Chapter 48: Fire

1907 Words
"Aray. masakit na pre.. ano ba!?." pinagsasapak nya sina Aron at ang iba pa nyang kaibigan. Tinatawanan lang nila ang ginagawa nya. "Pakiulit nga yung sinabi mo dun sa chic kanina?. Taken na ako. Hanap ka nalang ng iba?. Tangina!. Ang gwapo mo pre...hahah-aray!.. hahaha.." mabilis tumakbo si Bryle palayo sa kanya. Nagdirty finger pa kay Jaden. Damn it!!. I should move. And get the hell out of here.. Hindi pa nawawala ang init saking psingi. Sabog na sabog ang puso kong nagwawala sa saya nito. Nagpaulit ulit saking pandinig ang sinabi nya dun sa babae na taken na raw sya at ako?. Fck!.. Really?..Ako ang tinutukoy nya kung bakit di na sya available.. Grabe!. Ilang minuto rin akong hindi nakalanghap ng normal na hangin dahil sa presensya nya. At take the note!. Yung yakap at haplos nya. Damn!. That was... ugh!. fiery hell.. down to mine.. "Mga gago kayo.." suway nya sa mga ito. Humagalpak lang sina Billy.at Ryan sa pagmumura nya. Damn!. Di ko rin mapigilang magmura. Ang makita syang nagmumura ay parang isang anghel na namuhay sa nagliliyab na ilalim ng lupa. Muling lumipad at naging malaya. Mabuti nalang at umalis na rin ang mga nagkumpulan sa paligid namin. Nagcongratulate sila samin kahit hindi naman kailangan. Goodness Bamby!. Go home now!. Kung marinig ng kuya mo yan?. Ano nalang?. War na naman kayo?. Kagat ang labing huminga ako ng malalim. Medyo may hangin na akong nalalanghap. "Ayiee!. narinig mo yun gurl?. kayo na pala eh. Tas makadeny ka...ugh!. sarap tuloy guntingin yang buhok mo.." irap ni Winly sakin. "Whatever Winly!.." nag-walk out ako sa harapan nya. Ang mga lalaki. Hayun sa gilid pa rin. Inaasar sya.  "Uy. Eto naman. di na mabiro. Karen. Sa math park.." hinabol nya ako hanggang room matapos iwan si Karen sa canteen. "What?!.." pagtataray ko kay Winly na nakatayo sa gilid ko. Nagpapaypay. Nilabas ko ang panyo saka pinunasan ang aking noo. Pawisan sa mga nangyayari. My God!. Totoo po ba yung narinig ko mula sa kanya?. Si Jaden Bautista?. Sinabi sa lahat na kami na. Parang hinidi parin ako makapaniwala sa iniisip ko. Paanong nangyaring ganun nalang bigla?. Suskupo Bamby!. "Hot seat ba?..haha.. ganda mo kasi eh.." pang-aasar pa nya. Inikutan ko lang sya ng mata na binulungan lang ako ng 'ang arte'. Suskupo!.. "Wag mo ng dagdagan.." hiling ko dito. Kinindatan nya lang ako. "Hindi ko naman dinagdagan ah. Gusto mo bawasan ko talaga yang buhok mo?.." ngising aso ng bakla. Binato ko sya ng panyo saka lumabas. Crazy!.. "Guys. we are free now. Pwede nang umuwi. May general meeting ang mga guro.." anunsyo ng class president namin. Sinalubong ako. Tinapik pa ang likod ko. Kaya napalingon ako sa kanya. "What?." "Congrats.. I heard.. my God gurl.. too lucky.." Anya saka ako nilayasan. O. M. G.. Surely. Alam na ni kuya ang nangyari. Damn it!. Magwawala yun mamaya.. "Te san ka pupunta?.." hinabol ako ni Winly. Si Karen. Ewan ko kung saang lupalop sya. "Bibili. Nagutom ako bigla..." noon ko lang narealize na gutom pala ako nung umupo ako't magpunas ng pawis kanina. Yung pawis ko, ang lapot. Parang dugo, na iisa lang ang tinitibok nito. Bawat pintig. Jaden. Bawat pilantik. Jaden. Bawat t***k. Jaden. Gosh!. You're not even obsessed Bamby huh?. Calm your mind and get your stomach first. You little freaking crazy.. "Kung ganun. Sama ako.." hinila na nya ang aking braso. Ngunit hindi sa canteen kami tumuloy kundi sa math park. May ilang sementong upuan at lamesang may sulat ng graphic design. Yung about x and y?. That. May halaman sa gilid ng upuan. Bermuda grass na ang pumupuno sa bawat sulok. "Winly, gutom na ako. Math park to hindi canteen---.." "I know gurl.." sabay tulak nito sakin sa loob. Saka nilock ang pintuang bakal. Shet!. Anong kakainin ko dito?. Di naman ako kabayo para kumain ng d**o. Etong puso ko lang ang parang nakipagkarera sa kabayo. Ang bilis ng takbo. "Hoy Winly!.." tawag ko sa likod nyang papasok na ng gym. Pakendeng kendeng pa. Damn ass!.. Tanaw ko ring andun na sina Karen at ang buong barkada ni Jaden na nag-aapiran. "Bamby..." This. I knew it!.. Una palang alam ko ng may binabalak na sila samin. I knew it!. Yeah right!. Kahit sobra na ang aking kaba. Pinilit kong humarap sa gawi nya. Damn this feeling!. I feel like I'm floating!. "Dito ka na muna. Makakalabas din tayo. Pagbigyan muna natin gusto nila." iminuwestra nya ang kaharap na upuan. Kumurap kurap ako. Nag-iisip. Should I stay or seek some help?. Don't know what to do. Can't think straight. His eyes are hypnotizing me. Dictating what should I do.. Di ko namalayang nakaupo na ako sa kanyang harapan. Walang kamalay malay. Pareho lang kaming nakatitig sa mata ng isa't isa. Gosh!. Am I dreaming?.. Wake me up. Call my name baby and save me from the dark.. "Bamby.." there. He said it. Finally I woke up with his deep voice. Kumurap ako at hinilamos ang mga palad sa mukha. Nahihiya sa kanya. "Hahaha.. anong ginagawa mo?.." inilingan ko lamang ang kanyang katanungan. Ayokong makita nyang sobrang pula ng mukha ko kapag kaharap sya. Hell s**t!.. I want to run. Away from him. Far away.. But No!. I won't do that. He's my Jaden and I don't want him to feel alone because I was too dumb to face him. "Nahihiya ka na naman.." Anya. At ramdam kong tumabi na sya sakin. Ampusa!.. Breathe Bamby.. "Bamby... Yung tungkol kanina..." tawag nyang muli. "Okay lang Jaden." putol ko sa sasabihin nya. "Okay lang sa'yo yung sinabi ko?." nagugulat nyang tanong kaya napaangat ako ng tingin dito. Nakataas ang kanyang kilay. "No. I mean--.." nag-isip ako ng maayos na paliwanag pero inunahan nya ako. "Yeah. I'm sorry. I didn't mean to say that..." Anya. Ngayon. Bigla kong naramdaman na bumagsak ang balikat ko. Parang nadaganan ng mga semento.  "Yeah. I know right.." bulong nalang ito dahil nawalan ako ng lakas. Nagbaba ako ng tingin. "No Bamby." hinawakan nya ang aking baba. Inangat para magpantay ang aming paningin.  "Ang gusto kong sabihin. Hindi ko sinasadyang sabihin yun sa lahat ng tao. Pero ... yung mga sinabi ko... totoo lahat ng yun... para sa'yo.." hinaplos nya ang pisngi ko ng dahan dahan. "What should I do to keep you?.." Anya saka dinikit ang kanyang noo sa noo ko. Gosh!. If this is a dream. Don't dare wake me up!. Damang dama ko ang init ng kanyang hininga saking ilong. Kahit nakapikit ako. Ramdam ko ang ngiti sa kanyang labi. Damn!. Paano ba huminga ng di nya nalalanghap hininga ko?. Ampusa Bamby! Baka mamamatay ka.. "Sana ganito tayo kaclose lagi.." mahinang bulong nya. Sakto lang para madinig ko. Ang bango ng kanyang hininga. Breezing cool and mint. Naiimagine ko tuloy na para akong nasa tabing dagat. Nakatanaw sa papasikat na araw. Habang nakaupo sa malamig na buhangin. Tinatamaan ng alon na galing sa gitna ng dagat. "Bamby, pwede bang... wag ka nalang umalis..." napamulat ako ng mata. Lintek!. Umawang ang labi ko sa gulat dahil sa mata nyang nakatutok sakin. Gosh Jaden!.. "Malayo ang Australia..." dugtong pa nya. Kung ako lang. Ayoko rin sana. Kaso, anong gagawin ko Jaden, pamilya ko yun?. Wala pa akong lakas ng loob upang suwayin sila. Bunukas na ang labi ko para magsalita. Magpaliwanag. Bigyan sya ng opinyon ko. Pero may sumabog na boses. Tinatawag ako. Galit na galit. "Bamby!!.." mabilis gumalaw ang aking katawan kahit hindi pa ako nag-iisip. Tumayo ako't lumayo ng kaunti kay Jaden na tumayo rin dahil sa pagkabigla. Tanaw ko sa labas ng bakal na gate ang nagpupuyos ng galit na si Kuya Lance. Malalaki ang kanyang mga hakbang patungo sa math park. Hindi maipinta ang mukha. This scene. I foresee it. Nakasunod sa kanya ang grupo ni Jaden na nasa gym kanina. Hinawakan sya sa balikat at braso pero tuloy pa rin sya ng lakad papunta samin. Binalewala ang mga pumipigil sa kanya. "Damn!. Anong--?. Bamby!. umuwi na tayo.." ilang dipa nalang ang agwat nya sa math park. Lumapit ako sa bakal na gate saka tinignan sya ng blangko. "You!. " turo nya kay Jaden. Oh damn!.. Pumikit ako at huminga ng malalim. "Lumabas ka dyan. Magtutuos tayo." nanginig ang kamay nyang itinuro si Jaden sa aking likod. "Kuya.." pigil ko sa kanya. "Shut the hell up!. I don't need your explanation here.." mura nito sakin. Agad nangilid ang aking luha. Naghalo halo lahat ng pakiramdam ko. Ang saya. Ang kilig. Ang excitement, galit, inis. at pagkalito. Awa kay Jaden at inis sa sarili ko. Bakit hinayaan kong umabot kami sa puntong ganito?. Hindi dapat ganito ang lahat kung nag-isip ka ng tama Bamby!. Kinagat ko nalang ang ibaba ng aking labi para di tuluyang humagulgol. Pinanuod kong buksan nina Winly ang gate. Nagpatulong pa sya sa.mga lalaki dahil hindi nito mailagay sa tamang lagay ang susi dahilan kung bakit di pa kami nakakalabas. "Tangina mo!.." sinugod nya agad.si Jaden ng nabuksan ang gate. Kinwelyuhan at tinulak sa damuhan. O my God!. Hindi pa sya nakuntento. Hinawakan muli nya ang kwelyo ni Jaden, hinila upang makatayo saka minura sa mismong mukha nya. "Tangina mo!.. layuan mo kapatid ko.." kahit natatalsikan na sya ng laway ni kuya. Wala pa rin syang ginawa kundi tumitig lang. Jaden ano ba?!. Gusto kong isigaw. Gusto kong lumaban sya pero ayoko rin saktan nya si Kuya. What the fck! Bamby!.. "Pre tama na yan.." pigil sa kanya ni Aron. Billy at Ryan. Pero hindi pa rin sya natinag. "Di ba sinabi ko na sa inyo..." binitawan nya si Jaden saka lumayo. Umikot ng ilang ikot. Hawak ang magkabilang baywang. Huminto sya at matalim na tumingin kay Jaden na nakatayo lang. Walang emosyon ang mukha. "Sinabi ko sa inyo diba? Jaden!?..Na oras na tumapak kayo sa bahay. Walang kakanti sa kapatid ko... pero tangina mo... ano itong ginagawa mo?.." sigaw nya sa nakatungangang si Jaden. Dinuro pa nya ito. Umatras ang iilang luha saking mata. What?. Anong sinabi nya?. "Wala naman akong ginaga--.." s**t!. Stop talking baby!. He's f*****g mad and his mind is already closed. Don't try to explain!.. "Gago!.." malutong nyang mura. Napapikit na naman ako sa parang kutsilyo nyang mura. Ang sakit marinig mula sa kanya na minumura nya si Jaden na parang ako na rin. Sa bawat mura nya. Lumalalim ang patalim na nakadagan saking puso. Habang tumatagal, lalong nagdurugo. "Kuya... please stop..." nilapitan ko sya. Nagsusumamo. Nagmamakaawa. "Akala mo ba hindi ko maririnig ang nangyayari dito ha!?.. walanghiya!. nangako ka, at ang iba na hinding hindi gigibain ang pader na tinayo ko sa pagitan nyo at ng kapatid ko... pero ano ha!?.. Ano?.. ginawa mo pa rin kung anong gusto mo.. f**k you dude!.." tinulak nyang muli si Jaden kahit nasa gitna na nila ako. Umiiyak. "Kuya naman eh. Tama na. Uwi na tayo.." hinawakan ko ang kanyang braso. Wala ring humpay sa pag-agos ang luha saking mata. Tinignan nya lang ako. Ng sobrang talim. Ng madiin. Kung pwede nya lang siguro akong sigawan dito. Kanina pa nya ginawa. But I know him too well. Di nya magagawa sakin yun. Katahimikan ang bumalot sa mainit na kapaligiran. Maging ang mga barkada nya o ni Jaden. Tahimik lang. Walang kahit anong ingay sa kanila. Natatakot gumawa ng ingay na maaaring pagmulan na naman ng init ng ulo ni kuya. "Kuya.. gusto ko ng umuwi." haplos ko sa kanyang braso. Nakapikit na sya. Tumingala at bumuga ng hangin. Nilingon ko si Jaden. Nakayuko ito. Bagsak ang mga balikat. Nakapikit rin kung kaya't di ko mabasa kung anong sinasabi ng kanyang mata. "Pinagkatiwalaan kita. Tapos, may ginagawa ka na pala sa likod ko. Mahirap bang sundin ang pinagbabawal ko Jaden?.." Hindi gumalaw si Jaden. Si kuya, hinawakan na ang palapulsuhan ko. "Kung ganun, Hindi ka karapat dapat para sa kapatid ko.. Tara na Bamby..." kinaladlad na nya ako palabas ng math park hanggang parking lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD