Irritation
Sa America ako ipinanganak. Doon ako lumaki hanggang eleven years old ako. We have a complicated family. Hindi okay sina Mom and Dad. He didn't even know that he has a daughter until I aged seven. Kahit gano'n, lumaki naman ako nang maayos dahil na rin kay Mom at sa mga pinoy na kapitbahay namin doon. Lumaki man sa America ay nasanay pa rin ako sa kultura ng Pilipinas dahil napapalibutan ako ng mga pinoy roon.
Nakilala ko siya nang seven ako pero hindi niya kami nakuha agad. I didn't know why. I just thought that maybe, because of Mom or whatever. Kaya bumibisita lagi sa amin si Dad para makasama kami. Then we flew back here in the Philipines when I was eleven. Tinapos lang ang aking klase. Twelve na ako nang pumasok ako sa seventh grade and I am really thankful na mas nasanay ako sa wikang Filipino kaysa sa English lalo na rin dahil sa environment ko. Hindi rin ako masyado naculture shock but then, school here is different compare to the school in America. Pero nakasabay naman ako.
It was hard to gain friends for me because I am not really good at socializing. Kaya nang lumapit sa akin noon si Nathalie ay pinilit ko na hindi maging awkward. I tried to be warm as hard as I can. Pero mahirap.
"Stop that, Juno!" natatawa niyang saad.
Tumaas ang kilay ko. Nang maisip na baka mukhang mataray ako ay binaba ko iyon at ngumiti.
"Alin?"
She giggled and rolled her eyes. She's very jolly and talkative. Honestly, it's draining but I want to have a friend. Kahit isa lang at siya ang nakikita ko na pwede kong maging kaibigan. But I might lose her because of my attitude.
"You're forcing yourself to smile lagi. Ang pangit," aniya.
Kumunot ang noo ko. She smiled a bit and tapped me on my shoulder.
"I am your friend. No need to pretend around me. Noong una pa lang alam ko na hindi ka palangiti at tahimik ka. Our classmates and schoolmates are intimidated to you. Lalo na kasi you have a resting b***h face. And it's weird to always see your pilit na ngiti," saad niya at tumawa muli.
I smiled a bit and nodded. She smirked when she saw my expression. She's really a friend then.
Magsasalita sana ako nang napunta sa iba ang atensyon niya. Bigla ay hindi siya mapalagay sa upuan niya. Umuuga tuloy ang mesa namin.
"Nathalie!" saway ko nang muntik matapon ang juice namin.
She glanced at me with wide eyes and hit me on my shoulder. One thing about her that irritates me. Palahampas siya kapag emotional.
"Kasi naman. Ang seniors, oh?" bulong niya at may itinuro. Hinawi niya ang kulot na buhok at kilig na kilig.
Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya at nakita ang tatlong lalake na naglalakad. Mga matatangkad sila at siguro ay mahitsura. Tumaas ang kilay ko nang makita ang nasa gitna na may ngisi sa labi habang ang mga babae ay nagkakagulo sa pagbati sa kaniya.
"Ano ngayon?" I asked and glanced at Nathalie. Tutok na tutok pa rin siya roon.
"Grade twelve pa lang mga 'yan pero ang mga height akala mo last years na sa college. Tapos ang gwapo pa sobra!" saad niya.
Nagkibit-balikat ako. Sanay na ako makakita ng matatangkad at gwapo. Maraming gano'n sa America at nakasasawa rin. Kaya hindi na ako namamangha sa mga ganiyan.
"Juno! Dali! Look at them!" saad niya.
Napasimangot ako ngunit nag-angat ng tingin. Palapit na ang mga 'to sa pwesto namin. Madaraanan naman kasi kami.
"Iyong blue eyes ay si Poseidon. Look, super gwapo," aniya at humagikhik.
I eyed the guy and true to her words, he's gwapo. Kaso wala na lang sa akin. With his fair skin, pair of blue eyes, and dark hair, sawa na ako sa ganiyan.
"Sayang, may sarili kasing mundo si Hades. Kung sumama siya sa kanila tapos sila ang big three, perfect," bulong-bulong niya.
"Huh? May Hades?" tanong ko nang maagaw ang aking atensyon.
