Soft
Mabigat ang loob ko nang umupo siya sa may tapat ko. Lumipat pa talaga si Tito Adan para tapat kami ng upuan. Tila hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa akin but he smiled a bit.
"What do you mean, Dad?" tanong ko nang makabawi.
Halakhak lang ang isinagot ni Dad at si Tito Adolfo ay natatawa rin at umiiling. Tita Soledad was staring at me with a smile on her lips. Si Mom ay nakangiti rin. Parang may mga alam sila na hindi ko alam.
"Let's eat!" saad ni Mom.
Kumilos si Dad at nilagyan ng pagkain ang plato ni Mom. While my mother put food on my plate. Nagsimula na kaming kumain at paminsan-minsan na nag-uusap sina Dad.
"Siya ang anak mo, Tito Solomon?" Zeus asked.
Napasimangot ako nang marinig ang boses niya. Nang magkatitigan kami ay napangisi siya sa reaksyon ko.
"Oh, yes, Zeus. What do you think of my little queen?" Dad asked with confidence on his voice.
Inabot ko ang baso ko na may tubig at sumimsim doon. Siya ang anak ni Tita Soledad at Tito Adolfo? Hindi halata sa kilos. Pero kung sa mukha, they have a lot of resemblance. Sa tindig pa lang niya na katulad kay Tito Adolfo. It shouts authority and masculinity.
"I already saw her on the school," he uttered.
Hindi ko na siya pinansin at tumutok sa pagkain.
I didn't know that this annoyance is possible! Alam ko na mabilis ako mairita, but not to this extent. Wala pa siyang ginagawa sa akin pero naiinis na ako sa presensya niya. I don't like him. Gusto ko pagalitan ang sarili dahil sa kasamaan na 'to pero wala rin naman ako magawa kasi natural kong nararamdaman.
"How? Hindi ba medyo malayo ang building ng senior high sa junior high?" Tita Soledad asked.
"Ah, we met at canteen. Maaga ang break namin kanina."
Atsaka nambabae po siya, Tita.
Gusto ko sabihin pero pinigilan ko ang sarili. Maybe his parents don't know anything about his deeds. Teka, ano ba ang mga ginagawa niya? I am sure he's babaero or maybe I am wrong. He's just friendly?
I don't care!
"Nagkakilala na ba kayo?" Mom asked.
Napaismid ako at tumuwid ng upo.
"Ye—" I cut him off.
"Nilapitan niya ako at tinanong ang grade level ko. I don't know why but it feels like he's going to bully me," saad ko.
Natulala sila sa biglang pagsalita ko. Zeus smirked while staring at me. Dad awkwardly laughed until it became a really happy laugh. Pati si Mom ay gano'n din.
"Zeus..." marahan na tawag sa kaniya ni Tita Soledad at hinawakan ang anak. "Are you a bully in your school?" she asked.
Agad na umiling si Zeus, natatawa. His eyes are expressive and I hate it with no apparent reason. Lahat yata sa kaniya ay ayoko. Sumulyap siya sa akin at ngumisi. Lalo akong nainis.
"No, Mama. I just approached her 'coz I was curiou—"
"I knew it!" Dad laughed again. Sumabay si Tito Adolfo. They gave each other a knowing look. "My daughter caught your attention!" tuwang-tuwa na saad ni Dad.
Napasimangot ako. Zeus chuckled. Hindi ko na alam ang ibang ekspresyon niya dahil yumuko na ako at tumutok sa pagkain. Nakakainis talaga!
Naging iba ang topic nang may tinanong si Tito Adan. Hindi naman ako sumabat. I just focused on my food. While Zeus, he has some knowledge about business. Nakasasali siya sa usapan. He sounds confident and articulate about it.
"Anak..." bulong ni Mom at hinawakan ako sa kamay. Nilingon ko siya. "Please get the dessert on the kitchen," aniya.
I nodded and stood. Napatingin sila sa akin. Hindi na ako umimik at tahimik na umalis doon patungo sa kusina. I heard Dad talked but it became inaudible as I walk away.
"Lara, Mom told me to get the dessert," saad ko sa assistant ni Dad na naroon.
Agad siyang tumalima at inihanda iyon. I felt a presence behind me. Maiisip ko sana na maid iyon pero kumukulo ang dugo ko. Napasimangot ako nang mapagtanto na sa sandaling panahon, kilala na agad siya ng senses ko. Kahit nasa likod ko siya ay ramdam ko ang kakaibang iritasyon. Oh my gosh! What is my problem?
