It's a brand new day. And I hope it's a good day also. Hindi ko alam kung pano papasok ng room. Nahihiya ako sa nangyari kahapon. Really?.. Hell s**t!. What em gonna do?..
"Bamby, it's late. Wake up.." kumatok na si Kuya Lance. Kanina pa ako bihis. Nakaupo lang ako sa harapan ng salamin. Naghihintay ng bawat pitik ng oras.
Dinampot ko ang aking bag saka lumabas na ng kwarto.
"Ang aga ha.. Nice one,." galing sya sa kwarto ni Kuya Mark. May hawak na medyas. Nanghiram na naman ang loko. Ay di pala hiram. Puslit. Mahilig mangpuslit ng damit ni Kuya kapag tulog ito. Triper talaga.
Ginulo nya pa ang buhok kong maayos na nang lampasan ako patungong kwarto ko. "Baba ka na. Pakiantay ako ha.. good morning.." dungaw nya sa pintuan ng kanyang kwarto bago tuluyang sinara. Bwiset!.. Guluhun ko kaya buhok nya mamaya tignan natin kung good pa ang morning nya. Be ready Bamby!..
"Good morning anak.." nasa b****a palang ako ng pintuan patungong kusina ay binati na ako ni Mama. Abala na ito sa mesa.
"Morning po Ma.." sabay halik ko sa kanyang pisngi.
"Kuya Lance mo?.."
"Nagpapalit pa po ata. Pumuslit na naman sa kwarto ni Kuya Mark.."
"Tsk. Tsk.. batang yun..di na naman nakinig sa Papa nyo.."
"Good morning beautiful ladies.." masiglang bati nya samin. Niyakap nito si Mama. Saka naupo sa harapan ko. Di ko abot buhok nya. Kaya saka nalang.
"Kain na. Baka malate kayo." nilapag na lahat ni Mama sa mesa ang pagkain.
Normal days. Magkasama na naman kaming pumasok. Gaya ng dati. Sa parking lot na ako bumaba.
"Bamby,.." tawag nito sakin pagkababa.
"Hmm?.."
"Yung sinabi ko kahapon dun sa dalawa. Seryoso ako dun. At hindi lang sila ang ayaw kong lapitan ka. Ikaw rin. wag nang lumapit sa kanila. Malinaw ba?. Para iwas gulo.." nagkamot ako ng ulo sabay alis. Tinawag pa ako ng isang beses. Naghihintay sakin.. "Opo Kuya.." sagot ko kahit nakatalikod na sa kanya.
Nang nasa gym na ako. Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga matang nakamasid. I don't want to ruin my bright day.
"Hi Bamby.."
"Hello.." may iilang bumati sakin, tipid na ngiti naman ang binigay ko sa kanila bago ako nakarating ng room.
"Hello gurl. Maganda ka pa sa umaga.." yumakap pa ang bakla. Wala pang gaanong tao.
"Maganda ka rin sa umaga gurl.." ngiti ko sa kanya. Binuksan na naman ang pamaypay bago ako inirapan.
"Umaga lang ba gurl?. Ang unfair ha..."
Humalakhak ako.
"Hahahaha.. Ewan sa'yo.."
Maya maya. Dumikit ito sakin. Mukhang may ibubulong. "Kahapon, nung umalis kayo. Hindi pa natapos ang palabas.." iniwan kong nakabukas ang aking bag. Makikinig muna ako sa sasabihin nya. Parang importante e.
"Bakit?. Anong nangyari?.."
"Si Joyce gurl. Kawawa. Api-apihan kahapon."
Hindi ko mahanap ang tamang titik para magsalita. Maraming nabubuo pero wala akong makita sa kanila.
"Si Denise. Bruha sya. Sinabunutan pa nya si Joyce."
"What?.."
"Sssshhhh!... wala ng gaanong tao kahapon. sina Ace at Jaden, umalis na rin pakaalis nyo. Kami nalang ang naiwan. Kaya konti lang ang nakakaalam. Magpinsan pala silang dalawa gurl. Tapos sinumbatan pa nya si Joyce sa pagtira sa kanilang bahay.."
"What?.."
"At eto pa, sya pala ang dahilan kung bakit kayo nag-away.."
"What?!.."
"Stop that what thing gurl. Di ko keri yang englishan mo.."
"E ano nga?.."
Nasa gilid na kami ng room. Likod ng isang book shelves. Malapit sa bintana. "Kapalit raw ng pagtira nya sa bahay nila ni Denise. ay ang pagsira nya sa'yo at kay Jaden.."
What the hell!!?... Anong klase syang tao?. Now I know. Tama nga si Mama at Kuya Lance. May malalim syang dahilan. Oh Joyce. I am so sorry..
"Totoo pala yung---..."
"Sssshhhh... paparating na sya.." pigil sakin ni Winly. Dun ko lang tinanaw ang labas ng room. Tama nga sya. Maaga itong pumasok. Pero may mali sa kanyang mukha. Mapula ang kanang pisngi nya at nangingitim na ang ibabang mata.
"What the hell?. Para syang nasaniban.."
"Winly?.."
"Sorry gurl.. tingnan mo kasi sya. Hindi yan ganyan kahapon nung umalis kami.. Anong nangyari sa kanya?.."
"I don't know. We don't know.."
"Tsk. tsk. Kawawa naman.." hinila nya ako palabas ng room. Saktong dun rin ang new area namin. Sa likod ng room ang Kay Winly tapos sa harapan naman kami.
Abala kaming lahat sa paglilinis ng may tumapik sakin. Si Paul. May iniabot syang isang maliit na papel.
"Ano yan?.."
"Basta kunin mo nalang. Mamaya mo na basahin pag nakauwi ka na. Byiieee..." kunot noo kong kinuha ang pirasong papel saka sinilid agad saking bulsa. Sa bahay ko nalang babasahin. Baka kung anong laman e. Malasin na naman ako.
"Uy, Bamby, anong nangyari dun kay Joyce?.."
"Huh?.." aba malay ko?.. Hindi ko na idinugtong pa ang iba. Baka lalong mas makasama.
"Kanina pa tahimik na umiiyak sa loob ng room. Kinausap ko kung anong problema nya, kaso inilingan lang ako."
Tinanaw ko ang loob ng room. Andun nga sya sa kanyang upuan. Nakapatong ang isang braso sa armrest tapos dun ipinatong ang kanyang ulo. Gumagalaw ang kanyang balikat. Halatang umiiyak. Oh damn!.. Kusang nadurog ang puso ko.
"Ano kayang problema nya?.." Tanong ng nagsabi sakin pero kay Joyce pa rin ako nakatingin. Walang pakialam sa sinasabi nya.
Nagkumpulan na ang lahat sa gawi ko. Tinitignan ang pinapanood ko.
"Guys, totoo ba yung balita na naghiwalay pala parents nya. Tapos binenta pa yung bahay nila. Kaya kila Denise sya nakatira ngayon na pinsan pala nya?.."
Walang sumagot sa isa naming kaklase. Gusto ko syang sagutin, sumbatan at awayin pero may magagawa ba yun kung gagawa ulit ako ng panibagong gulo?. Wala diba. Kaya itinikom ko ng mariin ang aking bibig upang pigilan ang bungangang bumuka. Imbes pansinin ang mga tsismis nila. Tutulungan nalang kita. Oo. Kalahati ng pagkatao ko ay natutuwa sa nangyayari sa'yo. Siguro ito yung masamang espirito na pilit akong tinatakot, minsan. Pero mas lamang pa rin ang awa at pagmamahal ko sa'yo. Ayaw kitang saktan kahit sinaktan mo na ako. Ayaw kitang iwan kahit iniwan mo ako noon sa ere. Kaya kahit ano pa man ang problema mo dadamayan na kita. Ano pang saysay ko bilang isang kaibigan mo kung uulitin ko lang ang iyong ginawa. Mauulit at mauulit lang ang lahat. Hanggang sa wala ng katapusan.
Umupo ako sa upuang nasa kanyang harapan. Tahimik pa rin itong umiiyak. Sumisinghot singhot pa. "Joyce..." sa ilang buwan na lumipas. Namiss kong sambitin ang kanyang pangaln. It's been like year's. Suskupo!.. How I miss her..
"Kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako.." naluluha kong sambit habang nakangiti. Ampusa!.. Ang babaw talaga ng luha mo Bamby!.. Wag ka ngang umiyak dyan. Tumingala ako upang pabalikin muli ang luhang aamba ng bumaba. Damn tears!. Don't fall yet. .Sina Karen at Winly kasama pa ng iba pa naming kaklase sa labas. Nakatanaw lang samin. Kay Winly ako tumingin. s**t!... Naluluha talaga ako. Ayokong umiyak e.. Ampusa naman!.. Nagthumps-up sakin si Winly at Karen sabay ngiti. Kagat labi ko naman silang tinanguan.
"Ssshhh... tahan na.. you'll be fine.." hinimas ko ang kanyang buhok. At hindi ko inexpect ang sumunod na nangyari. Tumayo ito at niyakap ako bigla. Dun humagulgol saking balikat. Oh what?.. My tears are falling. I call it tears of joy. Joyce..
Iyak sya ng iyak. Di ko rin mapigilang mapaluha sa bawat patak ng luha nya sa damit ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat isang luha.
"Tama na. Andito lang ako.." kasabay ng hikbi nya ang pagpunas ko ng luha saking pisngi. Damn!.. How to unstop tears from falling?.. Should I cry out loud?. Can I unmute my eyes from creating tears?.. Anu ba Bamby?.. Magtigil ka nga!..
"Gurl, flag ceremony na. Dito nalang kayo. Isarado ko pintuan." dungaw samin ni Winly.
Di nagtagal kumalas rin sya ng yakap. Hawak ang mukha saka nakatungong bumalik sakanyang upuan.
Kanina ko pa gustong magsalita pero bigla akong nahiya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro sa matagal ng panahon na hindi ko sya nakausap. Naiilang na ako ng ganito Ampusa!..
Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan. Nakahanap rin ako ng magandang hangin para ibuga ang nasa isip ko. "Joyce... I'm so sorry.." bumuha ng kaba ang aking sistema. Dammmnnn!.
Umiling lang sya kahit takip ang kanyang mukha. Kumunot agad ang noo ko sa naging iling nya.
"Hindi ko alam na may problema ka na pala.. patawarin mo ako. Hinusgahan kita.."
Umiling muli sya. What's up with her?.. Ayaw nya ba akong kausapin?.. Tell me Joyce?. Verbalize it.
"Nagalit ako sayo kasi hinusgahan mo ako ng hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko yun matanggap kasi mismong bestfriend ko, siniraan ako.."
"I'm sorry.." garalgal ang kanyang boses habang sinasambit ito. s**t!. Yung luha ko, nag-unahan na talaga sila. Di ko na sila napigilan pa.
Ang luha, parang ulan, kapag nabigatan na ang utak mo na parang ulap, kusa na ring babagsak ang mga tubig dito. Aapaw hanggang sa bumaha na.
"Hay, antagal ng announcement. Kating kati na akong umupo. Mga pusa talaga.." Ani Winly na kakabukas ng pintuan ng room. Sunod sunod na ring pumasok ang lahat ng kaklase namin. Pati ang aming adviser.
"Good morning.." bati ng aming guro.
"Good morning Ma'am.." bati rin ng lahat.
Lumipat na ako ng upuan ngunit hindi pa rin maalis kay Joyce ang aking mata. Muli, bumalik sa dati ang pwesto nya. Isang braso sa armrest tapos patong ang kanyang ulo.
"Good morning Joyce.." bati ni Ma'am sa kanya. Dun lang sya umayos ng upo.
"Hala.."
"Anong nangyari sa kanya?.."
"Joyce.." pagtataka ng mga kaklase namin.
Ganyan din ako kanina.
Si Ma'am, "Joyce, anong nangyari sa'yo?.." nilapitan nya ito.
"I'm fine po.." sagot nya lang. Sobrang hina pa.
"You're not hija. Look at you. Mugto yang mata mo. Nangingitim pa. Tsaka yang pisngi mo, namumula.."
Tumulo na naman ang kanyang luha. Damn Denise!!!.. Anong ginawa mo sa kanya?..
"I'm okay po.." Parang nakikita ko Ang dati kong sarili sa kanya. The old Bamby.
"No. Stand up. And go to the clinic.." utos nya rito ngunit hindi rin sya agad kumilos.
"Ma'am, can I accompany her?.." itinaas ko agad ang aking kamay para aalalayan sya.
"You may go.." inayos ko ang gamit bago tumayo. Pero itong si Winly, abnoy.
"Ma'am, can I--?.." Hindi sya pinatapos ni Ma'am.
"No Winly. One is enough. Bawal ang maraming tao sa clinic.."
"Pero Ma'am?.." nasa pintuan palang kami dahil maging ang paglakad nya, paika ika rin pala. Hell s**t!... Sarap manabunot ng buhok!!..
"Ma'am please..." dagdag ni Winly. Ang kulit lang.
"Winly.. bakit ba ang kulit mo?. Manahimik ka na dyan.." galit na sya. Lagot kang bakla.
"Ma'am kasi, paano ako tatahimik kung yung tyan ko hindi matahimik?.." may iilan nang tumawa. Bwiset!..
"What?!!!.."
"Can I go outside?.. My fart is coming.." tumakbo na ito palabas ng room nang di hinihintay ang sagot ni ma'am. Tuloy napuno ng tawanan ang loob ng room. Walanghiya!.. Pusa ka talagang bakla!..