Mahaba ang ginawang introduction sa unang flag ceremony. Mabuti nalang at natapos na rin ngayon. The fact!. Gusto ko nang umupo dahil kanina pa nangangatog tong tuhod ko. Naman kasi. Nasa likod ko sya. Duon luminya. Imbes sa kabila. Hiwalay ang linya ng babae sa lalaki. Pero dahil sa pinakalikod sya. Hindi na sya napansin ng mga guro.
"Grabe. Nauhaw ako.." reklamo ni Joyce matapos uminom. Nasa loob na kami ng bago naming room. Todo ang paypay ko. Kaharap ko sina Winly at Joyce. Hinihintay ang aming guro.
"Sinabi mo pa. Kanina pa ako upong upo." asik ko. Kahit may ceiling fan. Kulang sakin. Ang init ng pakiramdam ko sa presenya nya. Gosh!.
"Halata naman sayo te." halakhak pa nito. "Akala mo ha. Nakita ko yung taong nasa likod mo kanina. Tsk. Tsk." bulong nya. Maingay ang iba naming kaklase. Wala namang makakaalam kung sinong tinutukoy nya pero mas pinili nyang ibulong ito. Tumataas taas naman ang kilay ni Winly sakin. Mukhang alam rin ang ibinulong ni Joyce.
Maya maya. Pumasok na rin ang adviser namin. Medyo may edad na. Nasa kwarenta ganun. Mataba. May katangkaran. At sana mabait.
The normal first days in school.
Self introduction!.
"Hi I'm Ryan Cruz. 14 years old." unang pakilala nya. Pansin kong tumangkad sya ng kaunti at pumuti ng bahagya. Matapos nagpakilala. Nagbow ito.
"Good morning. Winly Castillo here.." maarte pa nyang sabe. Winasiwas pa ang invisible na buhok. Ang vakla!.
"Hi classmates. I'm Bamby Eugenio. 13 turning 14.. Bam for short.." pagpapakilala ko naman. Mabuti nalamg at pinaupo na agad ako dahil sobra pa sa sobra ang kaba ko ngayon. Di ko alam kung bakit naging kaklase ko pa sya hanggang ngayong high school. Di naman sa ayaw ko, alam mo na. Naiilang talaga ako kapag nasa paligid sya.
"Hello. My name is Jean Santa."
"Henlo. My name is James Dumlao.." marami pa ang sumunod na nagpakilala. Nang dumating na sa punto na si Jaden na ang susunod ay may biglang pumasok na guro.
"Excuse me Ma'am Perez." bati nya sa aming guro. Kinausap nya ito saka tumingin sa nakatayo nang si Jaden.
"May I call Jaden Bautista?. Your room is in the other side.." anunsyo bigla ng bagong dating na guro.
Natahimik ang maiingay. Para akong nakahinga ng maluwag kasabay ng lungkot sa aking puso. Sa wakas. Makakahinga na ako ng normal dahil di na nya makikita ang bawat galaw ko. Ayoko sanang lumipat sya. Mas maganada kung kaklase ko pa rin sya kahit na sobrang nahihiya ako sakanya kakayanin ko basta makita ko lang palagi ang mukha nya. Ngunit syempre, no choice. I have to accept the fact that sometimes we have to go part ways. Ang oa!.
"Thank you Ma'am." paalam ng guro.
"Bye.." paalam ni Jaden bigla bago tuluyang lumabas ng pintuan. Nakipagkamayan pa muna kila Bryle, Paul at Billy na kakatapos magpakilala.
Bumagsak na ng todo ang aking balikat. Nagpakawala ng kanina pang nakatago na hininga. Di mapakawala dahil sa kaba at hiya.
"Wag ka ng malungkot. Katabi lang naman natin ang room nya." bulong ni Joyce. Wala naman akong choice kundi maging okay sa nangyari. Mas mahahalata ako kung ipapakiusap ko syag ibalik sa room. Wala pa akong kapal ng mukha para gawin iyon. Saka nalang.
"Mas maganda na rin yun para di ka nya mahalata. Hahahaha.." pang aasar pa ni Joyce. Nagtawanan sila ni Winly ng mahina. Malungkot ko lang syang tinitigan bago tumango.