Hindi na ako mapakali simula nung tunawag ako sa ate nya. Ayoko syang pagdudahan. Ayokong gumawa ng away na wala namang basehan. "Napapraning ka ba Bamby. Di magagawa ni Jaden yun sa'yo.." nagpaikot ikot ako sa loob ng silid bago magdesisyon na lumabas. Mababaliw ako kakaisip ng kung anu ano. "Kuya, san punta mo?. Sama ako.." pababa na ako ng hagdanan nang magmadali si kuya Lance na bumaba. Dala nito ang pang basketball na bag at sapatos. "Hinde pwede.." "Please.. I'm bored.." nagmadali rin akong bumaba. Sumunod sa kanya sa may garahe ng mga sasakyan. "Bamby, wag makulit.. ako lang pinayagan na lumabas ngayon.." "That's so unfair?. How about me?.." he just shrugged his shoulders. Humaba ang aking nguso. Nakatalikod sya sakin kung kaya't di nya ito makita. Basta pinagpatuloy lang ang p

