Wala pang kalahating minuto. Nagsunod sunod na ang pumasok saking kwarto. "Anak..." sinugod ako ni mama. Niyapos at dahan dahang niyakap. "Salamat at nagising ka na.." she cried behind me. Sinuyod ang kamay saking buhok. Pagkatapos nun. Pinunasan naman ang luha sa kanyang mata habang may ngiti sa kanyang labi. "Nak,.." papa held my right hand. Hinaplos nya ito. I turned my gaze at him. Gaya ni mama. Puno na rin ng luha ang kanyang mga mata. His lips trembled. Wanting to speak but he didn't. Imbes. Isang ngiti lang ang ipinakita nya sakin bago nag-iwas ng tingin upang wag kong makita kung paano nya punasan ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. His usual traits. "Kilala mo pa ba kami anak?.." nalipat kay mama ang paningin kong naglibot agad sa mga kasamahan nilang pumasok. Andun sina Ku

