PROLOGUE
"WELCOME BACK, HEAVEN DEATH VOLVA!!"
walang emosyong tumingin siya sa kanyang mga pinsan na ngayon ay binabati siya sa pag babalik niya sa kanilang mansyon. Habang ang mga pinsan niya ay humagikgik na lamang ng makita ang muka nitong walang emosyon.
"walang kwenta." malamig niyang sambit sa mga ito. Napanganga naman ang mga pinsan niya sa sinabi nito.
"luh?? pagkatapos ka naming batiin ganoon lang!?" madramang pahayag ni crisel. Isa sa mga pinsan niyang makulit.
"oo nga!" sang ayon ni crisan, kakambal ni crisel. Napairap na lamang siya sa ere dahil sa drama ng mga ito.
"and so??" nakataas ang kilay ni heaven ng sabihin niya iyon.
"hayaan mo na yan sila heaven." singit naman ni belle, ang isa rin sa mga pinsan niya. Ibang iba naman toh sa dalawang mag kakambal. Dahil kung ang mag kambal ay makulit siya naman ay seryoso.
"balita ko, mag aaral ka na sa university na hinahandle ni kuya?" tanong naman ni zeron, isa rin sa mga pinsan niya. Hindi siya sumagot.
"correction, University niya." sabat ni crisel at inirapan si zeron.
hindi na lamang pinansin ni heaven ang mga pinsan niya backus ay umakyat siya patungo sa kwarto niya.
humiga siya sa kama at isinantabi ang maletang dala.
hay, nakakapagod...
saad niya sa kanyang isipan.
pinikit niya ang kanyang mga mata. At tuluyang dumilim ang kanyang paligid.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag tulog ay nag uusap ang kanyang mga pinsan.
"paano na??" panimula ni belle sa kanyang mga pinsan. Ang seryoso ng kanilang mga muka.
"hahayaan ba natin siya pumasok doon?" tanong naman ni crisan at tumingin sakanila.
"I don't know. Alam naman natin na hindi siya mapipigilan lalo naʼt sinugod ng mga ka laban ang university." seryoso ang tinig na saad ni zeron.
"hays, wala rin akong maisip." nakapamlubabang saad naman ni crisan at tinawag ang isa sa mga tauhan nila upang bigyan sila ng maiinom.
"tawagan na kaya natin sila tita?" suggestion ni crisel at tumingin sa tauhan nilang may dalang inumin.
"lady crisan, ito na po ang ipinaguutos niyo." seryosong pahayag ng tauhan at yumoko bilang tanda ng pag galang. Tumango naman si crisan at agad namang umalis at tumungo ang tauhan sa gilid ng mansyon upang mag bantay.
"hindi pwede! malalaman nila na may nangyayari na sa blackdragon." mariin na saad ni belle at agad namang sumang ayon sila zeron at crisan.
napanguso na lamang si crisel at umiling
sana pala hindi na ako nag suggest hehe.
saad ni crisel sa kanyang isipan at humagikgik, kaya napatingin sa kanya ang kanyang kambal at mga pinsan.
Lumipas naman ang dalawang oras ay nagising naman si heaven mula sa pagkatulog.
"I'm hungry.." saad niya sa sarili at tumingin sa orasan. Alasyete na nang siya ay magising.
bumangon siya at agad na tumayo sa pagkahiga.
nasa isip niya na pupunta siya sa 7/11 upang kumain ng kung anong gusto niya.
pagkatapos mag bihis at ma siguro na dadalhin niyang pera ay agad siyang bumaba sa hagdan. Nakasuot siya ng long sleeve na itim at leggings na itim, may suot din siyang sumbrero at mask.
agad niyang nilibot ang tingin ng maka baba siya, nakita niya ang mga tauhan na nakapalibot sa bawat sulok ng bahay at may suot na baril. Mukang wala ang pinsan niya dahil tahimik ang buong mansyon.
tinungo naman niya ang malaking pintuan para lumabas.
tumingin naman siya sa mga tauhan ng harangan siya nito.
"young lady, Your father has commanded you not to go out." pormal na pahayag ng isa mga tauhan.
napapikit siya ng mariin upang pigilan na huwag magalit.
damn it!
naalala niya ang pag uusap nila ng kanyang ama bago siya nakauwi rito sa pilipinas.
FLASH BACK
"mag aaral ka sa university mo at pa babantay kita sa mga bodyguards, kaya wag ng matigas ang ulo." seryso na saad ng kanyang ama
"hindi sa ayoko na mag aral doon. Ang akin lang dad ay wag mo naman damihan ang bodyguards ko!" nagtitimping saad ni heaven at iniiwasang magalit sa ama.
"no! kung ayaw mo mag bodyguards. Huwag ka muna g lumabas sa mansyon!" madiin na sambit ng kanyang ama.
"why? alam mong kaya ko ang sarili ko... dahil ba ito sa nangyari kay mom?" mahinang saad at ni heaven at tumitig sa ama.
"isa rin yan kung bakit na ayaw kong mapahamak ka...ayaw kong ma tulad ka sa mom mo.." nagsusumamong pahayag ng kanyang ama.
"I understand kung gusto mo ako mag karoon ng bodyguards.. but dad I have my ways and kaya ko sa ang sarili ko and..."
"I am the queen. Remember?" saad niya sa ama at tuluyang yumakap dito agad namang ginantihan ng ama ang kanyang anak sa pagyakap.
"trus me, dad."
END FLASH BACK
Makulit talaga ang kanyang ama. Talagang gagawin ang lahat para hindi siya mapahamak.
matalim namang siyang tumitig sa mga bodyguards.
"papadaanin niyo ako or I will shot you guys in head?" malamig na sa saad ni heaven kaya napalunok ang mga ito sa kaba. Kilala kasi nila ang young lady nila na kapag sinabi nito ay sinabi nito.
Dahil sa kaba ng mga ito ay agad siyang pinadaan.
Tumungo siya sa motor niya at sinuot ang helmet, sumakay na siya upang pumunta sa 7/11. Mabilis niya itong pinaharurot.
Nang makarating siya sa 7/11 ay agad niyang hinubad ang helmet.
Hindi niya pinansin ang mga nakatingin na tao sa paligid niya bagkus ay agad siyang pumasok sa store. At pumili na nang gusto niyang pagkain.
Nang matapos siya sa pag bili ay agad namab siyang lumabas sa 7/11 at Tumungo sa motor niya at pinaharurut ito.
Habang nag mamaneho may nakita siyang sport cars na kulay blue at black, para bang nag papaligsahan ang mga ito.
Napangisi naman siya dahil sa nakikita. Binilisan niya pag maneho hanggang sa naabutan niya na mga ito. Puma gitna siya at nakisabay sa kanila.
samantalang ang mga nagmamaneho sa dalawang sports cars ay tumingin sakanya. Namangha naman ang mga ito ng makita ang pigura ng isang tao, base sa nakita nila ay babae ito hindi nila makita ang muka dahil sa helmet na suot nito.
Nang matanaw na ni heaven ang village nila nakikita ay mas pina bilisan ang takbo ng ng kanyang motor. Agad niyang niliko sa kanan ang motor at agad na pumasok doon.
Ang mga lalaki naman na nasa sports car ay napamura. Dahil sa nakita nilang lumiko ito sa Volva's village.
"s**t! baka mapahamak siya roon!"