Chapter 99: Slow

1525 Words
"Kuya. Bilis!!. Iiwan ka na raw ni ate Bamby.." kinalabog ni Niko ang pintuan ng aking kwarto. Ito yung date na pinag-usapan namin noon sa kanilang bahay. Naudlot noon dahil parehong wala kaming oras. Busy ako sa school. Sya naman, sa mga gatherings nila. At sa pagpaplano sa kasal ng kapatid nya. Kaya naurong yung date hanggang sa ngayon palang mangyayari. "Kuya?!!.." "Patapos na ako." minadali kong sinuot ang pantalon at sapatos. Di pa naibutones ang polong suot. Lumabas na ako. Habang bumaba. Sinusuklay ko ang aking buhok gamit nalang ang mga daliri para mabilis. Susmaryosep!.. Bakit naman kasi matagal kang nagising boy?. Alam mo namang araw ng date nyo ngayon?. Naykupo!. Ewan ko sayo boy. Sana lang hindi maging amazona yang date mo. Kahihintay sa'yo. "Tara?.." agad kong yaya sa kanya. Tumayo sya at sinipat ako. Paa hanggang ulo. Nakahalukipkip. Naku lagot!.. Boy!. Galit na. "Ah. hehe. pasesnya na..." kamot ang ulo kong paliwanag. "Natagalan ako.." patuloy ko dito. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Galit. Seryoso. "Anong ginawa mo kagabi?.." seryoso pa rin sya. Dinadaanan lang kami nila ate at Mama. Pareho kaming nakatayo at nakatingin sa isa't isa. "Katext ka.." "Anong oras ka natulog?.." "10pm..." Iniimbestigahan nya ako?. Wala naman akong kaso. Susmaryosep!. Anong wala Jaden?. Late kang bumaba!. Tinalo ka pa nya.. Mahiya ka hoy!!!.. "Bakit ang tagal mo?.." "E kasi, hindi ako agad nagising.." habang tumatagal. Pahina ng pahina ang tono ng boses ko. Nagtatago sa mga titig nyang parang patalim. Nakakatakot. "Hindi mo ba alam ang araw ngayon?.." Susmaryosep!. Galit na nga sya. Nagpapaulan na ng tanong eh. "Alam.." mahina kong bulong. Tumango lang sya pero seryoso pa rin. "Hmmp.. Alam?.. Alam mo rin ba kung ilang oras na akong naghihintay sa'yo?.." "Bamby--." agad nyang itinaas ang kanang kamay sa mukha ko. Pinahihinto ako. "Don't try to speak. Baka, lalo lang akong mainis sa'yo.." bumuntong hininga sya. Tumitig sakin ng pagkasama sama. Saka umirap at umupo ng padabog. Hindi ako gumalaw ng ilang minuto. Gaya ng sinabi nya. Hindi rin ako nagsalita ng kahit ano. Baka lalo nga syang mainis. Iwan ako bigla. Di na matuloy ang date na pangarap ko. "Ayusin mo nga yang sarili mo. Bago tayo umalis. Daig mo pa si kuya Lance. Ang tindi ng hangover.. Psh.." siniringan pa ako. Akala ko mamatay na ako sa kinatatayuan ko. Akala ko. Katapusan na ng mundo ko. Mabuti nalang at nagsalita sya. Nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Gaya ng utos ni boss. Inayos ko nga ang aking sarili. Umakyat muli at inayos ang damit. Simula sa pantalon. Sa damit. Sa sapatos. Lalo na sa buhok at pabango. Noong nakuntento na ako. Pumanhik na ako paibaba. Nadatnan ko pa silang tumatawa. Kandong nito si Niko na kumakain ng cereal. "Andito na pala ang prinsesa natin.." sutil sakin ni ate na naging dahilan ng tawanan nila. Maging sya. Nakisama nalang ako sa saya nila. Baka pabalikin pa ulit ako sa taas eh. Di na talaga matuloy tong date namin. Susmaryosep!. "Mauna na po kami tita.. hatid ko po sya dito pagkatapos.." "Ikaw talaga hija.. sya sana gumagawa nito sa'yo eh. bat nabaliktad ata?.." tinaasan ako ni Mama ng kilay. Kibit balikat lang din ang sagot ko. Humagalpak si ate. "Ang kupad eh.." Anya pa. Bwiset!. "Hahaha.. Sana nga po kaso, mukhang matagal pa po bago mangyari yun. Masyado po kasi syang mabagal. hehe.." "Sinabi mo pa hija.. Alam mo noong--.." "Ma naman?.. mauna na po kami." agap kong paalam sa kanila. Iginiya ko sya palabas ng bahay at papasok ng kanyang sasakyan. Sya ang nasa drivers seat dahil hindi pa ako marunong magdrive. Ayaw akong turan ni papa eh. Napag-iiwanan ako ng lahat. "Nagcommute nalang sana tayo. Mahihirapan ka pang magmaneho eh.." Sabi ko nang nasa gitna na kami ng kalsada. Isang segundo nya akong nilingon. Agad binalik sa daan ang mata. "Mas mahihirapan tayo kapag nagcommute. Tagaytay tayo.." Hindi ko na sya kinontra pa. "Ah Bamby?.." Ng dumaan ang ilang minuto. "Hmmm?.." "Dito na ba ulit kayo titira?.." ito ang isa sa mga tanong ko na matagal ko ng gustong sabihin. "Hinde eh. Bakasyon lang kami dito. Balik din after wedding ni kuya.. bakit?.." "Wala lang.. Akala ko kasi dito na ulit kayo titira?.." umiling sya. "Nope. Andun trabaho ng parents ko. Ganun din si kuya. Tsaka duon din kami nag-aaral ni kuya Lance.." "Dito naman kayo nag-aaral dati diba?. Bat di nalang kayo lumipat ulit dito?.." "Ayaw mo ba akong umalis?.." nilingon nya ako matapos ihinto ang sasakyan dahil sa red light. "Sana. Pero wala naman akong magagawa kung aalis ka ulit..." Hindi sya nagsalita. Sa totoo lang. Ayoko syang umalis. Paano nalang ako kung wala sya sa tabi ko?. Nasanay na akong nakikita at nahahawakn sya. "Don't worry.. Kapag bumalik ako dun. I'll make way para makausap kita araw araw.." "Promise?.." ngumiti ako. Nabigyan ng pag-asa sa sinabi nya. "Its not a promise. Baka kasi di ko matupad. Magalit ka pa sakin. Basta, gagawin ko lahat--.." "No!. gagawin NATIN lahat para makapag-usap tayo araw araw. Got that?. no promises. Just that, we trust each other.." tumango sya at sumang-ayon sakin. Pagdating sa tagaytay. Inakyat namin ang taas. Kumuha ng litrato naming dalawa. Nagtatawanan dahil sa mga stolen shots. Kumain kami pagkatapos. Tumambay at nagkwentuhan. The usual date. Nothing special. The only important for me... is her.. with me... making memories. and histories... about us. Gabi kaming nakarating matapos ng aming date. Traffic sa kalsada. Kaya bago tuluyang umuwi. Inaya ko muna syang kumain sa isang fast food. Sa restaurant sana, kaso kapos na ako sa bugdet. Di pa binigay ang kabuuan ng allowance ko. Gipit si lover boy ngayon. "Jaden, pano ka sasagutin ng nililigawan mo kung ang bagal mo!. Maligo ka na nga!..." kinutusan ako ni ate. Nakaupo ako sa harap ng mesa. Hinihintay gumalaw yung baso. Abnoy!. Saka lang ako kumilos nung binigay sakin ni Mama yung phone na tumutunog. Napamulat ang aking mata. Caller id. My Bamby. "Good morni---.." "Wake up!!.." agad kong inilayo ang phone nang sapawan nya ako sa malakas nyang tili. Napakamot nalang ako saking noo. Savage baby!. "Yes boss.." Hindi sya sumagot. Uminom ako ng tubig bago nagsalita muli. "Hey!. you still there?.." Dinig na dinig ko kung paano sya humugot ng hininga. Ang bigat pre. Inis na. Ilang oras muna bago sya huminahon. "Yeah.." kalmado na nyang sambit. "Maligo ka na.." kinagat ko ang sariling labi sa pag-aalala nito sakin. Hindi halata na gusto nya rin ako. Susmaryosep!. "Yes po boss.." di ko na inubos pa ang kapeng nasa malaking baso. Basta nalang akong umakyat at hinila ang tuwalya. Bumaba muli para makaligo na. Excited naman syang makita ako. Susmaryosep Jaden!. Bilisan mo na nga!!. "See you later. Faster Jaden Bautista!. Faster!.." diin nito sa huling sinabi. Tumawa ako at tumango kahit di naman nya nakikita. Sumaludo pa ako. "Yes boss, faster.." binaba nya agad ang linya. Kaya kumaripas na ako ng takbo patungong banyo at minadali ang pagligo. Kanina pa nag-aayos sina mama. Ako nalang talaga naiiwan sa mesa. Kaming lahat ay imbitado. Kaya abala ang lahat sa pag-aayos. "Ready?.." anunsyo ni ate. Pinatayo ko muna ang aking buhok. Inayos ang bow tie na suot. Sumulyap sa salamin at nagwisik ng pabango. "Ready.." ngiti ko sa kanya. Ngumuso sya sakin. Bagay na bagay sa kanya ang pink na kulay. Mas lalo syang gumanda. Hindi halatang nanganak na ito. Tumaas sulok ng aking labi. Nagyayabang. Pinasadahan din nya ako mula ulo hanggang paa. "Gwapo!.." kinurot ang aking pisngi. Confident akong lumabas at sumakay ng kotse nya. Dumiretso na kaming simbahan. Marami nang tao. Syempre. Sya lang ang hinanap ng mata ko. "Boy dito!!.." may tumawag sakin. Si Kian kasama ng buong tropa. Pareho ang suit naming damit. Itim na slux at sapatos. Puting polo at nakabow tie. Parehong nakatayo ang buhok. Naglakad ako papunta sa kanila. Maingay ang mga ito. Nagtutulakan. Hindi ko alam kung bakit. "Ssshhh.. Ang ingay nyo..." suway sa kanila ni Bamby. Tumayo ito sa gitna nila. Hindi ko sya agad nakita dahil pinalibutan nila ito. Kasama ng kanyang pinsan. Di ko alam pangalan. Ramdam kong umawang ang aking labi ng magtama ang aming mga mata. Damn!. My diwata!. Ang ganda nya!. Kumikinang sa kulay pink na sleeveless na suot. May make-up sya. Pero, hindi ito gaanong makapal. Tama lang para lumitaw ang katangi tangina nyang ganda. Nakakalula. No words can explain how gorgeous she is. Damn!. Lalo akong nainlove sa kanya. "Sabi na nga ba eh.. matulala yan.. akin na pera nyo..." dinig kong himig ni Dave. Inilahad ang kamay sa kanilang lahat. Naging abala sila. "Ang tagal nyo?.." mariin kong inayos ang tindig. Saka sya nilapitan ng todo. "Pasensya na. Natraffic lang. Miss mo agad ako?.." sutil ko sa kanya. She just smirked. "Gwapo ba ako?.." Ang yabang lang Jaden?. Kingina!. Di ko maiwasang magyabang kapag sya nasa tabi ko. Natatameme ako sa ganda nya. She stepped closer. Tinaas ang kamay. Hinawakan ang bow tie sa bandang leeg ko nang di inaalis ang titig sakin. Damn!. "Boy, Bat sobrang gwapo mo?..." pinanggigilan ang panga ko. Di ko na napigilang ngumiti. Kinurot nya ng isang beses ang aking pisngi. Lumitaw ang napakaganda nyang ngiti. Maging ang mata nyang nakakalasing. Sinasabing gwapo raw ako. Susmaryosep!.. "Hoy!!. kilig si boy!!. magsaya na ang lahat!!.." nagsitawanan ang lahat na malapit sa amin. Niyakap ko sya at hinalikan ang tuktok ng kanyang buhok. "Ang ganda ng baby ko..." bulong ko bago pumila sa labas ng simbahan.  Sa tamang panahon. Kaming dalawa rin ang lalakad palapit sa altar. Mangangako ng pagmamahalan na walang hanggan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD