Chapter 49: Gift

1889 Words
Nakakabingig katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Walang nangahas na magsalita. Walang nagbuka ng bibig kahit ang huminga. Ganun katindi ang init na nangyari kanina. Nakakapaso, na kung susubukan mong magsalita. Maaari kang masaktan. Hindi na ako nangahas pa na magpaliwanag sa kanya. Alam ko naman e. Na kapag galit sya. Hindi yan makakausap ng matino. Katulad nalang ng ginawa nya kay Jaden. Ramdam ko. Hindi naman isyu yung pagsuway ni Jaden sa sinabi nya. Ang hula kong ikinagalit nya ay ang hindi nito pagpaalam sa kanya ng kung anong totoong motibo nya sakin. Ganyan ang ugali nyan. Parang ako rin. Hindi mo makausap ng matino kapag galit o nasasaktan. Maging ang pagbaba ng sasakyan ay panay dabog. Kung nagdabog ako. Mas lalo rin syaang nagdabog. Tuloy sinalubong kami ni Mama. "Anong meron?.." Anya. Nalilito sa aming dalawa ni kuya. Hawak pa ang isang plato at puting pamunas dito. "Nasa counter ang meryenda.. Bamby. ." ako ang unang lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "No thanks Ma. busog po ako.." sabay pasok ko. Sumunod rin sakin si Mama. Iniwan si kuya sa parking space na tinitignan ang gulong. "Oh Lance, nagluto ako ng paborito mong mamon.." nagulat ako sa sinambit ni Mama. Muntik pang di na malunok ang tubig na nasa aking bibig. Ampusa naman. "I'm full Ma. Thank you.." humalik rin sya sa pisngi ni Mama. Saka ako nilampasan at tumakbo paakyat ng hagdan. Bawat hakbang pa nya. Dalawa. Kaya mabilis itong nakarating sa ikalawang palapag. Naiwan si Mama na nakanganga. "Akyat na po ako.." paalam ko. "Nag-away na naman ba kayo?.." "Po?.." "Magsabi ka ng totoo. Nag-away kayo ng kuya mo?.." haist!. Pano ba to?. Wala akong magawa kundi harapin ulit sya para magpaliwanag. "Nagalit po sya Ma.." umpisa ko. "Bakit?. teka.. iyon pa rin ba?.." pigil nya sakin. Tinutukoy yung tungkol samin ni Jaden. Nahihiya akong tumango. "Anak..." dinig ko ang disappointed sa kanyang boses. "Ma, it's not what you think.." pinamaywangan nya ako. Hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Nag-uusap lang kami ni Jaden sa math park sa school tapos bigla nalang syang nagalit.." tinaasan nya ako ng kilay. "Yun lang ba?. Yung kuya mo, sobra ang galit. Bakit?.." Kinagat ko ang aking labi bago magpasyang magsalita. "Si Jaden po kasi Ma. Sinabi nya sa canteen kanina na, taken na raw sya.." "And--?.." Nilunok ko ang sariling laway sa salitang kayhirap sambitin. Bakit naman kasi Ma. Kailangan pang magtanong eh. "With me po..." Hindi sya umimik. Pinanuod nya lang ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tumalikod. Nagsalin ng tubig sa basong nakataob at basta nalang nilagok. Sa haba ng namagitang katahimikan samin. Muli syang nagtanong. "Is that true?.." Inilingan ko sya kahit nakatalikod. "Then why is he really mad?.." "I don't know po Ma. Tanungin nyo nalang po sya. Akyat na po ako.." Pumasok ako ng aking silid. Mangiyak ngiyak na. Tinapon ang bag sa sahig saka dumapa sa kama. Duon ibinaon ang mukha saka ibinuhos ang luha. Kailangan ba talagamg may kapalit lagi ang saya?. Nung nasa canteen ako. Sobrang saya ko dahil sa inamin ni Jaden. Pero kanina lang. Biglang nabura na parang bula. Hindi ba pwedeng maging masaya ng buong araw na?. Hindi ba pwedeng magpakasaya ng walang darating na lungkot?.. Ang hirap naman mabuhay. Lahat may kapalit. Lahat hindi permanente. Lahat puro pansamamtala lamang. The next morning. Hindi normal ang naging routine ko. Sinabay nya ako patungong school pero hindi sya nagsasalita. Si Jaden naman, bumalik sa dati. Ang lapit nya pero parang sobrang layo nya dahil hindi ko rin sya malapitan. Damn!.. Hihingi sana ako ng tawad sa kanya sa ginawa ng kapatid ko pero inisip ko na baka mas lalo lang magalit si Kuya sa kanya. Kaya saka na. Maging ang mga taong nakasaksi sa naging eksena kahapon. Walang imik. Walang nagtangkang magtanong o usisain pa ako. Normal silang lahat. Pero ako, abnormal. Hindi