Pinaharurot ni Kuya ang kanyang sasakyan palabas ng school ng sobrang bilis. Nawalan na nga ako ng lakas kanina. Sisimutin pa nya.
"Kuya, slow down.." sabay ng tili ko ang pagpark na nya sa Sm Antipolo. Damn!.
Naging isang linya ang hiwalay kong kilay. Tinignan ko sya ng sobrang talim. Magrereklamo na sana ako pero itinaas nito agad ang kanyang kamay. Pinipigilan ako sa kung anu mang sasabihin ko.
Ilang minuto pa muna bago ko inalis ang masamang tingin sa kanya.
"Don't talk. I want to rest. I need peace of mind.." Anya bago humilig sa sandalan ng kanyang inuupuan. At pumikit.
Alam na nyang may sasabihin ako?. Sabagay, sa nangyari nga kanina, malamang magpapaliwanag ka Bamby. Tama nga sya. Bigyan mo muna sya ng katahimikan para makapag-isip ng tama sa sasabihin mo mamaya. Pangangaral ko saking sarili. Katahimikan ang bumalot saming dalawa.
Kalaunan. Ginaya ko na rin ang posisyon nya. Humilig ako sa sandalan ng upuan saka pumikit. Hanggang sa nakatulog na ako nga ng di namamalayan.
"Hindi mo ako gusto Bamby. Ginamit mo lang ako." sigaw ni Jaden sakin. Di ko na napigilang umiyak. Nagpapaliwanag ako pero ayaw nyang makinig. Juicekupo!!!.
"Jaden. Hindi kita ginamit. Kailanman hindi ko magagawa yun sayo. Gusto kita Jaden. Gustong gusto.." humagulgol na nga ako ng tuluyan. Pero hindi pa rin sya nakinig.
"Kahit kailan. Hinding hindi ako magkakagusto sa babaeng manggagamit. Tandaan mo yan Bamby. Hinding hindi." Yun ang huling sinabi nya bago tulungang tumayo si Denise sa sahig na tinulak ko kanina. Damn!. Ayoko ng mabuhay!. Isang sulyap pa ang ginawa nya sakin bago tuluyang umalis kasama ni Denise..
Oh gosh!. Bakit nangyayari ito?. Totoo ba to?. Wake me up Kuya!...
Isang bagay na malamig ang dumapo saking balat. Sinilip ko ito gamit ang isang mata. Sa kaliwang banda ng aking braso, duon nakadikit ang maliit na baso ng sundae. Hawak ni Kuya Lance. Ampusa!. Panaginip lang iyon. s**t!. Buti nalang.
"Wake up.." mas lalo nyang idiniin sakin yung baso. Kaya mabilis kong kinusot ang aking mata bago kinuha.
"Anong oras na?.." tanong ko. Maraming ilaw na sa labas.
"It's 5:15 pm.. bakit?.."
"Nasaan na tayo?.." nalilito ko pa ring tanong.
"Sm Antipolo.. parking lot.." tamad nyang sagot. Kaya pala maraming ilaw sa paligid. Nasisilaw ako.
Dun ko lang napagtanto na nakatulog pala ako. Sobrang himbing pa. Suskupo!..
"Sino palang nag-paiyak sayo kanina?.." tanong nya sa kalagitnaan ng pagsubo ko ng pagkain. May malaking supot ng Mcdo sa dashboard. Dungaw ko ang fries at burger na tatlo o apat siguro.
Hindi ko sya sinagot. "Kung hindi pa itinawag sakin ni Zack na may kaguluhan na pala sa room nyo e hindi ko pa malalamang may nangyayari na pala sayo ron..." diretso nitong sabe. Nilingon pa ako.
Ako, iwas agad sa mata nya. Sa labas ako tumingin habang sumisipsip sa float na hawak ko. "Ang malala pa, pinagtsitsismisan ka pa. Bakit anong meron?.."
"Wala po.." agap kong sagot.
"Jesus Bamby!.. Nakita ko na ngang mugto yang mata mo, maglilihim ka pa?. Bakit ha?.."
"Wala nga Kuya..."
"O sige. Kung ayaw mong sabihin, tatawagan ko sina Ace at Jaden---.."
"Fine.." my finality. Mas malala kapag nakarating pa sa bahay.
Hindi na sya nagsalita ulit. "Nagsimula ang lahat nang dumating itong si Denise--..."
"Watch your words.." pigil nya sakin. Bumuntong hininga ako saka tumuloy. "Nagsimula ang lahat nang dumating si Denise. After weeks of classes, nagtransfer sya from private to our school. Weeks later, mabilis kumalat sa lahat na sila na ni Jaden. That day, nag-away na kami ni Joyce." short cut na paliwanag ko.
"Now I know..." tumango pa sya.
"What?.." taka ko.
"Kaya pala hindi ko na sya nakikita sa grupo nyo." tinanguan ko lamang sya.
"Continue.." utos nya.
"Wag ka kasing sumingit.." irap ko. Nginisihan nya lang ako.
"Iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin sya namamansin.."
"Baka naman may malalim syang dahilan..."
"Bat nya ako dinadamay?.."
"Hindi ka nya dinadamay. Iniiwas ka pa nga nya sa gulo.."
Mataman akong tumingin sa kanya.
"Look. Diba hanggang ngayon. umiiwas pa rin sya sayo?. That means, ayaw ka talaga nyang idamay sa kung anumang problema nya. Ganun yun.."
"Whatever Kuya.."
"Bamby, hindi lahat ng alam mo ay alam rin nya. Dapat habang malayo kayo sa isa't isa, intindinhin mo rin sya.."
"Pano ko sya maintindihan kung hanggang ngayon hindi pa nya pinapaliwanag yung dahilan ng ginawa nya sakin?.."
"Haist. Bata ka pa nga."
"E ano ngayon?.."
"Kasi may mga bagay ka pang di naintindihann.."
"Naiintindihan ko na.."
"Nope.. mahirap iexplain.. Basta kapag nasa edad ka na, you'll learn.."
"Hindi na ako bata.." tanggi ko pa.
Umiling lang sya. "Bata ka pa."
"Sabi nang hinde e.."
"Okay. sabihin na nating hinde na. Pero the way you look at something, it's like you're a kid in mind.."
Sinamaan ko sya ng tingin. "Don't get mad at me. okay?. Ang punto ko dito, may bagay na hindi na kailangang ipaliwanag sayo pero kailangan mo itong intindihin. Katulad nya, kahit di pa nya sabihin sayong may problema sya. Dapat matik na yung alam mo na may nangyayari na sa kanya simula nung awayin ka nya. Yun yung pinupunto ko sayo.."
Napalunok ako ng wala sa oras. Tama nga sya. Kasi hindi naman basta basta mang-aaway si Joyce. Ngayon ko lang nagets. Suskupo Bamby!.. Bata ka pa nga.
Akala ko tapos na ang pangangaral nya pero nagkamali pala ako. Hawak ang manibela at sa harap ang mata. Nagsalita ulit sya. "Oo sayo, masakit yung ginawa nya. Pero sa tingin mo rin ba, madali rin sa kanyang gawin yun sayo?.."
"Who knows?..." masakit talaga ang loob ko kay Joyce. I know, it's not really a big deal. But for me, it is. Tinawag nya akong malandi kahit hindi naman. Yun ang ayaw ko. Kahit ano atang paliwanag na gawin ni Kuya sakin. Di ko pa rin sya magets.
Lumalim ang kanyang paghinga. Nauubusan ng pasensya. "Kaibigan mo sya Bamby. Kilala mo ang pagkatao nya.." he continued.
"Kilala ko nga sya. Pero nag-iba na sya. Hindi na sya yung dati."
"Pano mo nasabing hindi na sya yung dati?. May nagbago ba sa kanya?.."
I don't get him now. Bakit pinagtatanggol nya ito ngayon?. Anong meron ha?.
May nagbago ba sa kanya?. Parang wala naman. Tanong ko sa aking sarili. Umiling ako sa kawalan. "Kaya posibleng may pinagdadaanan talaga sya.." Anya.
"Why are you defending her huh?.." kanina pa nya pinagtatanggol e.
"I'm not.."
"You are Kuya.. why?. may alam ka ba tungkol sa kanya?.."
"Nope.." tanggi nya. Utal pa. Something new about him huh. Ampusa Kuya Lance!. What's up on you?..
"Stop denying. You're on her side.." di ko na malunok ang huling inumin saking lalamunan. Bigla itong nagbara.
"I'm not..It's just that--.."
"See?.."
"Finish me first please.." inis na ito. Salubong na ang kanyang kilay. Ipinaubaya ko na sa kanya ang lahat. "I know what she felt right now. She's hurt. I''ve been to her situation back then.. And I know how it feels.."
"You've been what?.." pagtataka ko.
"Someone betrayed me. Not my best friend but a friend."
"Who?.."
"You don't have to know. Hindi mo sya kilala.."
nagkibit na lamang ako ng balikat. "What happened then?..."
"Inaway ko sya dahil nagselos ako sa kanya. Lagi nyang kasama ang babaeng nililigawan ko. Nagsuntukan kami. Ang malala pa, nag drop out sya sa school. Hindi ko alam na malaki na pala problema nya. At ang tumutulong sa kanya ay yung babaeng gusto ko na pinsan pala nya. Damn!. I was so busted that time. Too late when I realized that I was.wrong. And it's too late also to get apologize for him.." bigla ay naging malungkot ang kanyang boses.
"Why?.."
"Because... he was gone.." shhhh!... Dunno what to say.
"Kaya kahit mahirap umintindi Bamby. Try to understand a little more. Para hindi ka magsisi sa huli. Gaya ko.."
I'll try. I'm not going to make a promise. but I try my best to talk to her soon.
"Tsk.. Tama na nga drama. You wanna go home?.." humagikgik ako sa sinabi nya. Bakla talaga ang pusa!... Ako nga dapat ang magdrama e. Bumaligtad. Ampusa. Sya ba bida rito?. Ako diba?. Lols.
After ng motivational speech nya. What Bamby?.. You crazy!. Yun nga. Pagkatapos nya akong pangaralan. Umuwi na kami. Hindi na mugto ang mata ko. Hindi na rin mabigat ang dibdib ko. Sa mga narinig mula sa kanya. Naging bukas pa ang isip kong kausapin sya kahit ayaw nya.