She glanced at me with her red cheeks and nodded. Sumulyap muli siya sa grupo na ngayon ay nakahinto sa may isang table at nakikipag-usap sa mga estudyante roon.
"Iyang isa, nasa kabilang gilid, si Evandro. Hindi greek god ang name pero ang hitsura, pasok!" aniya.
Wala naman akong pakialam doon pero pinakinggan ko na lang. Ang tinuro niya ay maputi rin na lalake. Mas lalo akong nawalan ng interest. When I noticed the guy in the middle, tumaas ang kilay ko. He has a light moreno skin. At maganda iyon para sa akin kaso, his smirk looks so arrogant.
"And that is Zeus. Grabe, ang ganda ng balat niya. Plus he—"
"He's babaero 'no?" walang gana na tanong ko.
"Huh? Paano mo nalaman?" tanong niya at hinawakan ako sa braso para magkatitigan kami. Napaismid ako. "But well, not really. Masyado lang siyang lapitin ng babae," pagtatanggol pa niya.
Napasulyap ako muli sa grupo nila at napaismid nang makita na ito ang nakikipag-usap talaga sa grupo ng mga babae sa isang table na 'yon. Well, what can you expect from a guy named Zeus? Sa greek myth, wala 'yon pinipili. Grabe, willing to be an animal just to f**k the woman he wants.
Sumimsim ako sa juice at hinayaan dumaldal si Nathalie tungkol sa kanila. Grade seven ba talaga 'to? Patay na patay sa grupo ng senior high. But then, ano pa ako? Marami nga ring alam na mga salita dahil sa liberated na environment sa school noon.
Pag-angat ko ng tingin ay nagkasalubong ang mata namin noong Zeus. He was smirking but it vanished when our eyes met. I felt a foreign feeling struck inside me as I saw his gaze. Napairap ako at tumitig na kay Nathalie. Daldal siya nang daldal.
"They are STEM students whi— Oh my gosh!"
Tinaasan ko ng kilay si Nathalie. Natulala siya at mas pumula ang mga pisngi. Kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang tinititigan niya. Nabigla ako nang makita na ang tatlong lalake kanina ay nasa harap ng mesa namin. I pursed my lips and look at them one by one.
"What?" I asked when I saw them staring at me.
Ibinaba ko ang juice at umayos ng upo saka taas-noo silang tinignan. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ni Zeus. Nakaramdam na naman ako ng iritasyon.
"Your grade?" he asked.
Hindi ako sumagot. I just stared at him straightly. He has a nice color of skin. The pair of his amber eyes was accented of his thick eyelashes and brows. Mataas ang ilong niya at prominente ang panga. Natural na namumula nang bahagya ang pisngi niya. He's mestizo. Matangkad siya at maganda ang katawan katulad sa mga kasama.
Gumalaw ang kamay niya at kukunin yata ang I.D ko ngunit agad kong tinapik ang kamay niya na palapit. Evandro chuckled when he saw it.
"Don't you dare," mariin kong saad. "You can't just touch me or any of my belongings without my consent."
"Juno..." bulong ni Nathalie ngunit 'di ko siya pinansin.
"I just wanna see your grade level. Don't be too hard," natatawa niyang saad at ngumisi.
"Why? Why does it concern you?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
Natawa pati rin ang may asul na mata at tinapik siya.
"Stop it, Zeus!" he laughed and pushed him jokingly.
"I am just asking your grade level," he asked again. Ngayon ay medyo seryoso na.
"Grade seven siya. Grade seven kami!" biglang saad ni Nathalie, hindi na nakapagpigil.
Napaatras si Zeus at lalong pumula ang pisngi. Nagtawanan ang dalawa niyang kasama at halos napahawak sa tiyan. Taas noo ko lang siyang tinignan.
"What?" I asked when I saw him eyeing me with disbelief on his eyes.
"Bro, let's go. Damn you! You're already turning 18 and maybe she's just 12!" tawa-tawa pa rin si Evandro.
"Stop it!" iritadong saad ni Zeus at mukhang napahiya. He glanced at me and shook his head. "She's not my type," he uttered and walked away.
Nakuyom ko ang kamao at masama ang tingin na pinagmasdan ang pag-alis niya. Sumunod ang dalawa na tumatawa pa rin. I saw how girls watched them with so much amazement.
That brute. Well, hindi naman iyon insulto. Baka ang mga type niya ay mababang uri ng nilalang. I smirked and sipped on my juice. Hindi ko rin siya type.
"Omg! It's the first time! Ang lagi nilang nilalapitan ay mga senior high din o kaya college. Hindi kaya napagkamalan ka nilang higher grade?" sunod-sunod na saad ni Nathalie. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinagmasdan ako. Napatango-tango siya. "Right! Gano'n nga. You have a matured body na for your age," aniya.
"Nathalie, stop it!" iritado kong saad nang patuloy pa rin siya sa pagcheck sa katawan ko lalo na sa chest area.
Humagikhik siya. "Siguro type ka ni Zeus kaso ang bata mo pa kasi. Grabe!" she giggled again.
I just rolled my eyes and focused on my food. I don't care. At hindi nga raw niya ako type. Well, boys usually have low and bad standard. They need to raise it para magustuhan nila ako. And I don't care naman. Mataas ang standard ko.
It was just an encounter for few minutes but he remained on my mind. Hindi tuloy maganda ang mood ko dahil naaalala ko ang arogante na ngisi niya. Dating pa lang niya iba na. He looks so dominating and I don't like it. Wala pa siyang ginagawa kanina ay mainit na ang dugo ko sa kaniya at lumala nang nagkaroon kami ng encounter!
Pabalik na kami sa classroom nang may ituro si Nathalie sa 'di kalayuan. Natigilan na rin ako at tinignan iyon. I saw Zeus with some girls. Nagtatawanan sila at may pahawak-hawak pa ang mga babae na gusto naman niya. I rolled my eyes. Sabi ko na nga ba babaero talaga 'to.
"Pinangatawanan niya talaga pangalan niya!" bulong ko at nagpatuloy sa paglakad. Humabol sa akin si Nathalie at tumawa.
"That is just his nickname. His name is Zephan Adolphus."
I snorted. "Mas bagay sa kaniya ang Zeus kasi nga babaero siya."
"Hoy, teka lang!" saad ni Nathalie at hinila ako sa braso. Tinaasan ko siya ng kilay nang magkatinginan kami. "I know you're kinda maldita at sinabihan na kita na huwag mo na itago 'yan pero parang sobra yata 'yan. Si Zeus talaga, hindi si Evandro o Poseidon?" ngisi-ngisi siya.
"What? So, what's your point?" iritable kong saad.
She giggled and pinched my cheeks. Lumabi ako at sinamaan siya ng tingin.
"Crush mo siya, 'no?" tanong niya.
My eyes widened and my cheeks heated for no apparent reason. "No way!" mariin kong sabi.
Tumaas-taas ang kilay niya at sinundot ang bewang ko. I rolled my eyes and continued walking. Tawa-tawa siyang sumunod sa akin.
"Ikaw, mahilig ka umirap. Baka tumirik na 'yang mata mo forever!" aniya.
Hindi ako sumagot at pumasok na sa classroom. Magkatabi kami sa upuan at naririnig ko ang bulong-bulong niya. I shook my head.
Napaangat ako ng tingin at nakita na may kasunod ang teacher namin papasok. Dala niya ang ilang libro ng teacher, mukhang tinulungan ito. I heard girls supressed reactions. Natulala ako at sinundan ng tingin ang pag-alis ng lalake.
"That's Hades!" kinikilig na bulong sa akin ni Nathalie.
Napangiti ako at tumango. Her eyes widened and slapped my arm. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hoy, first time ko makita ang ngiti mo na totoo after months!" aniya.
"That's my type! Mysterious ang aura," saad ko.
"Hmp, mas okay si Zeus o Poseidon! Hindi pwede si Hades kasi una, wala siyang pake sa girls. Pangalawa, kung nangangarap ka about sa inyo, pareho kayo na tahimik at mysterious effect. Naku, walang mangyayari sa inyo," palatak niya at umiling-iling pa.
Hindi ko siya pinansin at natulala sa may bintana sa labas kung saan tanaw ang pag-alis niya kanina. Matangkad iyon tapos itim na itim ang buhok at mata. He has a mysterious aura. Nakagat ko ang labi. I think I have a crush now. Advance masyado mag-isip si Nathalie, eh, crush lang naman as in paghanga.
Napakurap ako nang mapansin na may tao sa tinatanaw ko. I snapped out from my reverie and realized that it was Zeus smirking at me. May panunudyo sa mukha niya at lalong ngumisi. Inismiran ko siya at tumingin na sa teacher na nagsisimula na.
Baka akala niya tinititigan ko siya! Eww!
"I can do our visual aid... give ideas too, and I can also report it. So, what's my part?" pormal kong tanong.
We have a group activity to be reported next next day. Tahimik ang apat na kagrupo ko. Sinulyapan ko ang ibang grupo na maingay at masaya. Si Nathalie ay tawa nang tawa. Napatikhim ako nang walang umimik sa kanila.
"So?"
Tinignan ko sila isa-isa ngunit walang makatitig sa akin. I pursed my lips. Ilang buwan na nagstart ang class at close na sila sa isa't-isa while me, still alone. Si Nathalie lang ang nakakausap ko.
"What is our plan guys?" I asked and smiled a bit. Maybe my face is really not friendly.
"Uh, gagawa na lang ng gc at do'n na lang mag-usap," sabi ng isa.
"But we have time—"
Natigil ako nang magtanguan sila lahat. Wala na akong nagawa. Napatingin ako sa papel na naglalaman ng topic namin at napatango na rin.
"Okay then. I will research in advance para hindi tayo mahirapan," saad ko.
Hindi sila umimik. Kumuha na lang ako ng notebook at ballpen. I scribbled my own knowledge about our topic. Maya-maya pa ay mahina na silang nagkekwentuhan at nagtatawanan. Natulala ako sa papel nang maramdaman na out of place ako. They don't want me here or they are not comfortable around me.
Iwas talaga ang mga classmates ko sa akin. Kahit pa makipag-usap ako katulad kanina ay sila mismo ang lalayo o hindi umiimik. Kapag may nagrereport na classmate ay ang ingay nila. Active sila sa pagtatanong na minsan ay pang-aasar na lang. Nakikinig sila pero maingay pa rin. But once I am the one reporting, defeaning silence would fill the air. Sometimes I can even heard crickets on my mind. Kahit gano'n ay confident akong tumatayo sa harap nila.
But I can't help but to ask, ano ang problema sa akin? Why can't they act normal around me? Kapag si Nathalie ay masaya naman sila at nagtatawanan lalo na at jolly siya. It's really a saddening part that I need to live with. What's wrong with me?
Halos wala akong gana habang naglalakad kami ni Nathalie. Siya ay kwento nang kwento tungkol sa plano ng grupo nila. Pupunta raw sa bahay nila at doon gagawa. Medyo nabuhayan ako nang maisip iyon. Maybe I can invite them!
"Kayo, ano ang plano niyo?" tanong niya.
I shrugged a bit. "Sa gc pa mamaya pag-uusapan," saad ko.
Natanaw ko ang sasakyan na magsusundo sa akin. Nagpaalam na kami ni Nathalie sa isa't isa dahil naroon na rin ang sundo niya. All in all, I am still fine at the end of my class. Kasi nariyan pa rin ang katotohanan na may kaibigan ako.
"Sweetheart," Mom softly said when she saw me.
Looking sophisticated as always, she gracefully walked towards me and hugged me. Humalik ako sa kaniya at tipid siyang nginitian.
"How's school?" she asked and caressed my hair.
Habang nakatitig ako sa kaniya kapansin-pansin ang pagkakahawig namin. Nakuha ko sa kaniya ang aking pulang-pula at manipis na labi. Even her high cheekbone and cute proud nose. Ang kilay rin at pilikmata. But then, my pair of upturned midnight eyes is exactly like my Dad's eyes. Mom's face looks soft while mine emits fierce and strong aura. Dahilan kung bakit yata maraming naiilang sa akin.
"Fine," sagot ko.
Nakita ko si Dad na galing sa taas. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Naturally ruthless and strict looking, he flashed his gentle smile at me. His dark eyes bore to me lovingly.
"My little queen, we have a visitor for dinner. Get dress and be ready for it," his baritone voice filled my ear.
"Muntik ko na nga makalimutan," humalakhak si Mom at hinaplos ang pisngi ko. "Naroon na ang susuotin mo. I shopped for you," aniya.
Tumaas ang kilay ko at tinignan sila. "Is it something important?"
Dad smiled and nodded. "Very important, my little queen."
Wala akong nagawa kung hindi sumunod. Siguro ay business partner or something like family friend. But for sure, the visitors are someone trustworthy. Hindi pa alam nang marami na anak ako ng business tycoon na si Solomon Ambrosio. May delikadong kalaban kasi si Dad at kailangan maging maingat kaya pribado ang detalye tungkol sa akin at kay Mom hangga't hindi pa sigurado na hindi na 'to manggugulo. We will be the main target because we are his weakness. Sa school naman ay walang problema kahit gamit ko ang Ambrosio na apelyido. Maraming may gano'n na apelyido and maybe, hindi ako kahina-hinala dahil hindi naman alam na may anak si Dad. At malamang may ginawa rin siya para sa aking seguridad. Perks of money.
I took a bath. Pagkatapos ay tinuyo ko ang buhok habang pinagmamasdan ang dress na naroon sa kama ko. It was a square neck white dress. Its longsleeves are slightly voluminous and it has a black belt attached on the waist part. Umabot ang laylayan nito sa ibabaw ng aking tuhod. Sinuot ko iyon at satisfied naman sa hitsura. Nagsuot lang ako ng gold necklace na may maliit na pendant at gold earring. I wore my black sandals to finish my outfit.
Sinipat ko ang sarili sa salamin. Nakaladlad lang ang tuwid at mahaba kong buhok. It is parted in the middle. Inipit ko sa likod ng tenga ang nakaladlad na mga hibla sa gilid ng aking mukha. I look nice and pretty.
Pagbaba ko ay iginiya ako ng assistant ni Dad patungo sa dining area. I found them there, happily talking with the visitors. I walked towards my parents. Nag-angat sila ng tingin at napangiti nang makita ako.
"Dad.." saad ko.
"Oh, here's my little queen, Juno," Dad proudly said and stood.
Inakbayan niya ako at ipinaharap sa mga naroon. May tatlong naroon na hindi nalalayo ang edad kina Mom and Dad. Dalawang lalake at isang babae. Halata na galing din sa mayaman na pamilya. The woman looks elegant on her black dress. Lumapit ito at mangha na tumitig sa akin.
"Wow!" saad niya at hinawakan ako sa braso saka namamangha ako na sinipat. "You look like a lady now, Juno!" aniya.
"Soledad, she's still my baby. She's just 12!" protesta ni Mommy at napatayo na rin.
"Well, Dalya, hindi siya mukhang 12!"
Uminit ang pisngi ko at tipid na ngumiti. I will take that as a compliment. I usually hear those words. Maaga kasi na tumama sa akin ang puberty. Noon ay wala lang naman sa akin, normal lang dahil gano'n ang mga American. Pero nang makita ko rito ang mga kaedaran ko, bilang lang sa daliri ang may medyo developed ng katawan na gaya sa akin.
"Nagmana pa sayo ang mukha, Solomon. Regal and intimidating," dagdag ni Tita Soledad. The man beside her snaked his arm to her waist.
Nagpakilala sila sa akin. Mag-asawa nga ang magkatabi. Bestfriend ni Mom and Dad. Ang kasama nila na isa ay nakababata na kapatid ni Tito Adolfo, si Tito Adan.
"Where is he?" biglang tanong ni Dad.
Napailing si Tito Adolfo. We settled on our seats. The foods are being served by the maids. Si Dad ang nasa kabisera ng mesa at sa kanan niya ay si Tito Adolfo na katabi ang asawa at si Tito Adan. Sa kaliwa naman ay si Mom na ako ang katabi.
"May ginawa raw. Pero susuno—"
"I'm sorry I'm late!" I heard a familiar baritone voice.
Marahas akong nag-angat ng tingin. Malalaki ang hakbang niya palapit ngunit nang magkatitigan kami ay bumagal siya. I felt the familiar feeling of irritation. Tila nabigla siya nang makita ako.
"Oh, Zeus, you're here! The king of my little queen!" sinundan iyon ng halakhak ni Dad.