Marupok. Yan ang tawag sa mga taong madaling kumagat sa mga bitag. Yung tipong kahit hindi na bumilang ng sampu o kahit limampu, kakagat na yan. Parang ako lang. Boses palang nya. Tumba na. Yung tipo na kahit alam nang may karelasyon o nakatali na. Di nila kayang tumanggi sa iba dahil nga... sa marupok sila. Pero choice rin pala ang pagiging marupok. Kung kaya mong kontrolin emosyon mo. Mananalo ka rito. Kailangan lang ng matinding kontrol. Marupok naman tayong lahat pagdating sa ating mga mahal. Syempre, ikaw. Kung ang mahal mo ay may nagawang mali. Matik na masasaktan ka nyan diba?. Kahit ayaw mo pang aminin. Kahit paulit-ulit mo pang sabihin na, hindi okay lang ako. Pero sa totoo lang, kabaligtaran noon ang lahat. Na, masakit ang ginawa mo. Pero kalaunan, pag nagtext o tumawag naman