"Tulungan na kita," his baritone voice filled my ear.
Hindi ako umimik pero si Lara ay binigay kay Zeus ang tray na naglalaman ng mga gagamitin para sa dessert at nasa akin ang pagkain. Walang imik ko siyang nilampasan at ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin. Pagdating sa may dining table ay naabutan pa namin ang pagligpit ng mga maid.
"Doon daw po sa may swimming pool area..." saad ng isa sa maid.
Tumango ako at naglakad na patungo roon. Sa tabi ng malawak na swimming pool namin ay may malaking pavilion at doon namin sila nakita, masayang nag-uusap. Inilapag ko ang dessert sa ibabaw ng mesa na nasa gitna. Mom smiled at me and glanced at the person behind me.
"Thank you for helping Juno, Zeus," she softly said.
"No problem, Tita," malalim ang boses na sagot niya.
Umupo ako sa gitna nina Mom and Dad. Sa harap namin sila. Hindi ko napansin si Tito Adan, siguro ay umuwi na.
"Si Uncle?" I heard Zeus asked.
"He already left. Emergency meeting."
Tinulungan ko si Mom sa pagserve ng leche flan. Sabi nila ay favorite nila ito ni Tita Soledad noon pa man. They are bestfriends since they were young.
"I will really choose leche flan over hundreds of desserts," saad ni Tita Soledad.
Mom laughed. "Remember Manang Celia. She makes the best leche flan. I wish she's still alive. Namiss ko siya... siya mismo, bigla," Mom said.
Nag-usap sila tungkol doon at ako naman ay tahimik lang na nagfocus sa pagkain. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin nang maramdaman na may nakatitig sa akin. My brow automatically raised when I saw him staring at me intently. Akala ko ay maiilang siya ngunit tumitig lang siya sa akin. He even tilted his head a bit to stare at me better. Sinimangutan ko siya.
"So let's talk about the main agenda of this night!" saad ni Dad. Tito Adolfo laughed. Natigil na rin sina Mom and Tita Soledad.
I focused on my food and savored the delish dessert. I think this is my favorite, too. Madalas ko na 'to nakakain noong bata pa ako. Our Filipino neighbors are so delighted kapag binibigyan sila ni Mom ng ganito.
"Kailan mo balak ipakilala si Juno, Mon?" Tita Soledad asked.
I pouted while staring at my food. I don't like it because for sure, it will be a grand party. I don't like socializing that much. I will be required to talk to a lot of people. Maybe hundreds of them. Just thinking of it, I am already drained.
I heard a chuckle. Napasimangot ako at sinulyapan si Zeus. Umiwas siya ng tingin at kina Dad nagfocus.
"I am still making sure about their security. Pero hindi lang 'yon. Habang bata pa siya ay gusto ko rin kasi na private muna ang buhay niya. Maybe when she turns eighteen," he said.
Mom nodded. "Pwede ng isabay ang..." sumulyap siya sa akin at ngumiti.
"Yes. The engagement party will be held that time, too," saad ni Dad.
Napatango naman si Tito Adolfo at napangiti. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan sila. What are they talking about?
"Engagement, Papa?" Zeus asked. Naitanong niya ang eksaktong tanong ko.
Tito Adolfo nodded and smiled at his son.
"Kayo na ang pinagkasundo, hindi pa man 'to ipinanganganak si Juno," saad niya at sumulyap sa akin.
My eyes widened when I realized it. What?
"And it's better. I don't think I can let my little queen marry any other guy than you, Zeus. It's practical and I am sure about you," Dad confidently said.
"Dad," mahinahon kong tawag sa kaniya. Nilingon niya ako at inakbayan.
"My little queen, you are bound to marry, Zephan."
Napailing ako at nagkatitigan kami ni Zeus. He looks serious now. Wala na ang aroganteng ngisi niya at ang pilyong titig. Tila malalim din ang iniisip.
"I am too youn—"
"Hindi naman agad-agad anak, of course not..." saad ni Mom na tila sapat iyon para mapawi ano man ang naiisip ko.
I can't accept this. I am just twelve years old. At hindi pa ako pinapanganak ay planado na nila ang tadhana ko? And isn't this traditional?
"Yes, you are still young. Kaya maaga na pinapaalam sa inyo. So it will not just be a pragmatic marriage. Feelings can develop over time. Marami pang taon ang lilipas," confident na saad ni Dad.
Tita Soledad stared at me gently. Siya lang yata ang may pake sa side ko.
"Don't be too pressured, Juno and Zeus. Matagal pa naman iyon. Things may change," she said knowingly.
Pwede ba magbago ang desisyon na 'to?
"Paano siya?" tanong ko at tinuro si Zeus. I want to tell them that I hate that guy and he's pangit for me pero ayoko mainsulto si Tita Soledad. "Maybe he has a girlfriend," saad ko.
For sure! Babaero kaya siya.
"Anak?" Tita Soledad asked. Lahat na ay napabaling sa kaniya.
"I don't have a girlfriend," seryoso niyang saad. Napataas ako ng kilay. And? Iyon lang? No more conviction? What?
Wala na siyang idinugtong at tahimik lang. Oh my gosh! I am just twelve and what if I found my king in the future tapos hindi na pwede dahil lang sa kasunduan na 'to?
Hindi na ako nakaimik at napaisip na lang. Seryoso ba sila? Tita Soledad and Mom are neutral while Tito Adolfo with my own Dad are pro to it. This is betrayal.
I kept myself composed. I shouldn't look bothered, just like him. For sure he's also thinking a way out of this. Tama, matagal pa naman. We can do something about this. Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala. We just met earlier and then this night, biglang ganito na? Masyadong mabilis!
Pinanood namin ang paglabas ng kotse nila sa gate ng mansion namin. Nakaakbay sa akin at kay Mom si Dad nang naglakad kami papasok sa loob.
"Dad, seryoso po ba 'yon?" tanong ko.
He laughed. "Of course, Juno. Don't think too much about it," aniya.
I bit my lips and glanced at him. Mom was just silent, thinking.
"Can't I say no?" I asked.
"My little queen," he uttered with his light voice. He eyed me intently with smile on his lips. "Don't talk too soon. Matagal pa ang panahon. For sure, the two of you would eventually fall for each other. Zeus is a fine man. Responsable na at naaasahan sa kompanya nila. He's already working at the lowest position."
I want to say that he makes my blood boil without doing anything. Nakakainis!
"He's good looking and—" napaismid ako at ngumuso. My Dad is really giving me away.
"Sol, stop it. It's been a long night. Let our queen rest," Mom gently said and hold my hand.
Sinamahan ako ni Mom hanggang sa kwarto ko. She even waited for me to finish cleaning myself and change into my pajamas. Pero umalis din pala siya at mabilis na nag-asikaso sa sarili dahil pagbalik ko ay nakasuot na siya ng kaniyang night dress.
"Sit here, Juno," she said and tapped the space in front of her.
Sinunod ko 'yon. Marahan niyang sinuklay ang mahaba kong buhok. It is our usual bonding at night. Kahit noong kaming dalawa pa lang noon sa ibang bansa. Sa gabi ay susuklayan niya ako ng buhok at mag-uusap kami tungkol sa kung anu-ano.
"Mom, sure po talaga 'yon?"
I heard her sigh. She continued brushing my hair.
"Don't you like it?" she asked.
"Ayaw ko, Mom."
She sighed again and stopped. Marahan niya akong niyakap mula sa likod. It made me feel comfortable and warm as usual.
"Don't worry about it, too much, Juno. You're still twelve. Sa ngayon, go with the flow lang anak. Marami pa ang mangyayari. Stay calm and composed. Kalimutan mo muna iyon," she softly said.
I nodded a bit. Natulala ako ngunit napakurap din dahil hindi mapalagay. Hindi ko yata iyon kaya. Kahit wala pa naman talagang nangyayari na may kinalaman doon, pakiramdam ko ay may invisible ng tali sa akin.
"Hayaan mo muna ang Dad mo pati ang iyong Tito Adolfo. Mga kabaliwan lang nila 'yan. At the end, nasa inyo pa rin ang desisyon. For now, focus on your study, alright?" she asked and softly kissed my cheeks.
I nodded again. Nagpatuloy siya sa pagsuklay sa buhok ko. Bago siya umalis ay hinalikan niya ako at pinatulog. But then I remembered the group activity. I checked my messenger. Wala pa ring group chat.
I searched for Jack's name, iyong nagsuggest kanina na gagawa na lang ng gc saka siya iniwanan ng message. Just to remind him. Though we have a class tomorrow naman.
Mabilis ako nakatulog. Kinabukasan, nang magising ako ay bumungad agad sa akin ang mga paalala ni Dad kung ano ako para sa kanila. My room was designed like it is for a queen. May apat na haligi ang queen-sized bed ko at may mga harang na kulay ginto na see-through na tela sa paligid. Each furniture here in my room is designed intricately. Bawat gamit ko yata rito ay may tatak ng korona. Dad is very passionate about me, as a queen. That's why even at the young age, I know my worth.
But of course, I still have insecurities...
"Ginagawa ko na ang sinabi mo, Jack. Ano ba ang design ng visual aid natin?" I heard one of my groupmate said.
Ang lakas ng boses niya at pasigaw kaya kahit nasa labas pa ako ay narinig ko.
Sinabi ni Jack? But I don't know anything about it. May group chat na sila?
"Kahit ano, ikaw na bahala. Ako na ang bahala sa reporting no'n bukas," saad ni Jack.
I felt a strong feeling inside me. So they are doing it behind me? Kinuyom ko ang kamao. I composed myself and inhaled sharply. Nang ready na ako ay taas-noo akong pumasok na parang walang narinig. Nakita ko na natahimik si Jack nang makita ako. I smiled a bit at him.
"I messaged you last night. Kailan tayo gagawa?" pormal kong tanong.
Napaiwas siya ng tingin. "Ah, I will message you later about it," aniya.
I smiled again and nodded. Then I turned away and walked towards my seat confidently. So they are really making me a fool. But I won't be. Ano nga ba ang ginawa ko sa kanila at ganito sila sa akin? Wow, they are so pathetic and trash. Mabuti na lang, I didn't made them as my kaibigan. I really don't need a lot of friends!
Huh! For sure they are insecure or threatened about me. Damn this. Ang papangit na nga ng mukha, sumabay pa ang ugali.
"Juno!" Nathalie excitedly called my name as she walk towards me. "Good morning!" aniya at humalik sa pisngi ko.
"Good morning," sagot ko at hinayaan siya na umupo sa tabi ko.
"Guess what I learned! I researched about Zeus, Poseidon and Evandro. My gosh, ang yaman pala nila. Si Evandro galing din sa old rich family, may malalawak na lupain gano'n. Si Poseidon naman, naghahari ang pamilya nila sa karagatan. I mean, ang negosyo nila mga barko, gano'n. While Zeus, he's not just an aspiring pilot. He will own a whole international airline soon!" amaze na amaze na saad niya.
Tahimik lang ako na nakikinig. Siyempre alam ko na ang kay Zeus. I heard about it last night at nagkaroon na ako ng idea.
"Oy, 'di ba, grabe? Oh my gosh. Ang yaman nila sobra. Alam siguro nang marami kaya ginalang din sila. Oh my gosh, I can't believe it! Kahapon lang ako nacurious sa kanila nang tuluyan. They are not just faces!" hindi pa rin siya makapaniwala.
"Eh, 'yong ugali naman," matabang kong saad.
"Well, hindi naman nakabibigla na maraming nahuhumaling sa kanila. Halos pareho lang si Poseidon at Zeus pero kasi..." lumiit ang boses niya at alanganin na tumitig sa akin. "Mas matinik si Zeus," bulong niya.
"Sabi ko na nga ba!" komento ko.
Nanlalaki ang mata niya. Nakagat ko ang labi at umismid.
"But he never had a serious relationship naman. Ilang araw lang, gano'n. Fling," aniya.
"At maganda ba 'yon? Hindi dahil gwapo siya para sayo, okay na ang gano'n. That's—"
She cut me off.
"Ibig sabihin lang no'n, hindi pa kasi siya naiinlove tap—"
Hindi na rin niya natuloy ang sasabihin dahil dumating na ang teacher. Nangalumbaba ako at napaisip. Mom told me not to worry about this but I can't stop myself. Hindi talaga ako mapalagay. I am just twelve at ganito na ang problema ko? Well, si Dad kasi.
Pero kung babaero nga si Zeus, for sure ay ayaw no'n na matali nang maaga. Though, six years pa before we will be officially engaged...
Hindi na ako papayag na umabot pa sa gano'n. Sigurado din ako na ayaw niya rin 'yon. A guy like him would never be contented to one girl. He would just play around at ayoko ng gano'n. My name will be tainted.
I need to do something.
Nauna ako lumabas para sa breaktime dahil sa rule ng teacher. Once na tapos na kasi sa activity ay pwede ng lumabas. Hihintayin ko na lang si Nathalie sa canteen.
Naglalakad ako papunta roon nang makita ko si Zeus. Napapalibutan siya ng mga babae at tuwang-tuwa siya sa atensyon na nakukuha. Ang dalawa nga ay akbay pa niya sa kaniyang magkabilang gilid. Nagsalubong ang tingin namin pero umiwas na agad ako. But he has a plan. Hinabol niya ako at tumigil sa harap ko. I crossed my arms and raised my brow.
"What?" tanong ko.
He smirked. Iyon ang lagi niyang ginagawa na parang vital na sa kaniya iyon at nakakainis talaga ang hitsura niya.
"Ang sungit mo naman," aniya habang nakangisi.
I rolled my eyes, saka humakbang para umalis na ngunit humarang siya. I gritted my teeth and glared at him. He innocently stared at me. Ang init ng dugo ko sa kaniya.
"Ano ba?" iritable kong tanong.
Siguro may mga tao talaga na kahit walang gawin na masama sa atin ay kaiinisan natin.
"About the engagement..." panimula niya.
I rolled my eyes again.
"Of course ayaw ko no'n!" saad ko.
He smirked. "Ayaw ko rin no'n lalo na ang sungit-sungit mong bata ka," natatawang saad niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. He just cooly stared at me. His amber eyes look amused. Matangkad siya at hanggang sa may dibdib lang niya ang eye level ko. Ngayon, mukha siguro kaming mag-kuya na nag-aaway.
"Mas ayaw ko kasi ang tanda mo," saad ko.
His smirk vanished. Tumuwid siya ng tayo at mas lalong nadepina ang difference sa tangkad namin. I am kind of intimidated but I remained still on my spot. Hindi ko iyon ipapakita.
"If that's the case, madadagdagan pa naman ang eda—"
"And you are still older than me!" pang-aasar ko. I smirked a bit. "Masyadong malayo ang agwat. Five or six?"
"Ayaw ko rin naman sa immature," bawi niya at ngumisi na tila nakabawi.
"I am immature because I am just twelve. Watch how I'll be matured. Samantalang ikaw, matanda na pero parang ka-edad ko lang ang ugali."
He clenched his jaw and stepped forward. Napaatras ako lalo na nang yumuko siya.
"Bakit parang inis na inis ka sa akin?" mariin niyang bulong.
Hindi na siya mukhang mapaglaro. He looks so serious and I feel kinda scared. Kaunti lang naman. Because he's tall and way bigger than me. And he's ugly. Messy hair pa siya at may isang itim na hikaw sa kanan na tenga. Ang pangit talaga!
I composed myself and pursed my lips. I tried hard to look unbothered. "Wala kang paki—"
"Zephan!" I heard a soft voice called him.
Nanatili siya na nakatitig sa akin nang mariin habang nakayuko. Napaatras ako muli nang may matangkad na babae na tumabi sa kaniya. The girl looks so feminine and soft. Kumpara sa mga kasama niyang babae kanina ay may class ang dating nito.
"Nambubully ka ba?" she softly asked and held his arm.
I saw how soft her touch was. Sa lambing yata noon ay napatuwid si Zeus at sinulyapan ang babae. As I stare at them, I realized that they look good.
Zeus looks strong and rough with his physique. While the woman looks sophisticated and soft.
"Hindi, Hera," sagot niya bago sumulyap sa akin.
My eyes widened. Hera ang pangalan niya?
Ang pagkabaliw ko sa greek mythology ay nangibabaw sa akin. Omg, they are for each other! Hera and Zeus!
Sumulyap sa akin ang babae. Even her details look soft. She looks so fragile and feminine. Her round eyes are gently staring at me. Her pink lips are parted. She's slender and has a creamy white skin. Mas litaw iyon dahil sa maalon niyang itim na buhok. Mas maputi lang ako sa kaniya at mamula-mula kasi ako. But then, why am I comparing myself to her? Hindi dapat dahil malayo ang aura namin.
"Inaway ka ba niya?" she softly asked to me.
I shook my head. Walang sabi na tinalikuran ko sila at naglakad palayo.
Compare to his cheap girls, that Hera suits for him. Pati na rin sa pangalan. Girlfriend niya ba 'yon o fling? Hmm, may naiisip ako.