"Ma, we'll go shopping today. May ipapabili ka po ba?.." Tanong ko kay mama na nakaupo sa may terasa sa taas. Nagkakape. Maganda kasi ang view doon. Purong berde at asul ang matatanaw mo kahit sa malayo. Malapit sa kakahuyan ang aming bahay kaya ganun. Tuwing umaga, presko pa ang hangin na nanggagaling sa bundok. Masarap langhapin. Maaga akong gumising dahip excited ako sa pamimili. At, ito rin ang unang araw kong lalabas simula nung galing akong ospital. Swear. Ayoko talaga sa mga ospital. I hate it really much. "Ano bang bibilhin mo?.." nilingon nya ako. Hinawi ko ang kurtina na niilipad ng hangin saka tinali. Sinalikop ang buhok at bahagyang itinali bago tumayo sa gilid. Sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin galing silangan. "Sinong kasama mong aalis?.." muli nitong tanong. Ngu