makapag-isip ng tama. Laging tulala. Hindi maayos na tulog. Kulang sa kain. Lahat may kulang. "Hija, may bisita ka..." sigaw ni Mama galing sa baba. Kakauwi ko galing school. Nagkulong na ako dahil nasa baba ang buong barkada ni Kuya Lance at Kuya Mark. Maingay silang naglalaro ng basketball. Di ko alam kung kasama si Jaden. "Sino po?.." "Bamby!.." Wala akong magawa kundi babain ang bisita. Suot ko ang itim na pajama at kulay asul na malaking damit. Malaking tsinelas na kulay pink at nakaipit ang buhok sa tuktok. Tamad akong bumaba. Humihikab. Nasa pang-apat na baitang pa lamang ako pero tumakbo na ni Ace upang yakapin nya ako. "Bamby!.." higpit ng yakap nya sakin. Sa may hagdanan. Tanaw ang labas na pwede ring makita ng taong nasa labas. Tulad nila Kuya at Damn!. Andito sya. Malungkot ang matang nag-iwas sakin ng tingin. Shet Bamby!.. Tinulak ko ng mahina si Ace. Yung sakto lang. Baka mahulog kasi eh. "Kamusta na. Grabe namiss kita.." yakap nya ulit sakin. Tumawa ako. Sa labas nakatingin para panoorin muli sya. Ngunit nadismaya ako ng nakaupo sya't nakatalikod na sa gawi ko. "Ah hehe.. Ace.. kamusta?. Ang tagal mong absent ah. Anong nangyari sa'yo?.." inakbayan nya ako. Sabay na kaming bumaba. "Hi Bamblebie..." Ani kuya Silver. Nilahad ang kamay upang yakapin ko sya. "Lalo kang gumanda ah.." tukso pa nya sakin. Lumayo ako dito at naupo sa sofa. Pinagitnaan nila ako. "Hindi naman po kuya. Kailan po kayo nakauwi?.." "Two weeks ago.." Ngumuso ako at tumango. "Sinundo ka po ni Ace?..." umakbay sya sakin bago ginulo ang buhok. "Gumanda ka ngang talaga. Hahaha. Nasisiguro kong maraming nagkakandarapa sa'yo dito..." tawa nya na hindi ko rin magawang tawanan. "Hindi lang nagkakandarapa kuya. Manliligaw. Sigurado ring madami.." Piningot ko agad ang tainga ni Ace na tinawanan lang ako. "Ikaw!. Ilang linggo ka ng absent tapos yang tawa mo parang wala kang problema. Saan ka galing ha?.." "Bakit nag-alala ka ba sakin?.." "Sinong hindi mag-aalala ha?. Studies mo yun engot tapos iniwan mong parang bula. Are you crazy?.." sinuntok ko ang kanyang tyan dahilan para mapahiga itong tumatawa. "Ouch!.. that's so sweet little Bamblebie!.." sambit nya eksaktong pasok nila Kuya kasama ang barkada. Napaayos ako ng upo dahil sa mga matang nakamasid. "Oh Silver. Kailan ka pa umuwi?.." nagkipagkamayan si kuya Mark kay kuya Silver. "Two weeks ago pa.." "Matagal na pala. Kaya ba pinauwi si Ace sa inyo?.." "Parang ganun na nga." "Kaya pala absent ka bro. Ang dami mo ng namiss.." Ani Bryle. Nagkamayan ang dalawa.. "Oo nga eh. Isa na roon si Bamby..." natahimik bigla ang lahat. Nakagat ko ang sariling labi dahil sa akbay ni Ace. Nakita ko ring nagbaba ng tingin si Jaden. Damn this!.. At nag-iwas ng tingin si kuya Lance. Hell s**t!.. That means, Hindi pa sila okay?.. Saka lang nabasag ang nakakailang na eksena samin ng pinakilala nya ang kuya nya sa kanila. "Nice meeting you.." "Silver sa deck tayo." alok sa kanya ni Kuya Mark. "No thanks bro. Sinamahan ko lang tong si Lance, may gusto raw kasing ibigay kay Bamby bago kami umalis.." "Bakit saan punta nyo?.." "We're going to Hawaii. Isasama ko sya duon. Doon na rin kami titira.." "What!?.." halos sabay sabay naming tanong. Kasal na kasi si kuya Silver. At ang alam ko, taga Hawaii ang napangasawa nya. Kaya siguro. "So kailan alis nyo?.." Ani kuya Lance. "Tommorow afternoon.." ngiti ni Ace. "What?!.." what with the what's now?.. sabay na naman ang lahat sa pasabog ni Ace. Abnoy talaga. Di man lang nagsabi na aalis na. Tuloy bigla akong nalungkot. "Pano ba yan?. Ngayon ka na nga lang pumunta dito tapos aalis ka rin agad." si kuya Mark. "Tsk. maybe next time bro. Uwi kami yearly to visit.. don't worry.." "Bro naman kahit tikim lang.. " pilit pa rin ni kuya Mark sa kanya. "Go kuya. Mag-uusap lang muna kami ni Bamby." nagdiwang ang lahat saka umakyat na ng deck. Naiwan kaming dalawa ni Ace sa sala. May iniabot si Ace sakin na isang paper bag. Hindi ko alam kung anong laman. "Ano to?.."  "Hep!.. saka mo na buksan." hawak nya sa bunganga ng paper bag para hindi ko tuluyang mabuksan. "Bakit naman?. excited na ako eh.." pagpapacute ko dito. "Basta. Mamaya na kapag umalis na kami.." kinuha nya yung regalo sa kamay ko saka ipinatong sa mesang nasa gitna. "Eh aalis naman na kayo ah.." I mean. Pupunta na silang abroad. "Tsk.. ikaw talaga.. Ang kulit.." ginulo nya ang buhok ko. "Ano ba?.." suway ko dito. Piningot nya pa ang aking ilong. Nang-aasar na naman. "Mamimiss kita Bamby.." inakbay nito sakin ang mahaba nyang braso. Niyakap ko rin sya pabalik. Namiss ko rin naman sya. Simula kasi nung umusbong ang isyu naming tatlo ni Jaden, umiwas na ito sakin. Tsaka bigla pang nawala ng dalawang linggo. Ngayon nga lang nagpakita eh. Tapos aalis din agad. "Sorry about last time. you know kuya.." umayos ako ng upo sa tabi nya dahil dumaan sina Poro. Pumuntang kusina. Kumuha ata ng alak o pulutan. "Sorry din. Okay na ba sila ni Jaden?.." umiling ako. Nalungkot ang mukha nya. "I heard nga. Mas lalo syang nagalit kasi nagkagulo sa canteen. Pati sa math park.." ngiwi pa nya. Biglang tumaaa ang isang kilay ko sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin?. Paano nya nalaman lahat ng yun?. Wala sya sa school diba?.. Then how?.. "Paano mo--?. wait!. You mean nasa school ka?.." tumaas ang aking boses sa intensidad. "Hahahahaha!.." humagalpak lang sya. That was it!. Nasa school sya nung mga oraa na yun. Paanong hindi ko sya nakita?. Nagtago ba sya o sadyang ayaw lang magpakita?.. Ampusa talaga!.. Tinignan ko sya ng matalim. Yung kulang nalang dumugo ang kanyang ilong. "Andun ka nga?. bwiset ka!..." pinagsasapak ko sya sa mukha. Sinasangga nya naman ito gamit ng dalawa nyang braso habang tumatawa. "Walanghiya ka. Di ka man lang nagpakita. Alam mong nahihirapan na ako tapos pinanood mo lang ako sa malayo ha..." walang humpay na sapak ang nakukuha nya sakin pero hindi naman tumatama. "Mas lalo kang mahihirapan kung lalapitan pa kita. Kaya hinayaan nalang kita kay Jaden.." Natigilan ako. Feeling ko kasi, double meaning yung sinabi nya. "Ah----ray Bamby!.. Masakit na!.. ahahahaha..." walang tigil ang pagsapak ko sa kanya. Bwiset sya!. Nag-aalala rin ako eh. Syempre magbestfriend kami. Kaya dapat lang na mag-alala ako sa kanya. Tumigil rin ako kalaunan dahil sa pagod. Nakakapagod din palang manapak. Nakakahingal. Ang dami nya pang pang-aasar na ginawa. Nawawalan na nga ako ng lakas kakatawa sa mga kwento nya tungkol sa panonood nya sakin.sa malayo. Yung muntik na raw akong madapa. Yung, pagnganga ko pag dumadaan si Jaden. Lahat yun kinwento nya. "Tumigil ka na nga. Marinig ka pa nya eh.." pigil ko sa bunganga nya kanina pang ngawa ng ngawa. Maya maya bumaba na sila kuya. Kasama si kuya Silver. "You done?." tanong nya agad sa kapatid nya pagkababa. Kasama nyang bumaba ay sina Poro, Dennis at Kuya Lance lang. Hindi na bumaba yung iba. Tinanguan lang sya ni Ace. "Let's go then. Mag-eempake pa tayo.." sabay kaming tumayo. "Tita, alis na po kami.." paalam nila kay Mama. "Ang bilis naman. Magdinner na muna kayo.." alok ni Mama sa kanila pero tinanggihan na nila ito. "Thanks tita. Mag-aayos pa po kasi kami ng mga gamit namin." Ani kuya Silver. "Have a safe trip then." humalik si Mama sa kanya at kay Ace. Hinatid namin sila sa labas. "Ace..." tawag ko sa kanya. Pasakay na kasi sya ng kotse nila. Nilapitan nya ako at niyakap. "Be good okay.. catch up soon.." "Pwede ko bang malaman kung ano yung gift mo?.." nguso ko. "Ang kulit lang. haha.. Mamimiss ko yang kakulitan mo ha..mamaya na. pag-alis na namin pwede mo ng buksan. May letter ako dun. Basahin mo ah. Take care. I love you.." hinalikan nya ako sa pisngi saka sumakay na ng sasakyang naghihintay sa kanya. Kumaway pa ito samin habang palayo na sila. Nakakalungkot, may isang bahagi sa pagkatao ko ang umalis na naman. Sana yun na yung last na taong iiwan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD