Tamed
"Tell me, Nat. Ano ang first impression mo sa akin?" I asked her.
Tumaas ang kilay niya. I just stared at her. Binilisan niya ang pagnguya at napatakip na sa bibig.
"Grabe, biglaan naman 'yan!" natatawa niyang saad at sumimsim sa kaniyang inumin.
"Just answer me," seryoso kong sabi.
Ibinaba niya ang juice at seryoso na tumitig sa akin. Medyo natulala pa siya na parang may inaalala.
"Three months na rin ang lumipas since the first day. Honestly, you look snob," aniya. My lips twitched. "Hmm, tapos mukha kang matapobre," dagdag pa niya.
"What?" marahas kong tanong, hindi matanggap iyon.
She awkwardly chuckled and showed her peace sign. "Sorry na. Eh, kasi naman! Iyong posture mo masyadong formal, taas-noo tapos pag tumitig ka, akala mo nangmamaliit ka ng kaharap mo!" she answered.
Napangiwi ako. "But I never did that. Tinuruan ako ni Mom na huwag maging matapobre," depensa ko.
She laughed and hit me. Kahit magkaharap kami at may mesa sa gitna ay naabot niya ako. Napangiwi ako sa hampas niya.
"Eh, 'yon talaga ang tingin ko. You look intimidating and unfriendly. Resting b***h face kasi. Pero alam ko na hindi ka gano'n kasi nakikilala na kita pero sure ako na 'yong mga hindi mo close, gano'n tingin. Grabe ka naman kasi tumitig!" she giggled.
Napatango ako at tinitigan ang pagkain ko. So that's the reason. But what can I do? Mukha ko na talaga 'to. I tried to reach out but they are turning me down. And some are even backstabbing me.
"Walang gawa ang grupo namin sa reporting mamaya," I opened.
Napaubo siya at nanlalaki ang mata.
"What!? Masungit si Mrs. Cayetano!"
I shook my head. "O iyon lang ang ipinaalam nila sa akin. I am giving them a chance, Nat. Gumawa ako ng report. Ready ang visual aid ko at ready rin ako sa explanation. Kung wala talagang gawa ang grupo namin, I got them. Ililigtas ko sila. But if they gonna betray me..." I gritted my teeth and smirked a bit. "hindi sila magtatagumpay," saad ko.
Natulala siya sa akin. "Juno..."
Napailing ako ulit. "I reached out, pero ang dami nilang rason. I even overheard them yesterday. Pero binibigyan ko pa rin sila ng chance. I didn't owe them anything but here, I am still being a person. Pero hindi ako magiging kawawa, Nathalie. I am a queen and I can stand for myself. This may sound petty, but it is betrayal for me if they try."
Tahimik kaming bumalik sa classroom. Hindi ako papayag na maging kawawa ako kung sakali. But I am still giving them the benefit of the doubt. Kung magkamali sila ngayon, hanggang doon na lang 'yon. Bahala sila.
Dumating ang teacher kaya tumayo kami para bumati. Sunod ay naghanda na ang bawat grupo. Taas-noo kong sinulyapan si Jack. He smiled a bit at me but I can see something on his eyes.
"Leaders, get one-fourth and write the name of your members. Ang mga walang gawa, huwag na magpasa. I don't need it," the teacher strictly said.
Nagsulat na sila. Tuwid akong naka-upo sa pwesto ko at kalmado. Pinanood ko ang paglapit ng leaders. Mrs. Cayetano read the names of the members. My lips twitched when I saw Jack stood with a paper on his hand. Hindi niya ako nilingon. Pag-abot niya sa teacher namin ay binasa na ito. He never glanced at me.
"Santos, Arevalo, Nave, Enrique..." she uttered. I waited for my surname but it never followed. Tumaas ang kilay niya. "Five members per group, 'di ba? Bakit apat lang 'to?" tanong niya.
Nilingon ako ni Nathalie at may kaba sa mukha niya. I confidently stood and walk towards her.
"Ma'am, here is my name," saad ko at inabot ang one-fourth ko.
Kumunot ang noo niya.
"This is not an individual activity. Saang grupo ka?" she asked and eyed me intently through her reading glasses.
"I am from Santos' group but I guess they don't want me there. Kaya gumawa na lang ako mag-isa," pormal kong sagot.
"What? Anong nangyari?"
Napatayo si Jack at napahakbang. I coldly stared at him and waited for his explanation.
"That's not true. She never coordinated with us!" kunot-noo niyang saad.
I pursed my lips and tucked some strands of my hair behind my ear.
"Oh, I didn't?" sarkastiko kong saad. "Did you forget how many times I approached you?" I calmly added.
"Ako ang lumapit sayo pero hindi ka namamansin. You look so high of yourse—"
Hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya. Yuck, he's a trash. Liar and insecure. Artista pala 'to. Ang babaw.
"Enough! Hindi ba pwede na ayusin niyo 'to?" kalmado na saad ni Maam. Nilingon niya si Jack at ako. "Sino ang may pagkukulang sa inyo?"
Akmang magsasalita si Jack ngunit tinaasan ko siya ng kilay. "Don't try to lie. Baka nakalimutan mo na ilang beses akong nagchat pero hindi mo pinansin. Nang nilapitan kita sa personal, sabi mo sa chat mag-usap. I adjusted for you, Mister. Huwag mo baliktarin ang sitwasyon," mahinahon kong saad.
Naisip ko tuloy kung grade seven ba talaga kami dahil ganito ang pinag-uusapan namin. It sounds petty but if you look closer at the root, it is something deep. May galit siya sa akin o ano.
Hindi siya nakasagot. I smirked a bit. Napakurap siya at mukhang nakabawi na.
"Hindi tayo friend kaya napunta sa message request. Hindi ko napansin," mahinahon niyang sabi pero kita ko naman ang pilit niyang tinatagong galit. Pilit na lang inililigtas ang sarili kasi hindi umaayon sa gusto niya ang nangyayari.
"But you are expecting for her message kaya dapat, you checked it," Ma'am said and shook her head. "Now, what are we gonna do to your group? Pwede naman ikaw na lang Miss Juno ang magreport para sa kanila tutal ay wala kang naitulong dahil sa insidente na 'to," she calmly said.
"No!" sagot ni Jack. "Pinaghirapan namin 'to at wala siyang naitulong. I will be the one to report and she's out of the group! Wala siyang gawa!" agresibo niyang saad.
I smirked secretly. Lumabas din ang tunay niyang goal.
Nilingon ko ang teacher namin. "Ako na lang mag-isa, Ma'am. I can do it and I am well prepared. Unfair nga naman sa grupo nila na naghirap. May sarili naman akong gawa and I can do it alone," saad ko.
Napabuntong-hininga si Ma'am at tumango na. Nagkatitigan kami ni Jack at kita ko talaga ang galit sa kaniya. Ano bang problema niya sa akin? Hindi ako plastic pero kaya ko i-adjust ang ugali ko para makisama. Iyon ang ginawa ko but then, he's a trash.
"Juno, parang malalim galit sayo no'n, ah?" bulong sa akin ni Nathalie habang may nagrereport na. I just shrugged.
The reporting went well. Ang petty lang kasi talaga no'n ni Jack. Magaling siya magsalita at magpaliwanag. Kaso nga lang medyo halata na memorized niya. Ano kaya ang rason niya? Siguro ay ayaw niyang masapawan ko siya. Wala naman akong plano na gano'n. I am just studying and duh, we are still grade seven. Ang layo pa ng aabutin. Competitive masyado.
I had the best visual presentation. Of course, I made it like how a queen will do it. I also confidently stood in front of them and reported the topic.
I feel so satisfied with my presentation and I even got the highest grade. Jack got furious but he's trying to be calm. Grabe, malalim yata talaga ang dahilan niya. Wala naman akong pake. Ito dapat ang pinaghandaan niya sa pagsubok niya sa akin. I will never give them the satisfaction. Mapahihiya lang sila sa sarili nilang kagagawan.
"Grabe, ang galing mo talaga. Threatened yata sayo si Jack. Valedictorian 'yon dati, eh," aniya habang naglalakad kami.
Napangisi naman ako at napailing. "What? He was a valedictorian when he was elementary? As if it will remain forever. Things changes. Imbes na i-sabotage niya ako na nakikita niyang threat, bakit 'di siya mas mag-aral pa? Gosh, just because of the grades gano'n na siya. And note, grade seven pa lang tayo," hindi ko mapigilan sabihin.
I am so frustrated with his mindset. Ang bata pa namin pero gano'n na ginagawa niya dahil sa sariling mga kagustuhan.
"Kaya nga. Gets ko naman na may mga taong competitive talaga pero dapat hindi aabot sa punto na sisirain no'n ang character mo. Hindi ka matutulungan ng grades sa problema, tao ang mas makatutulong sayo. Grabe si Jack, nalulong yata sa grades. Nababaliw na..." natatawang saad niya.
I stopped her and shook my head again. "Hayaan na natin. He was wrong but I think he has a deep reason. Wala akong pake sa kahit anong gagawin niya dahil handa naman ako lagi. Let's stop judging his personality na lang."
Bumili kami ng pagkain at naghanap ng pwesto. Nathalie keep on talking at ako naman ay nakikinig. Pag-angat ko ng tingin ay napansin ko ang pamilyar na mukha ng babae. Kinalabit ko si Nathalie at itinuro iyon.
"What's her name?" I asked her. Marami kasi siyang alam.
Bahagyang nanlaki ang mata niya bago ngumiti. "That is Heraline Lexi Aquino. She's an ABM grade twelve student. Ang ganda niya 'no? She's a role model kasi mahinhin, maganda, at achiever din. And marami talaga ang naglo-look up sa kaniya lalo na kasama siya lagi nina Zeus," aniya.
Nang mabanggit niya iyon ay lalo akong naging interesado. "Really? Girlfriend siya ni Zeus?" tanong ko.
She shook her head and stared at me with her wide eyes. Halos magdikit ang mukha namin sa pagbubulungan.
"More on bestfriend siya ng tatlo, pero higit kay Zeus. Halata naman na may gusto siya sa lalake na 'yon, but knowing Zeus he's..." natigilan siya at nag-aalangan na napatitig sa akin.
I grinned. "Imposible na hindi mahulog si Zeus sa kaniya. She will be the way para hindi matuloy ang engagement naming dalawa," tuwang-tuwa na saad ko at pinagmasdan ang babae na naglalakad na paalis matapos bumili.
She really looks sophisticated. I saw how girls and boys stared at her in awe. She's pretty and full of class.
"What!? Oh my gosh! Ano ang sabi mo, Juno Medalyana Ambrosio!?" halos isigaw iyon ni Nathalie at napatayo pa siya.
Nanlaki ang mata ko nang bahagya dahil sa reaksyon niya. Ang iba ay napatingin sa amin. Namula siya at nahihiyang umupo pero nanlalaki ang mata habang inilalapit ang mukha sa akin.
"Ano? Anong engagement niyong dalawa? Ni Zeus?" she eagerly asked through a whisper.
I sighed and licked my lips. "Yeah," sagot ko.
Nasabi ko pala nang hindi sinasadya. Pero wala namang problema dahil kaibigan ko naman si Nathalie and she's trustworthy.
"What? Paano? Arranged marriage, gano'n?"
I nodded a bit. "Parang gano'n na nga," sagot ko.
"What? Sino ka ba talaga? Siyempre super yaman sila at kung arranged marriage, dapat mayaman din. You are an Ambrosio... teka—Oh my gosh!"
Napasigaw na naman siya at napatayo. She embarrassed herself for the second time. I rolled my eyes and watched her calming herself. Hinugot niya ang kaniyang cellphone.
"Omg, don't tell me..." she whispered while typing aggresively.
Ilang segundo ang nakalipas ay iniharap niya ang screen ng cellphone niya sa akin. She searched for my surname at ang unang-una na lumabas ay si Haring Solomon Ambrosio.
"Papa mo?" nanlalaki ang mata niya.
My lips twitched before nodding. Malaki naman ang tiwala ko sa kaniya lalo na siya lang ang kaibigan ko.
She gasped for air. Napapaypay siya sa sarili at hindi makapaniwala. Tumutok siya sa phone at nasa mukha pa rin ang pagkabigla.
"Grabe!" she shouted. "Anak ka ng ruthless business tycoon na si Haring Solomon. Owner of hotels na hindi lang dito sa Pilipinas meron, pati sa ibang bansa na kilalang-kilala rin," bulong-bulong niya habang nagbabasa. "Five years ago nagpatayo siya ng bagong hotel na ang pangalan ay Queen Juno. Oh my gosh! Sayo 'yon na nakapangalan!"
I pursed my lips and just nodded. Pinatayo niya 'yon nang malaman na may anak pala siya. Gano'n bumawi ang big time na si Dad. Kaso redundant ang pangalan kasi kahit Juno lang, it's already very queenly. Hindi na kailangan ilagay ang title sa unahan.
"So you are his secret daughter and my gosh, ipinagkasundo kayo ni Zeus!? As in Zephan Adolphus Marques! Sabagay, nakita ko sa article na bestfriend sila ni Gideon Adolfo Marquez. Grabe!"
Kumain lang ako at hinayaan siya na kumalma. Ang tagal ng mga litanya niya, hindi pa rin makapaniwala. Akala mo baliw sa harap ko. Hindi siya mapalagay sa pagkabigla. She tried to calm herself but she can't.
"Ha!" she breathed hard. "Grabeng revelation," aniya at napailing. Ngayon ay medyo composed na siya. "So ayon nga..." she tried again, pero nauuwi sa tili-tili niya.
Nangalumbaba na lang ako at pinagmasdan siya na nababaliw na. Napalinga ako nang may marinig na tilian. Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang dalawang babae na mukhang nag-aaway. I sighed in disappointment. Mukha na silang mga senior high. Wala kasing pagkakaiba ang I.D lace ng junior high at senior high kaya hindi ko alam pero base sa pananamit nila ay senior na sila.
Sinulyapan ko si Nathalie ngunit napasulyap muli sa mga nag-aaway nang makita na nagsasabunutan na. Tumaas ang kilay ko at pinagkrus ang mga braso habang pinapanood sila. Lalo yatang tumaas ang kilay ko nang makita ang tatlo roon. Walang umaawat kanina pero ngayon ay si Zeus ang pumipigil sa kanila.
Napatayo ako at naglakad nang dahan-dahan palapit doon. I am just curious.
"Malandi ka!" I heard one of the girls shouted while tugging the other girl's hair.
"Mas malandi ka!"
Napangiwi ako. That's painful. Never pa ako nadawit sa catfight pero sigurado ako na masakit 'yan. May kasamang sampal, kalmot, at sabunot. Really? Inside the campus?
Napasulyap ako sa mga nakikiusyuso. Nilapitan ko ang nag-iisang senior sa tabi saka siya kinalabit.
"Ano pinag-aawayan nila?" tanong ko at sinulyapan ulit ang dalawang babae.
Nasa gitna si Zeus at hirap na hirap paghiwalayin ang dalawa. Mukhang tanga.
"A-ah..." the guy stuttered and his cheeks reddened. "Si Marques ang pinag-aawayan nila," nahihiya niyang saad.
I pursed my lips in disgust. Bumaba talaga sila sa ganiyang level dahil lang sa lalake na 'yan? Nag-aaway dahil kay Zeus? Siguro kalandian niya ang dalawang 'to at sabay pa siguro. Eww.
"Stop!" seryosong saad ni Zeus habang umiigting ang panga.
I noticed the scratches on his hands up to his arm. Mukhang nadamay siya nang 'di sinasadya. Napaghiwalay na ang babae na ngayon ay parehong pulang-pula at ang papangit ng hitsura. Napalabi ako at napailing. Nagkatitigan kami ni Zeus ngunit umiwas siya ng tingin at nagwalk-out.
"Anong nangyari?!" tanong ni Nathalie na kararating lang.
Umiling ako at halos tumakbo paalis. Binalikan ko ang bag namin at agad na tumakbo para hanapin siya.
"Teka!" I heard Nat shouted.
Nakita ko ang papalayo na bulto ni Zeus at lumiko siya papunta sa isang building. Sinundan ko siya at nang kaunti na lang ang pagitan namin ay binuksan ko ang bag ko para kunin ang maliit na first aid kit. Si Mom ang naglalagay nito in case of emergency tapos may mga gamot ako in case of allergy reaction, gamit kapag hinika, para sa lagnat, band aids, at kung anu-ano pa.
Lumiko ulit siya at sumunod ako. Tatawagin ko sana siya ngunit natigilan nang makita ang nangyayari. Napaatras ako nang bahagya upang hindi makita.
"What happened?" Hera asked and checked his scratches.
May malalalim at nagdurugo ang iba. Seryoso ang mukha ni Zeus na umiling. I saw his jaw clenched. Nagtago ako sa may pader at pinagmasdan silang dalawa.
"Halika, sa clinic tayo," she softly said.
Humigpit ang hawak ko sa first aid kit ko. Nakita ko kung paano haplusin ni Hera ang mga sugat at tinignan tapos hinipan. Anong ginagawa niya?
"Juno!" Nat shouted while running.
Nanlaki ang mata ko at napaatras saka marahas na nilingon si Nat. Humihingal siya at inilagay ang dalawang kamay sa kaniyang mga tuhod habang naghahabol ng hininga.
"Ano bang—"
Inilagay ko ang daliri sa may labi para pigilan siya. Pero huli na. I felt a presence behind me.
"What are you doing here?" his irritating voice asked.
Napangiwi ako at hinarap siya. Inilagay ko sa likod ang dala ko saka siyan tinignan. Tumabi sa kaniya si Hera at napansin ko ang tangkad nilang dalawa. Umabot ang babae sa may tenga niya. With her tall and slender body, she can be a model.
"A-ah..." simula ko at naghanap ng sasabihin.
"Zeus," Hera tugged his arm.
Nanatilig nakatitig sa akin si Zeus at tumaas ang kilay. Humigpit ang hawak ko sa dala ko.
"Gagamu—"
"Tara na Zeus. Gagamutin na kita," pilit siyang hinila ni Hera kaya nawala ang atensyon niya sa akin.
I pursed my lips. Umatras na ako at umiwas ng tingin. Tinalikuran ko sila.
"Bumalik ka na sa building mo," rinig kong sinabi ni Zeus at narinig ko na ang pag-alis nila.
Hmp, kahit 'di niya sabihin babalik talaga ako!
Tahimik akong nagsimulang maglakad paalis. Tumabi sa akin si Nathalie at naramdaman ko ang titig niya sa dala ko.
"May first aid kit ka pala. Always ready, ah! Para kang si Dora," aniya at humagikhik.
Hindi muna ako umimik at nag-isip. Then I sighed.
"I noticed the difference of his stares," saad ko.
"Huh?" litong saad ni Nathalie.
"Iba ang titig niya kay Hera. Kapag sa mga kung sino lang mayabang siya at arogante ang dating. Presko, gano'n. But when it comes to Hera, he looks tamed, Nathalie. Tama talaga ang naiisip ko," sagot ko.
"So you think..."
Tumango ako. "Iba ang turing niya sa kaniya."
"Magreresearch ako tungkol diyan. Pero ano ba ang naiisip mo?" tanong niya.
Tinignan ko ang tinatahak naming daan pabalik sa aming building.
"Ayoko na ma-engage kami. So he needs to focus to the lady he likes para maging against din siya roon at hindi na 'yon matuloy," sagot ko.
"And?"
"And that lady is Hera. Kahit naman ayaw ko kay Zeus, sa tingin ko ay nababagay sa kaniya si Hera. Kailangan ang maipakilala niya sa parents niya ay ang kind of girl na may dating. So his parents will accept her immediately and papayag na hindi matuloy ang engagement," saad ko at unti-unting napangiti.
I am a big catch at ang dapat ipapalit sa akin ay gano'n din. At si Hera lang ang nakikita ko na pwede na. Plus the fact that in greek mythology, Zeus was Hera's husband.