga niya ako at kinuha ang bag ko saka umalis. Hinampas-hampas ko siya sa braso. "Bitiwan mo ako. I am not yet done!" I shouted. "I said, stop!" mariin niyang saad. Natahimik ako ngunit nanginginig pa rin ang katawan sa galit. Napansin ko ang daan na tinahak namin. Patungo ito sa garden na hindi matao. Inilapag niya ako sa ilalim ng malaking puno at nameywang na pinagmasdan ako habang nakatayo siya. "Damn. Ano'ng ginawa mo?" mariin niyang saad. His amber eyes look dark because of the obvious madness. "Nakipag-away!" sagot ko. He smirked sarcastically. "Proud ka pa?" Hindi ko siya pinansin at inagaw ang bag ko. Kinuha ko ang aking first aid kit sa bag. I heard him sigh. "Sa clinic na kita dadalhin para mas maga—" "I can handle myself!" mariin kong saad at sinulyapan ang braso ko na maraming kalmot at iilang pasa na. May mahapdi rin sa pisngi ko at masakit ang scalp ko. Ngayon na unti-unting napapawi ang adrenaline rush, ramdam ko ang sakit at hapdi ng ginawa nila sa akin. "Damn it!" he whispered and grabbed my kit from me. Natahimik ako at pinanood siyang gamutin ako. Gusto ko siyang pigilan ngunit nakikita ko talaga ang galit sa kaniya. Medyo natatakot ako. Medyo lang naman. Pagod lang talaga ako kaya ayaw ko ng makipagtalo. "Where is your bestfriend?" he asked, breaking the silence. "Absent," galit kong sagot. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin pero 'di ko pinansin. Nang natapos siya sa paggamot sa mga kalmot sa akin ay hinawakan niya ang aking baba at inangat ang mukha ko. Napailing siya nang makita ang hitsura ko. "Tito Solomon will be f*****g mad," he whispered. Sinimangutan ko lang siya. He clenched his jaw. Dahan-dahan niyang hinaplos ang anit ko. Napangiwi ako. "Medyo namamaga," aniya. "Tatlo ba naman sila," sagot ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Sinamaan ko rin siya, hindi ako magpapatalo. Then he sighed. "Bakit mo ba sila inaway?" "Sila ang unang nanakit!" galit kong saad. "Ipagtatanggol mo pa ang babae mong 'yon?!" I gritted my teeth. "What?" Iniwasan ko siya ng tingin. I heard him sigh again and made me face him. Ginamot niya ang nasa pisngi ko na kalmot. He clenched his jaw. "Hindi ka dapat nakikipag-away," mahinahon niyang saad. "Ano ba ang dahilan mo?" "Eh, bastos nga kasi siya. Tuturuan mo 'yon sa research, 'di ba?" inis kong tanong. He sighed and nodded. "Yeah. She asked for my help. STEM student siya at ang research ko last year ay connected sa ginagawa niya," aniya. I hissed. "And she's planning to f**k you. Sabi niya ibibigay niya ang sarili niya sayo!" His lips twitched. "How can that even happen if I will help her on her reasearch at canteen?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Dadalhin ka nga raw niya sa dorm niya kaya mangyayari iyon!" "Hmm," he whispered and dabbed the scratch on my face softly with a cotton. "Hindi ako sasama. Hindi ako sumasama sa gano'n. And even if we will be alone in a private area, hindi pa rin," mahinahon niyang saad. "Sus!" Tumaas ang sulok ng labi niya at itinigil ang ginagawa. Doon naman siya nagfocus sa ulo ko at marahan na hinaplos ang namamagang anit. "Hindi ako pumapatol sa gano'n." "Ewan ko sayo. Babaero ka kasi!" bulong ko. Nagkatitigan kami. He looks serious but there is a ghost of smile on his lips. "Ano bang pinaglalaban mo kanina?" "Na may nagmamay-ari na sayo kaya 'di ka dapat nila ahasin!" mariin kong saad. He licked his lips and stared at me intensely. "Sino naman ang nagmamay-ari sa akin?" he gently asked. We stared on each other's eyes again. I pursed my lips and look away. "H-hera..." bulong ko. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Matagal na katahimikan ang pumainlang. Ang daliri niya ay marahan na humahaplos sa anit ko, inaasahan na gamit noon ay mapapawi ang sakit doon. "Makikipag-away ka para sa amin? Die hard fan ka ba ng love team namin?" tanong niya na nagbasag sa katahimikan. Napakurap ako. "A-ayoko kasi na may mga epal na babae. Ayoko na umaaligid sila sayo. Nakakainis, Zeus. Huwag ka na nga babaero! Kay Hera ka lang!" muling umahon ang galit sa akin. Napasulyap ako sa kaniya. He closed his eyes tightly and swallowed hard. "Alright, my queen," aniya. Napunta kami noon sa prefect of the discipline. Ang assistant ni Dad na si Lara ang pumunta dahil hindi nga pwede na ilabas basta ang pagkatao ko. May record na tuloy ako roon. Naparusahan din ako ng paglilinis nang kaunti pero grabe ang napunta sa tatlo lalo na at nagmukha akong kawawa sa kanila. Pinagsabihan ako ni Mom na huwag makipag-away at pinakinggan ko lang siya. Dad looks so furious seeing my skin tainted with scractches and bruises. Hindi siya umimik ngunit galit talaga siya. Kinabukasan ay dinala ako ni Mom sa derma para ipaasikaso ang mga sugat ko na baka maging peklat. Hindi doon natapos ang pakikipag-away ko sa mga babae na umaaligid sa kaniya. Pero hindi na nila ako nasasaktan sa 'di ko malaman na dahilan. Kahit pikon na pikon sila sa akin ay hindi nila magawa na pisikalin ako. Hindi rin naman ako mananakit unless unahan nila ako. Kaya wala na rin nakararating kina Mom and Dad. "Bakit mo ba inaaway ang mga umaaligid kay Zeus?" tanong ng college student na kaharap ko. May tatlo siyang kasama pa at pare-parehong matatangkad lalo na at mga tourism students. Hindi naman ako nagpatinag at pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib ko. "Wala kang pake and I will never stop! Tigilan niyo siya dahil may nagmamay-ari na sa kaniya!" "Oh my gosh!" they laughed on each other. Kinuyom ko ang kamao. Narinig ko sila na nag-uusap tungkol sa gagawin nilang pag-akit kay Zeus! "Bata ka nga. Ang immature mo pa. Aral ka na lang, nene," saad ng isa at humalakhak. "Okay po, Grandma. Ang mature niyo, pero sa mukha nga lang nakita. You have wrinkles na sa sobrang maturity." They looks so offended. I smirked. Si Nathalie ay sinesenyasan na akong tumigil. Pero hindi ako nagpapigil. "Siguro may gusto ka kay Zeus pero wala kang pag-asa kasi ang bata mo pa? Kaya galit na galit ka sa amin dahil may chance kami. 'Di ba, bata?" she asked with smirk on her lips. Uminit ang pisngi ko sa inis. "You are stressing him. Kailangan niya pagsabihan ang mga babae na posible mong awayin na huwag kang saktan kasi bata pa. Pati sina Poseidon at Evandro stressed sa pag-aalala sayo. Kaawa-awa ka tuloy tignan," aniya at humalakhak muli. I felt my blood boiled. Lalo akong nakaramdam ng inis ngunit wala akong masabi dahil napipi ako. Sa inis ko ay nasampal ko siya sa bibig. Nagtilian sila. Tumakbo ako palayo at agad sumunod si Nathalie. She called my name and made me stop pero hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang marating ang garden. Ibinagsak ko ang bag sa dumahan at napatili sa inis. "Juno, chill," maliit ang boses na saad niya. "Nakakainis ang mga babae na 'yon. Hindi sila makaintindi na hindi nila pwedeng landiin si Zeus because someone owns him already!" I shouted in so much frustration. "Sino ba talaga ang nagmamay-ari sa kaniya, Juno?" Nathalie gently pulled me so I can face her. She's eyeing me with so much concern. I gritted my teeth. "Sino pa ba? E'di si Hera!" "Pero bakit parang ikaw ang umaari sa kaniya?" she asked nervously. Natigilan ako. Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa kaniya. "Nawawala ka na, Juno. Alam mo, para ka ngang reyna sa mga kwento na nababasa ko at movie na napapanood. You are so composed. Prim and proper. Ang kilos ay pulido at formal. Taas-noo lagi, limitado ang emosyon at maganda ang tayo. Pero nawawala iyan kapag may kinalaman kay Zeus," aniya. Umiling ako. "Hindi mo siya kailangan diktahan, Juno. Wala ka dapat pakialam sa kaniya. Hayaan mo na siya. Lagi kang muntik na mapahamak, eh." Bigla ay niyakap niya ako. Hindi na talaga ako nakapagsalita. "Hayaan mo na si Zeus."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD