Sabi nga nila, life is short. Hindi ako noon naniniwala sa mga kasabihan. Tulad nito. Pero ngayon, narealize ko nga na maikli nga talaga ang buhay. Na maaari, sa kahit anong oras at araw. Umulan man o umaraw. Maaari kang bawian ng buhay. Maswerte pa ako kaai naidala pa ako sa ospital. Heto't buhay pa, subalit tulog naman. "Babe?.." isang boses ang nagpatibok muli ng puso ko at nagpagana muli ng takbo ng isip ko. Ang boses na yun. Yun yung huli kong narinig bago nawalan ng malay. At.. isang iglap.. bumalik lahat ng alaala ko. "Miss na miss na kita.." he added. "Ang sabi nang kuya Lance mo, gumalaw ka raw nung kinausap ka nya kanina.. Sana ganun ka rin sakin.. babe.." malungkot nitong himig. Hinawakan ang aking palad saka ikinulong sa kanyang mga kamay. "I miss your voice. Your smile. You

