Chapter 5: Embarrassing

575 Words
Recess time na. "Anong sayo te?." tanong ni Joyce habang namimili sa mga nakahilerang pagkain sa harap nya. "Chips nalang." walang gana kong sabe. Luminga ako't medyo lumayo. Siksikan na eh. Di ako makahinga. Namili sya ng pagkain nila. Huli lang rin ako bago bumalik ng room. Dumaan pa kami ng gym bago marating ang room. Susubo na sana ako ng pagkaing nasa kamay ko ng bigla akong bumagsak. Nahilo at mabuhos lahat ng hawak kong pagkain. Nagbabadya na ang luha kong pumatak. Ang sakit kaya ng tama ng bola sa ulo ko. s**t!. Grabe!. Sino bang anak ng?!. Habang nakapikit. May humawak na sa mga braso ko. Tinutulungan akong tumayo. Hindi ko mabalanse ang aking sarili dahil sa hilo. "Bamby, ayos ka lang?." pamilyar ang boses. Mukhang yung taong gusto kong batuhin kaninang umaga. Di ko pa rin naididilat ang aking mata. Nahihilo pa talaga ako. Anak ng!. "Dalhin ka na namin sa clinic.." boses pa rin ni Kuya. Akma nya akong hihilahin pero hindi ako gumalaw. "Sinong bumato sakin?." may garalgal na ang himig ng aking boses ko. Naiiyak kong sambit. Masakit ang natamaan ng bola. Ang panga ko!. Nalaglag na yata. Mama! "Sorry." hinging paumanhin ng isang tinig na di ko kilala. Hinawakan kong mariin ang kamay na nakahawak sa braso ko. "Ayos na ako." mahinahon kong saad. Pero ang totoo ay, nahihilo p ako. Saka dahan dahang dumilat. Doon natagpuan ko ang aking sarili na pinapalibutan na ng mga kapwa estudyante. Halo halo. May mga higher level. May mga kabatch ko rin. Mababasa sa kanilang mukha ang awa. May napansin pa akong tumatawa. Kaya nagbaba na ako ng tingin. Nasisiguro kong nakikita nya na rin ako ngayon. Ayoko na!. Mama!. "Anong meron dito?." tanong ng napadaang teacher. "Natamaan po ng bola Sir." "Bakit di nyo pa dinala sa clinic!?." Kayong mga bata talaga. Tumabi kayo. I'll check her.." nag-aalalang guro. Sir?. Ibig sabihin lalaki. Suskupo!. Wala namang dumugo sa akin. Dinala pa rin nila ako sa clinic. Nahihilo pa ako ng kaunti. What a great day. Unang araw palang pero bakit ganito na ang inabot ko?. Kamalasan. "Anong nangyari?." bungad ng nurse. "Tinamaan po ng bola.." ani Joyce. Katabi ang kapatid kong kunot ang noo habang matalim ang tingin sa akin. Problema nya?. Chineck ako ng nurse. Binigyan lang rin ako ng gamot para di na muling mahilo. Mabuti nalang daw at di pa ako nauntog. Dahil mas delikado daw kapag ganun. Lumabas kami ng clinic na may alalay pa rin ni kuya at Joyce. Natatawa talaga ako sa kapatid ko. Alam mo yung parang napagalitan dahil sa noo nyang kunot at labi nyang nakanguso?. Pero nakaalalay pa rin dahil no choice sya. Gusto ko tuloy humagalpak ng hard!. Hanggang sa room. Hinatid nya pa ako. Nagkagulo pa ng bahagya dahil sa presenya nya. Bakit, ano bang dapat ikagulo nila para sa kanya?. Ang sabe, ANG GWAPO RAW?. E bat di ko makita?. Kasi nga, asar ka sa kanya. Mind speaking. Maging ang ibang section nagkagulo sa tapat at bintana ng room namin. Tinatanaw ang kapatid kong di pa rin umaalis sa harap ko. "What?." iritado kong sambit. Tinitingala sya. Nakaupo na ako. Tapos sya, nakatayo. Nasa baywang ang magkabilang kamay. Huminga sya ng malalim bago nagsalita. "You really okay?." kunot pa rin ang noo. Ngunuso ako sa ingles nito. "I'm okay bro. You may go now.." hilot sa sentido ko. Pumikit at bumuga ng hininga. "Siguraduhin mo lang Bamby.." banta pa nya bago umalis. Kasabay ng alis nito ay isang pares naman ng mata ang nakita ko sa di kalayuan. O my goodness!!!.. Anong ginagawa nya?..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD