It's OFFICIAL!
"Gwapo. Picture naman tayo.." kinuha ni ate ang kanyang cellphone at nagaelfie kaming dalawa sa b****a ng hagdanan.
"Isa pa.." ang nangyari. Hindi lang isang beses ang kinuhanan nya. May iilan pa na pinatayo at pinaupo ako ng mag-isa sa hagdanan. Tinuturo kung saan ilalagay ang aking mga kamay. Ginawa akong modelo.
"Ate. akala ko ba isa nalang?.." reklamo ko dito matapos akong hilahin sa may sala. Dun din daw ako pipicturan dahil maganda ang view. Baka malate ako neto sa graduation. Susmaryosep!!. .Special mention na naman ako. Tulad noong last practice. Nalate akong pumasok dahil hinatid ko pa si Niko sa school nila. Traffic pa. Naspecial mention tuloy ako pre. Nakakahiya.
"Last na to. Ma, 'lina kayo!. naiinis na tong gwapo nyong anak.." tawag nito kila mama. Napailing nalang ako sa kanila. Lumabas naman sila galing kusina. Nagsimula ang picotiral. Pero ang sabi nyang last na. Nagtagal ng kalahating oras. Kaya noong papunta na kaming school. Kulang nalang liparin ko ang pagitan ng bahay at ng school para lang makarating ng mas maaga doon. Kaso syempre. Imagination ko lang yun. Sa utak ko lang nangyayari. Mabuti at maluwag ang kalsada. At eksaktong pagkababa namin ng sasakyan. Pumipila na sila sa gilid ng gym.
"Boy, akala namin di ka na aatend?. May naghahanap pa naman sayo dito?." kaway nila sakin. Tumakbo na ako para makipila sa kanila.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Matinde kasi ang kaba ko ng muntik nang di makaatend. "Sino naman?.." tinanguan ko lang ang mga ngumingiti sakin. May iilan pang tumawag sakin sa likod pero tinaasan ko nalang ng kamay. Pagkatapos ng ceremony ko nalang sila kakausapin.
"Andun o!.." tinuro ni Kian sakin ang tabi ng aming room. Section B yun. Room nila Karen at Winly. Binasa ko ang aking labi ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy nila. Habang inaanusyo na ayusin ang pila. Wala akong ibang ginawa kundi tumingala at hintaying lumabas ang taong mahal ko. Inanunsyo ng guro na ilang minuto pa bago mag-uumpisa. Pinagbawalan na kami na umalis na ng linya kahit medyo mainit na ang sikat ng araw.
"Boy, dumungaw na yung prinsesa mo." siniko ako ng bahagya ni Dave. Nilingon ko sya at kita kong nginuso nya ang itaas. Tumingin ako doon at nakita ko agad ang malaki nyang ngiti. Kumakaway ito at may hawak na camera. Kinukuhanan na ako.
"Kayo na ba pre?.. Ang ganda nya..." Puri ng isa sa mga katabi ko sa pila. Di ko na tinignan pa at lalong sinagot ang tanong nya. Hindi sya karapat dapat na tapunan ng pansin. Mas itinuon ko ang mata sa taong pinupuri na ngayon ng lahat.
Siniko ako ng iilan. Kinatyawan. Kulang nalang guluhin buhok ko. Mabuti din at alam nilang hindi pwedeng galawin ito dahil espesyal ang okasyon ngayon. Lalo na't nasa harapan pa ng taong mahal ko.
Ngumiti ako habang nakatingala sa kanya. Ibinulong nyang ngumiti ako kaya abot mata rin ang suot kong ngiti. Hanggang sa nagsimula na ang seremonya. Pumasok kami sa loob. Nag-alala ako dahil hindi ko na sya masilayan. Tinext ko din sya pero di agad nagreply. Di na ako mapakali. Parang inuuod na ang pwet ko sa upuan. Nakita ko lang sya noong nasa entablado na ako. Hawak ko na ang diploma ng lapitan ako at kuhanan ng litrato ng malapitan.
"Congratulations boy!.." ngisi nito sakin.
Boy ang tawag nito sakin tuwing nang-aasar.
"Thanks baby.." at baby rin ang tawag ko sa kanya para inisin sya. Para kwits lang. Pakiramdam ko na nga. Endearment na namin yun. Yung tipong kami na, pero hindi pa naman. Assuming lang siguro ako. Ganun.
Kita kong mabilis tumulis ang kanyang nguso ng lagpasan ko na sya. Kailangan kong bumalik muli sa upuan. Baka pagalitan ako eh. "Anyare dun pre?.. Nagdabog?. hahaha.."
tanong sakin ni Dave bago umupo. Magkasunod kasi kami. Binasa ko ang labi at sinundan sya ng tingin. Nagdabog ba sya?. Ang alam ko hinde. Naiinis yun. Panigurado. Ayaw na ayaw nyang tawagin ko syang baby. Ang sabi nya hindi naman na raw sya bata para tawagin ko sya ng ganun.. Dalaga na daw sya. Sobrang tawa ko noong pinaliwanag nya sakin ito. Ang cute nya lang talaga. Habang tumatagal. Lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago natapos ang seremonya. Nagkakagulo na ang lahat na kumuha ng litrato. Bawat linga ko. Ilaw ng camera ang aking nakikita.
"Doon muna ako.." paalam ko sa kanila. Di na nila ako sinagot dahil abala sila sa isa't isa. Dumiretso ako sa gawi nyang pinapalibutan na ng mga kalalakihan. Dati nyang kaklase noon. Damn!. Bakit ba kasi mag-isa syang pumunta dito?. Ang dami tuloy gustong sumapaw.
Tumikhim ako sa likod nila. Lumingon ang iilan pero parang wala lang ako sa kanila. Nagpatuloy silang kumuha ng litrato kasama sya. Napalunok ako ng mariin dahil sa inis. Mga gago!. Ano yang mga kamay nyo ha?. Akbay!?. Susmaryosep Bamby!!. Gusto ko itong isigaw pero masyadong mainit ang ulo ko para sabihin iyon. Ayoko syang ipahiya sa mata ng maraming tao.
"Boy!!.." dinig kong tawag nya sakin. Nilinis ko muna ang nagbarang galit saking lalamunan bago sya sinagot. "Yes baby!?.." isinigaw ko na ito. Susmaryosep!. Bahala na!. Kung saan saan na dumadapo kamay ng mga gago eh. Walanghiya!. Asshole!!. p*****t!. s**t!!. Di ko mapigilang magmura ng makita kung saan humawak ang isang lalaki. Sa baywang nya bro. damn!. Gustong gusto na syang sapakin. Mabuti nalang at napigilan nya pa ako. Hinawi ko ang nakaharang sa pagitan namin. Mabilis naman nya akong nilapitan. Hinawi ko ang buhok sa kanyang pisngi bago sya hinapit palapit pa sakin. I'm declaring my territory. No one can ever touch it!. No one!..
Umawang ang labi nya sa kamay kong nasa baywang nya. Pinipisil ko ito. Humarap ako sa mga nakapalibot sa amin. Malakas ang loob kong tumitig sa kanila ng masama. Gusto kong ipaalam sa pagmumukha nila na wag lalapitan ang akin. Bawal hawakan ang hindi sa'yo. Lalo na kapag may nagmamay-ari na nito.
"Let's go.." inilayo ko sya sa mata ng mga naglalaway na Leon. Hinila ko sya at dinala sa Math park. Kung saan, maraming alaala ang binuo namin doon.
Dear crush.
Sana ako nalang. Sana tayo nalang. Because You, deserve Me.
Mga kataga na lagi ko nalang binubulong noon sa hangin. Sinasambit sa dumaang butiki. Sinusulat sa tubig na umaagos. Hinihiling sa lipon ng mga tala. Tinitingala ang malayong lugar NYA. Humihiling. Marinig lamang ang aking kahilingan. Bakit ang taong kahit sobrang lapit na sa akin. Hindi ko pa rin makuha?. Ganun pala talaga ang totoong mundo. May mga bagay kang hindi nakukuha kahit abot kamay mo na..
But luckily. Naawa sakin ang tadhana. Gumawa ng mahiwagang paraan para magtagpo muli ang aming mundo.
Pinaupo ko sya sa mismong inuupuan nya noon. Yung panahong, kulang nalang suntukin o lapain ako ni Lance dahil kinausap at hinawakan ko sya. Eto yun. Gusto kong ulitin ang araw na yun. Gusto kong baguhin ang nangyaring nakaraan na yun. Kaya ko sya dinala dito para ipaalala sa kanya ang lahat. At para gumawa na rin ng bagong alaala na, masaya bago namin tuluyang iwan ang math park na ito.
"Tinakot mo sila boy.." nilingon nya ang gawing gym. Maingay ang taong nagsisilabasan na. Marami nang umuuwi. Maliban lang sa mahilig sa selfie. Sila ang kadalasang naiiwan sa taas ng entablado.
"Tsansing eh.. tsk..." mariin ko syang tinitigan. Naramdaman nya siguro kaya umayos sya ng upo at tinignan ako ng diretso sa mata.
"Kaklase ko sila noon.."
"Exactly. Kaklase mo sila, noon..." diniin ko ang huling salita sa pangungusap ko.
"Boy, naman. Kaibigan ko rin sila.."
I just looked away. Try'na cease the heated anger in me. I bit my lower lip. Make a deep breath and release a heavy sigh. "Baby, noon iyon. Matagal na panahon na yun. Hindi mo ba alam na maraming gustong lumapit sa'yo?.." frustrated kong sambit.
Kumurap ang parang dagat nyang mata. Kumikislap ito ngunit sa taglay nitong ganda. Madalas nalulunod nalang ako kakatitig sa kanya. "Are you jealous?.." tumaas ang kaliwa nyang kilay. Hindi rin nakatakas saking mata ang bahagyang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. She's teasing me now!. Damn baby!. Stop doing that please! You're making me sick here!
"Sinong di magseselos baby?. Ako pa nga na manliligaw mo. Di makahawak sa baywang mo. Tapos yung gagong---- yun pa?.. Sarap putulin ng kamay nya. Kung di lang---.." kulang nalang maging pino ang aking mga ngipin dahil sa gigil sa lalaking humawak sa kanya kanina. Gusto ko tuloy sumuntok ng pader sa inis.
"Kung di lang?.." Anya sa naputol kong sinabi. Suot pa rin ang nakakaloko nyang ngisi. Sarap halikan ang nakusli nitong labi.
Hindi magkandamayaw ang maganda nitong ngiti sa mukha. Habang ako naman ay, galit na galit dahil sa lalaking yun. Bwiset!..
"Don't be mad. Di bagay sa'yo..." Kinindatan pa ako. Susmaryosep!!.. Wala na. Isang kindat lang nya. Namatay na yung galit at inis ko sa kanya at sa ginawa nyang pag-entertain sa mga gagong yun. Kung di lang ako nagpapagood shot sa kanya para sagutin na ako. Baka nauna pang lumagapak sa sahig ang mukha nila kaysa sa lumabas pa sa gym.
Tsaka. Kung di lang sa hipnotismo nyang ganda. Matagal ko na silang sinugod. At pinaulan ng suntok. Mga gago e. Alam na ngang kay boy Jaden. Hinahawakan pa. Tsk.
"Kumalma ka nga. Ang init ng ulo mo. Ayaw mo bang andito ako?.." tanong nya na nagpabalik sakin sa tamang huwisyo.
Umiling ako ng mabilis. "Baby, hindi ako galit sa'yo. Di ko kayang magalit sa taong mahal ko..."
"Galit ka e.." turo nya sakin at umiling din.
Biglang nangati ang kilay ko. Kaya kinamot ko ito. "Hindi nga ako galit.."
"Ano lang?. nagseselos?.." mapanukso ang kanyang himig. Nangalumbaba sya at pinanood ako.
"Oo. Nagseselos ako..." direkta kong sagot. Walang bahid ng kaba. Takot lang. Takot na baka balewalain nya yung sinabi ko.
Pero hinde. Mataman lang nya akong tinitigan. Tuloy naging mahirap sakin ang huminga at lumunok. Damn your eyes baby. I'm going crazy here!!.
"Anong gagawin ko para mawala yang selos mo?.."
"You know what I want baby.."
"I don't.." iling nya sa paraang nang-aasar.
"Just... be mine..." halos ibulong ko nalang ito dahil sa biglang sumibol na kaba. f**k!..
"Matagal na akong naging sa'yo.. boy.."
Fucking hell!!. Ano raw?.. Pakiulit nga. Di ko narinig.
Di na maitago pa ang ngiting gustong kumawala. Kanina pa gustong magpakita pero pilit kong itinago. Gusto kong maging seryoso sa harapan nya. Kahit ngayon lang. Ngunit. Sa totoo lang. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Natatakot akong mawala sya. Ganunpaman. Seryoso naman talaga ako sa kanya. Sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Talaga?.. you're mine now?. kailan pa?.." Ang tanga ko lang dahil ito ang lumabas sa aking bibig.
Kagat ang labing tumango sya sakin. "Simula noong nakilala kita.."
What the hell?!!!.. Di lang pala ako ang baliw sa kanya. Mukhang. We are mutual. Damn!.
Wala sa sariling tumayo ako at nilapitan sya. Umupo sa kanyang tabi. Hinawi ang takas na buhok nya sa kanyang pisngi. Nilagay sa likod. Bago hinawakan ang kanyang baba. Hinarap sakin upang magtama ang aming mata.
"Gusto kong marinig mula mismo sa'yo..." tumigil ako. Binasa ang ibabang labi bago nagpatuloy. "Will you be mine Bamby?.."
Agad syang ngumiti. Ngiting, parang langit. Abot kamay ko na. Tumango muna sya bago nagsalita. "You're mine now. And I'm yours... boy.."
Hinila ko sya palapit sakin. Unti unting hinahawakan ang kanyang kamay. "Finally baby. You're mine. Yes!!.." nanggigil ko itong ibinulong sa tainga nya. Humalakhak Ito. Tinapik pa ang likod ko.
Hinalikan ko ang kanyang noo bago ko idinikit ang noo ko sa kanya.
Pumikit ako sa natupad na kahilingan.
"Alam mo ba. Gusto kita?. Sobrang tagal na?.."
Umiling lang sya. "Gusto kita simula noong pumunta ka sa bahay namin. Remember?. You're with your kuya's?.."
Tumango sya. "That's---.." halos sabay naming bulong. Naghiwalay ang mukha naming parehong tumatawa.
"What?.." tanong nya.
"Ladies first.." hinawakan nya ang ilong at kilay ko.
"That's the day I fell in love with you boy.." tumayo lahat ng balahibo ko sa pinahayag nya.
"Really?.." di ako makapaniwala.
"Oo. Bakit ayaw mong maniwala?..".nakangiti nyang sabe. Kinurot pa ang ilong ko.
Hinawakan ko rin ang buhok nya. Inayos ko ang tumakas na buhok. Naglakbay papuntang baba ang aking kamay. Hinimas ko ito. Sobrang kinis. Damn!. "Pinagtagpo ba tayo ng tadhana?. Dahil unang kita ko palang sa'yo noong araw na yun. Mahal na kita..."
"Ang landi mo.." halakhak pa nya.
Fucking s**t boy!. Di ko rin maiwasang tumawa sa halakhak nya. Nakakahawa. "Seryoso ako. Mahal kita baby ko.."
"Jaden?.."
"Call me boy, baby. Not Jaden.."
"Psh.. boy.." mahina nyang himig. Inirapan pa muna ako bago isinatinig ito. Susmaryosep!..
"Then, say you love me too.." umawang ang labi nya.
"You'll say it or I'll kiss your damn lips?.." di sya sumagot. Kaya wala akong magawa kundi gawin nalang ang nasa isip ko. Binigyan ko sya ng choice pero di sya pumili. At ako nalang ang pipiili para sa kanya. I gave her a sweet gentle kiss. "I love you my boy..." Yun pala. Susmaryosep my boy!!!. I'm f*****g happy bro!!.
It's official. We are official now.. baby!..